Cristine Reyes says she has more blessings this year despite typhoon Ondoy

IMAGE 0


"Sa totoo lang, hindi ko iniisip na malas ako nitong year na 2009, e. Kahit tatlong kotse po yung nawala dahil sa bagyo, tapos lahat ng appliances and yung buong bahay namin is sinira ng baha. Actually, maraming blessings ang dumating sa akin this year, kaya very thankful ako na hindi ako pinabayaan ni God. Talagang mas marami akong dapat ipagpasalamat despite etong Ondoy," says Cristine Reyes.


Kahit isa si Cristine Reyes sa napinsala nang husto ng Bagyong Ondoy, positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay. Katunayan, itinuturing ng aktres na marami pa rin siyang biyayang nakuha sa taong 2009, kaya dapat niya itong ipagpasalamat nang lubos.

"Kasi, nagkaroon ng movie na Patient X, and yung sa FHM pa na naging No. 1 ako. Tapos, itong Ang Darling Kong Aswang namin ni Bossing Vic [Sotto], at yung mga TV projects pa," panimulang saad ni Cristine sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, Dec. 14.

"Sa totoo lang," patuloy niya, "hindi ko iniisip na malas ako nitong year na 2009, e. Kahit tatlong kotse po yung nawala dahil sa bagyo, tapos lahat ng appliances and yung buong bahay namin is sinira ng baha. Actually, maraming blessings ang dumating sa akin this year, kaya very thankful ako na hindi ako pinabayaan ni God. Talagang mas marami akong dapat ipagpasalamat despite etong Ondoy.

"Hopefully, magtuloy-tuloy sana ito sa 2010. Kabilang ito sa mga wish ko sa papasok na taon," pahabol pa niya.

ANG DARLING KONG ASWANG. Tungkol naman sa movie nila ni Vic Sotto na Ang Darling Kong Aswang, isa sa entry sa 2009 Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa December 25, very positive at optimistic si Cristine sa kalalabasan nito.

"Ipinagdarasal ko po talaga na mag-Number One itong movie namin. Yes, I'm positive about it na magna-Number One kami!" bulalas ni Cristine.

Dagdag niya, "Si Bossing Vic naman kasi, madalas na umaarangkada sa takilya ang movie niya, e. Madalas naman nangunguna ang mga movie ni Bossing Vic kapag ganitong filmfest, kaya ganito rin ang ine-expect ko sa movie naming ito.

"At saka ang movie'ng ito kasi, pampamilya, e, puwede sa mga bata, sa mga matatanda, sa lalake at babae, lahat ay mag-e-enjoy dito sa Ang Darling Kong Aswang. Isa itong comedy-horror na pampamilya talaga, I'm sure magugustuhan ito ng lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Ang Darling Kong Aswang, sino kaya sa palagay niya ang dalawa pang pelikula na papasok sa Top 3 in terms of box-office?

"Mahirap yata ang tanong na 'yan, magaganda kasi ang mga entry sa filmfest na ito, e. Bukod pa sa magaganda, mga bigatin at malalaking stars talaga.

"Pero sa palagay ko, bukod sa Ang Darling Kong Aswang, sa palagay ko papasok din ang I love You, Goodbye, at Shake Rattle & Roll XI. Kasi, knowing Star Cinema, magaling po talaga sila, e, and trailer pa lang ay nakakaiyak na talaga. Iyong Shake... naman, palagi namang good 'yong movie'ng ito sa box-office, e."

UPCOMING PROJECTS. Ikinuwento pa ng nakababatang kapatid ni Ara Mina na bukod sa serye niyang My Cheating Heart, magsisimula na siyang mag-taping ng Cristine Series para sa ABS CBN pa rin. Pagkatapos ay magsisimula na rin sila sa January of next year sa shooting ng pelikulang Working Girls.

"Tapos po sa February ay magbe-birthday ako, bale 21st birthday ko po 'yon. Bale this month [February) din ako lilipat sa bago kong house. Then, from February 11 to to first week ng March ay may out of the country naman ako. Kaya, magiging super-busy talaga ako sa simulang quarter pa lang ng next year. And sabi ko nga, hopefully ay magtuloy-tuloy itong mga blessings sa kabuuan ng year 2010," sabi ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN