Megan Young looks forward to more international opportunities in 2010

IMAGE 0


"Now, I'm really enjoying as VJ, super, super enjoy! When you're acting, it's not you, you're a totally different person. When you are hosting, that's you. So, it's really totally different thing," says Megan Young about being a VJ in Channel [V].


Isa na yata sa pinakamagandang multo kung saka-sakali si Megan Young. Siya kasi ang gumaganap na multo sa episode na "Ukay" ng Shake, Rattle, & Roll XI, na entry sa 2009 Metro Manila Film Festival. Sa kanya raw masasabing nagsimula ang kuwento kung bakit nagkagulo ang buhay ni Ruffa sa pelikula.

"Yung ayos ko dito, wala lang... nilagyan lang ng eye bags at saka first time ko rin na gumanap na multo kaya it's fun naman," sabi ni Megan nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Shake, Ratlle & Roll XI.

MEGAN IS NOW A VJ. Aside from being an actress and TV host via Cinema One's VIP Access and Studio 23's US Girls, isa ring VJ sa Channel [V] si Megan.

"VJ na 'ko!" bulalas niya. "Actually, we had our launch last December 3, pero before that, nagti-taping na ako. So, lumalabas na kami before our launch. Apat kaming main VJ. So, it's really good thing for me because I enjoy doing it and hosting din siya."

Talagang dream daw niya ang maging VJ.

"Dati pa, dati ko pa talagang gusto. Kahit naman noong nasa GMA pa ako, nagho-host na ako. So, actually, it's another kind of hosting, di ba? Like in US Girls, iba, e, iba ang way.

"Now, I'm really enjoying as VJ, super, super enjoy! When you're acting, it's not you, you're a totally different person. When you are hosting, that's you. So, it's really totally different thing," sabi ng StarStruck 2 alumna.

Hindi ba siya nagwo-worry na dahil sa mga ginagawa niya ngayon, like being a VJ, ay lalo siyang hindi maabot ng masa?

"Ay, actually, I don't feel like that," sabi ni Megan. "Like yung channel pa namin, more on English talaga. But why would you feel like that? For me, why would you think like that if you're just there to grab the attention of people? If it's just popularity, you will not get anywhere. If you enjoy what you do and you're professional about it... You just do what you enjoy at saka ka magsa-succeed if you enjoy what you do and you take it seriously."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong puwedeng abangan sa kanya bilang aktres?

"Actually, that's the weird thing. Mas gusto ko talaga ang kontrabida roles. Pero wala pang kontrabida na offer, but I'm patiently waiting for that," sagot niya.

Talagang na-enjoy na niya ang character role?

"Sobra! Sobrang na-enjoy ko!" sabi ni Megan, who played Marcella in the ABS-CBN primetime soap I Luv Betty La Fea.

Para kay Megan, naging very productive naman ang taong 2009.

"I could say it's very successful," sabi niya. "Aside from doing Betty, I was going to school. Hanggang ngayon naman nag-i-school ako and the good thing about it is that I have a continuous project and I still go to school at the same time.

"Ang maganda dun, naba-balance ko siya. Hindi lang puro school or puro work. Kasi, I need balance talaga. I need to go to school. Kasi feeling ko, if I don't go to school, I don't feel like a normal kid. Sometimes naman wala akong ginagawa, so why not spend the extra time finishing my degree, finishing my school?"

For next year, she's looking forward to more international opportunities.

"Well, Channel [V] is an international thing... Sana makapag-out-of the country ako. I mean, right now, I wanna explore. Explore different places, explore different people. Yun ang masaya, di ba? You wanna be in a different scenario."

MEGAN'S NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Open naman si Megan na masaya siya sa kanyang lovelife ngayon. Four months na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Nico Salva, na player ng Ateneo de Manila University Blue Eagles.

"He's a non-showbiz and a student. But we're not classmates, actually, we're not from the same school."

Pero ka-age daw niya si Nico.

Kuwento ni Megan, "Actually, recently lang... I guess, he's the most persistent. Yung other guys, we'll go out, but then biglang mawawala. Pero siya, he was really nice to me and we even dated na even before we became a couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But what I really like about him, I can be myself. Walang ilangan. At naiintindihan din niya yung showbiz ako. Parang wala lang, 'Okay, she got a job, whatever.' Para siyang mga friends ko na I can be myself."

Mas gusto ba niya ang non-showbiz boyfriend talaga?

"Not necessarily," sagot ni Megan. "But nagkataon lang na nag-click kami. So, non-showbiz siya at nag-click kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN