Ms. Susan Roces prefers to celebrate special occasions privately

IMAGE 0


Movie icon Susan Roces is enjoying the challenges of playing a character with senile dementia in Sana Ngayong Pasko. "Not everybody will want to do a story on the life of an old lady. [Pero] very rich yung character, very rich yung emotion. Para sa isang artista, hindi mo sasabihin na ayoko na at mahirap gawin ang isang project na very interesting ang isang character na pino-portray."


Noong December 14 ay ginunita ang ika-limang death anniversary ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. na namatay noong 2004. Kaya nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang asawa ni FPJ, ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces kahapon, December 17, sa Paombong, Bulacan, sa taping ng Sana Ngayong Pasko, ito ang agad naming inusisa.

Ano ang naging activities ni Ms. Susan noong araw na yun?

"Well, ako I preferred to celebrate after two or three years... I preferred to celebrate privately. That is how I celebrate. Anything that is special to me, birthday, death anniversary, wedding anniversary, Christmas, akin na lang yun," pahayag ni Ms. Susan.

Bago pa raw sumapit ang araw na iyon ay dinalaw na ni Ms. Susan ang puntod ng asawa. Kaya hindi na raw siya pumunta noong December 14 mismo. Tanging ang anak niyang si Grace ang humarap sa mga tao at media na dumalaw din doon.

"Gusto ko naman paminsan-minsan kami lang kahit wala na siya. Pero nandiyan siya."

May kuwento nga si Ms. Susan tungkol sa kaugnayan ni FPJ sa pagtanggap niya ng Sana Ngayong Pasko.

"Kasi October 28 dinalaw ko siya. Tapos nagtanong ako doon sa caretaker, 'Gigi, nagpaparamdam ba rito si Mr. Poe from the time na namatay siya.' Wala naman po, Ma'am,' sagot sa akin. So, sabi ko, 'Ako rin e, sa bahay wala rin.' Anyway, umuwi na ako... Noong 30th sabi sa akin, 'Ma'am, manood daw kayo ng GMA news, 24 Oras, meron ho tungkol kay Mr. Poe.'

"Yung isang babae na may hawak na portrait... yun naman ang madalas nangyayari doon. Pag naglibing sila doon, dadalaw sila kay Ronnie [palayaw ni FPJ], tapos magkukuhanan sila ng picture. E, siya nakakuha na siya ng picture, tapos bumalik pa siya, kinunan niya ng video. Pagdating niya sa bahay, excited pa siyang ipakita sa nanay niya. ''Nay, di ba fan kayo ni FPJ? Nakunan ko yung libingan niya. Pliney daw niya. Tapos yun nga, may lumabas na image daw sa video. Tapos in-analyze nga nila, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Gigi, yun na yata ang paramdam ni Mr. Poe.' After a few days in-offer sa akin itong Sana Ngayong Pasko. Sabi ko kasi, 'Ron, ang lungkot naman. Ang tagal-tagal, hindi ka bumabalik. Ang tagal-tagal kitang hinihintay.' Sabi ko magpapasko na naman, malungkot na naman. Anyway, siguro sabi niya, 'O sige, para huwag kang malungkot keep busy.' At dumating na nga itong Christmaserye," mahabang kuwento ni Ms. Susan.

ENJOYING ACTING AGAIN. Nag-e-enjoy daw si Ms. Susan sa taping ng Christmaserye, na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad. Kaya nga kahit malayo ang location nila sa Paombong, Bulacan, ay walang complaint si Ms. Susan. Ginagampanan niya rito ang pangunahing role na si Remedios, isang inang gustong buuin ang kanyang pamilya matapos mahiwalay sa kanyang mga anak.

"Talagang ganun naman ang taping ngayon, e. Noong nakaraan sa Antipolo naman kami. Kasi wala naman dubbing dito, live sound. At least, controlled ang noise dito, pati magkakatabi yung mga kailangang location, yung ancestral home, hospital, police station, church. Itong bahay na ito [ancestral home], ang may-ari yung art director ng GMA, si Chito Sumera," ani Ms. Susan.

Sinusunod pa rin ba niya ang 12 midnight curfew niya sa taping?

"Ang request is up to 12. Pero kung bitin naman ang eksena, hindi mo naman puwedeng basta iwanan. Kung kakayanin, sige. Kung hindi, yung lighter scenes na lang ang kinukunan."

Hindi niya raw masyadong napapansin ang takbo ng oras at pagod dahil masaya lagi sa set nila.

"Okay, masaya kami, e. Parang dati na ring magkakakilala. Masarap kasama at kaeksena sina Gina [Alajar], Boyet [Christopher de Leon], Dante [Rivero], Eddie [Gutierrez] at saka yung mga bagong artista natin. Yung mga staff mababait at maasikaso. Wala kang poproblemahin."

CHALLENGING ROLE. Gaano ka-challenging emotionally ang role niya lalo na nga't magkakaroon siya ng senile dementia o pag-uulyanin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, being realistic, rare na magkaroon ng project na babagay sa age group namin nina Gloria [Romero], Dolphy, na pag may ganyang klase ng project mahirap tanggihan, kasi alam mo, it doesn't come easy. Not everybody will want to do a story on the life of an old lady. So, very rich yung character, very rich yung emotion.

"Challenging para sa artista kasi iba-ibang facets ng life niya... ng emotions niya yung nata-touch. Nandiyan yung sinasaktan siya. Meron siyang gustong i-esplika pero hindi maintindihan ng mga anak dahil hindi nila alam ang puno't dulo. At saka dahil na-brainwash na rin ni Dante.

"Tapos nandiyan yung in a few more years mawawala na siya, mawawala yung memory niya, nag-uulyanin na siya. Para sa isang artista, hindi mo sasabihin na ayoko na at mahirap gawin ang isang project na very interesting ang isang character na pino-portray...

"Itong role na ito never ko pang nagawa. Kasi kung noon hindi nila maiisip na i-offer sa akin. Sasabihin nila, 'You're not credible kasi you look very young.' Now ang requirement nung role is the way I am. It will be silly already kung gagawin ko pa yung kagaya ng mga ginagawa ko noon.

"Pero bilang nasa edad ko, sometimes you forget na you're no longer a young person. Napapagaya ka sa mga bagets. That is the truth na nangyayari. It's only your age that adds up pero yung feeling mo ganun pa rin. Until you're reminded na, 'Hey, you're not as strong. You cannot move as fast.' Pero sa isip mo 'kala mo kakayanin mo lahat, 'no," biro pa ni Ms. Susan.

Given na na magagaling ang mga batikang artistang kasama niya sa teleserye na sina Christopher, Gina, Dante at Eddie. Pero sa mga batang artistang kasama niya, kanino siya humahanga?

"Well, for the very brief time na nakasama ko sila, dahil five weeks lang naman ang extent ng showing nito, for the few days na nagte-taping kami, lahat naman sila, mga GMA stars, they're very professional. I think they have a bright future ahead, all of them, si TJ [Trinidad], Maxene [Magalona], yung dalawang JC [de Vera at Tiuseco], Ynna Asistio, si Jacob Rica, yung batang apo ko. Lahat sila I can say na in the future we will have new stars."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MMFF MEMORIES. Willing pa rin ba siyang gumawa ng pelikula?

"Siyempre artista ako. Kung artista ang tinatanong mo, depende sa pangangailangan sa iyo sa project. Kung hindi ka naman kailangan at maa-out of place ka lang sa project, huwag na. Pero kung credible ka doon sa role na ino-offer, why not? You will never say no to a good role kasi kailan mo pa ulit magagawa yun.

"Even international actors, lalaki o babae, namimili na lang ng project pag may edad ka na. And it's not that easy to think of a project that requires our age group. At saka very rare na ang nagpo-produce ngayon, e. Everybody is busy with television. It takes a while bago ka makatapos ng isang pelikula."

Malapit na ang Metro Manila Film Festival. Ano ang memories na bumabalik sa kanya tuwing ganitong season?

"Marami. Noong araw very active ang industry, ang daming nagpo-produce. When I see Panday, of course, I can relate very well to Panday because I have also been part of the project offscreen as Ronnie's partner. So, busy rin kami noon na mag-prepare sa festival. Mano Po... I was with one of the Mano Po series. Of course, Dolphy movie. I did several with Dolphy. I'm glad, natutuwa ako pag Metro Manila filmfest."

FOR THE BENEFIT OF THE MOVIE INDUSTRY. Malaki daw ang pagkakaiba ng MMFF noon kumpara sa ngayon, ayon kay Ms. Susan, lalo kung tungkol sa benepisyong napupunta sa movie industry ang pag-uusapan.

"Ang beneficiary ng mga taxes sa festival noong araw ay malaki ang naitutulong sa industriya. Recently, I feel very sad kasi hindi ganun ang nangyayari. Parang wala rin halos napupunta sa industriya.

"Noong generation namin, ipinaglaban namin yun. Kaya malungkot para sa amin dahil we pursued that, e, na yung mga taxes, yung amusement tax, a big portion of that should go to the movie industry. Sa ngayon I'm not in the know how the proceeds are divided."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sana raw ay maibalik ang dating malaking benepisyong nakukuha ng industriya.

"Kasi marami na ring senior citizen ang movie industry. Pati kayo mga writers, you are part of that. You were witness kung ano ang pinagdaanan ng mga pillars sa industry, kung paano nabuo yan. At saka, as far as government is concerned, ang daming trabahong maibibigay ang industriya ng pelikulang Pilipino. Hindi lang sa mga artista, sa mga crew, cameramen, ang daming labor na napo-provide."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN