Ciara Sotto knew that her future husband was "the one" even before she went to Las Vegas

IMAGE 0


"He knows naman na even before I met him, I'm already married to my career. He's very supportive and he doesn't really stop me naman from doing what I really love to do, which is doing movies, singing, dancing. So, wala naman akong nagiging problema sa kanya," says Ciara Sotto about future husband Joe Oconer. The two are set to wed on January 17.


Masaya si Ciara Sotto dahil sa magagandang comments na narinig niya tungkol sa ipinakita niyang pag-arte sa premiere night ng Mano Po 6: A Mother's Love noong Linggo, December 20. Ginagampanan niya sa pelikula ang role ng panganay na anak ni Sharon Cuneta, na pakiramdam niya ay most neglected sa kanilang magkakapatid.

"Sobrang thank you kasi kapag galing sa inyo, kapag galing sa mga taong nagsasabi sa akin, like Tita Zsa Zsa Padilla, talagang nakakataba ng puso. E, I'm not very good pa naman with compliments. So, talagang nahihiya ako," sabi ni Ciara nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Florabel restaurant after ng premiere night sa SM Megamall.

First time lang din daw niyang napanood nang buo sa premiere ang Mano Po 6.

"Siyempre, alam namin ang story, napapanood ko sa dubbing. Pero siyempre, hindi sunod-sunod ang istorya, tahi-tahi ang kuwento. Kaya ngayon ko lang napanood na grabe pala ang pelikula, sobrang dramatic nga siya. Naka-focus talaga sa love ng isang ina, which is the strongest, most powerful on earth. I mean, iba yung God's love. Pero sabi nga nila, there's nothing like a praying mother. Kakaiba kapag nagdarasal yung nanay. So, dito sa movie na yun, talagang clear talaga. At lahat makaka-relate kasi lahat may nanay," aniya.

MOTHER'S APPROVAL. Aminado si Ciara na kabado raw siya sa magiging reaction ng kanyang ina na si Helen Gamboa, na um-attend din ng premiere night ng Mano Po 6.

"Kinakabahan talaga ako sa mga sasabihin ng mommy ko. Alam mo na may mga kissing scene, yung mga damit ko raw mga tapyas-tapyas daw, parang kinulang daw ng tela. Sabi ko, 'Ma!' Pero sabi naman niya, 'I'm so proud of you.' Naiyak naman ako sa car on the way here. Sabi ko, 'Thanks Ma, coming from you.'" lahad ni Ciara sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro pa niya, "At my age, di ba? Akala niya sixteen! Pero kinabahan ako after. Pero sobrang nata-touch ako after the scene. Sobrang relief lang dahil ito ang pinaghirapan namin. "

Marami rin ang nakapansin na tila pinaikli ang sinasabi ni Ciara noong bed scene nila ni Ryan Eigenmann. Ano naman ang naging reaction ng mommy niya sa scene na yun?

"Sabi niya, 'Kinakabahan ako dun, buti na lang mabilis lang.' Pero buti nga, first time ko naman kasing magkaroon ng bed scene. But since GP [General Patronage] kami, yun talaga ang target namin para lahat ng bata makanood. E, kapag hinabaan yun, siyempre MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board], hindi na papayag sa ganun."

"HE'S THE ONE." Tuloy na tuloy na rin ang wedding ni Ciara sa long-time boyfriend niyang si Joe Oconer. Ayon kay Ciara, sa January 17 na raw ang wedding day nila. Kami pa ang nagulat nang sabihin niya ang exact date dahil noong una ay tila undecided pa sila kung pagkatapos na lang ng election gagawin ang kasal nila.

But if there's one thing for sure, ito raw yung sigurado na siya sa lalaking mapapangasawa niya.

"Four years na rin kami at noong magpunta ako sa Las Vegas, nandito siya, long distance. So, dun talaga na-test, e. Kasi ang dami namang guwapo dun, alam mo yung parang ang daming... pero wala yung spark, wala yun.

"Na-realize ko rin na siya na nga bago pa man ako magpunta ng Vegas. Pero siyempre, hindi ko sinabi sa kanya. Sa sarili ko, parang sinabi ko na he's the one. At tapos noong nandoon ako, sinabi ko, I'll find out kung siya pa talaga. And true enough, noong nandoon ako, hindi naman ako nag-ano-ano. Tapos siya, parang wala naman ako paranoia sa heart ko or sa utak ko. It's just so effortless na nata-trust ko siya, nata-trust niya 'ko. So, talagang meant to be," lahad ng 29-year-old actress-singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE ENTOURAGE. Ilan nga sa mga entourage ni Ciara ay ang kanyang mga pinsan na sina Sharon Cuneta at Danica Sotto.

"Si Ate Sharon ang Matron of Honor, then si Danica Sotto, si Julia Clarete, then mga non-showbiz friends ko na. Sa mga lalake naman, sina Kuya Gian, my brother. Siyempre rin, sina Tito Vic Sotto at Tito Joey de Leon, ninong ko ang dalawang yun. At saka si Mother Lily Monteverde," banggit ni Ciara.

Seven pairs of sponsors lang daw meron sila. Purple ang motif ng wedding dahil ito raw ang favorite color niya. Ayon pa kay Ciara, they just really want an intimate and simple wedding.

Kumusta naman ang mommy niya sa pagpapakasal ng bunso sa pamilya at nag-iisang single na lang sa magkakapatid?

"Si Mama, emosyunal siyempre. Pero ngayon, parang tanggap na niya. Napa-process na niya nang unti-unti sa kanyang sarili. Pero naiintindihan ko siya kasi bunso ako, e.

"Pero ganun pa rin naman kahit may asawa na ako. Hindi na nga lang ako nakatira sa amin. Siyempre kailangan matuto na akong gumising nang maaga. Kung kailangan niya ng breakfast... Siyempre I'll try to be the best wife.

"Pero he knows naman na even before I met him, I'm already married to my career. He's very supportive and he doesn't really stop me naman from doing what I really love to do, which is doing movies, singing, dancing. So, wala naman akong nagiging problema sa kanya."

Nakaplano na rin daw kung saan sila mag-i-stay after the wedding.

"May binili na siyang condo sa may Ortigas bago pa lang kami. Parang na-off nga ako noon na, 'Ano ba naman 'to, bumibili na ng condo, bago pa lang kami.'"

Sa London daw ang dream niyang mag-honeymoon. Pero sa palagay raw niya ay made-delay muna ito.

"Wala pa talaga," sabi ni Ciara. "Actually, ang wedding, we're planning nga na baka puwede naming i-move after ng election. Kasi yung brother ko [Gian], tatakbo siya sa Quezon City. Tapos, ang daddy ko [Tito Sotto, who will run as senator]... Pero I decided na, sige, kahit hindi na muna mag-honeymoon. Puwede namang after na lang yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang babies ang plano nila?

"Ako, gusto ko dalawang anak lang. At saka gusto ko lang, simpleng buhay. Yun lang," sabi ni Ciara.

Since ilang araw na lang at Pasko na, ano naman ang plano niya on her last Christmas as a single woman?

"Oo nga, e. Pero ganun pa rin, traditional pa rin. Kasama pa rin namin ang mother side family sa 24. Then sa 25th, puro Sotto side naman. At saka siya [Joe] naman, ever since na naging kami, sa amin talaga siya nagki-Christmas," nakangiting sabi ng future Mrs. Ciara Oconer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN