PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joseph Estrada says the movie industry should do more for its workers

The former president is one of the founders of Mowelfund.
by Rose Garcia
Published Jan 2, 2010
God has been good to him, Joseph Estrada says. "Ginawa na akong sikat na artista, naging mayor, naging senador, naging vice president, naging presidente. At pati hindi ko hinihingi, binigay rin sa akin: ginawa akong preso," joked the former president who is seeking a new term.

Nagdaos ng post-Christmas party sa kanyang opisina sa San Juan si Senator Jinggoy Estrada para sa ilang piling entertainment press noong December 30 ng gabi. Surpresang dumating ang ama nito, ang dating Pangulo na si Joseph Estrada, na nagpaunlak naman ng maikling interview bago ito nagbigay ng pagbati sa press na naroon.

Tungkol sa bansa at sa industriya ang mga plano at wishes niya for the new year.

"Ipagpapatuloy ko ang aking sinabi sa ating mga kababayan na noong ako'y nakakulong, hindi nila ako iniwan. Nakakulong ako, inihalal ninyo ang aking maybahay, si Dra. Loi Ejercito, tapos si Jinggoy, kasama ko sa kaso, inihalal din nila bilang senator...

"Kung kaya't hindi ko rin sila iiwan ngayon. Itutuloy ko ang laban para makaganti naman ako ng utang na loob sa kanila."

MOWELFUND. Nalulungkot daw siya sa nakikita sa industriya ngayon.

"Dahil sa mga nangyayari, tumataas ang cost of production. Nagpa-piracy. Lahat ng ito nagkakasama-sama. At siyempre, pati yung sa ating Metro Manila Film Festival, yung pondo na dapat ay sa Mowelfund [Movie Workers Welfare Foundation], e, kung saan-saan pa hinahati kaya nakakaaawa yung mga movie workers natin at mga projects ng Mowelfund na tulungan ang ating movie workers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya sana, sa susunod na administrasyon, baka sakaling mabigyan ng malaking tulong sa ating industriya. The local movie industry is a dying industry right now...

"Mabuti na lamang na itong Metro Manila Film Festival e malakas."

Naalala ng dating pangulo na noong inumpisahan raw nila ang MMFF noon, tila wala masyadong naniwala sa kanila.

"Kasama ko riyan ang yumaong Rey Valencia nang pinapirmahan namin kay President Ferdinand Marcos. At pinagtatawanan pa tayo noong araw... yung mga distributor of foreign pictures, nakaaway ko pa dahil gusto nilang kunin yung playdate na Christmas season...

"Ako'y galing sa pelikula at kung hindi dahil sa pelikula, hindi makikilala si Erap. Kaya ang industriya ay hindi ko makakalimutan."

CANDIDACY. Napag-usapan din ang pagkandidato niya para presidente.

Ayon sa kanya, "Well, ang taong-bayan marahil ay nalalaman na ang nangyayari sa ating bansa. Nakikita ko na yung masang Filipino, e, marunong na. Alam nila kung sino ang dapat mahalal bilang pangulo. At ako naman ay narito, binigay na halos sa akin ng Panginoong Diyos at taong-bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ginawa na akong sikat na artista, naging mayor, naging senador, naging vice president, naging presidente. At pati hindi ko hinihingi, binigay rin sa akin. Ginawa akong preso," natatawa niyang biro.

"Pero ganunpaman, yun ay isang pagsubok lamang."

Sa kaso nga lang ni Erap, napabalitang may disqualification daw sa kandidatura niya. Ito ay sa dahilang minsan na siyang nanungkulan bilang presidente kung kaya't hindi na ito allowed na tumakbong muli for the same position.

Pero ayon sa kanya, "Ah, tuloy-tuloy na. Wala nang makakawaat dun. Palagay ko, maganda ang argumento ng aking mga abogado run. Na ang bottomline nun, ang talagang ipinagbabawal ay yung incumbent president...

"Yung incumbent na nakatapos ng six years term, yun ang bawal. Bawal mag-reelection dahil magagamit niya ang lahat ng resources ng gobyerno. E, ako naman, two and a half years lang. Kaya walang dahilan para i-disqualify ako.

"Kung ang vice president ay nagsa-succeed sa president at kung less than four years siyang nakapag-serve, e, puwede pang tumakbo, e, kaya nakatakbong muli si GMA.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Samantalang ako, two and a half years lang. E, bakit naman ako hindi puwedeng tumakbo? Maganda naming argumento run."

REASONS FOR RUNNING. Ano ang talagang nag-uudyok sa kanyang tumakbo muli?

"Well, dahil sa ito'y huling yugto ng aking buhay. This is the twilight of my life. At nakikita ko na pasama nang pasama ang takbo ng ating bansa at mas lalong dumarami ang mahihirap. Nanghihinayang ako dahil yung aking programa na para sa mahihirap, e, naputol. Dahil dalawang taon lang ako na nakapaglingkod, nanghihinayang ako na hindi ko naipagpatuloy ang programa ko para sa mahihirap.

"At ngayon, nagpapatunay na maling-mali ang ginawa nilang sabwatan na ako'y pakulong at paalisin. At ang magpapatunay niyan ay ang ating mismong mahal na yumaong Presidente Cory Aquino na siya'y humingi ng tawad sa akin sa publiko na maling-mali ang Edsa Dos. Gayundin si Bishop Tobias, sa ngalan ng Simbahang Katoliko ay humingi ng tawad na maling-mali nga raw yung Edsa Dos. At siguro, kailangan kong bumalik para maipagpatuloy ko ang aking programa para sa mahihirap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa mga ulat na lumabas tungkol sa apology ni Mrs. Aquino, sinabi ng spokeperson niyang si Deedee Siytangco na nagbibiro lang daw ito. Nangyari daw ang paghihingi ng tawad sa book launching ng dating House Speaker Jose de Venecia noong December 22, 2008, kung saan marami ang naaliw sa mga nakatatawang remarks ni Mr. Estrada nang siya'y pasalitain.

Dahil "hard act to follow" daw si Erap, nagbiro din si Mrs. Aquino nang siya naman ang nagsalita. Parang padugtong sa mga sinabi ni Erap tungkol sa Edsa Dos people power revolt na nagpatalsik sa kanya sa katungkulan, sinabi raw ni President Cory: "I am one of those who plead guilty for the 2001 uprising. Lahat naman tayo nagkakamali. Patawarin mo na lang ako."

Nilinaw naman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines president Archbishop Angel Lagdameo na ang apology ni Novaliches Bishop Antonio Tobias tungkol sa papel ng simbahan sa Edsa Dos, na sinabi niya sa kanyang homily noong Misa para sa 69th birthday ni Estrada noong Abril 2006, ay sarili niyang opinyon at hindi ng Simbahang Katoliko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa palagay ba ng dating pangulo, mas mahigpit ang labanan ngayon sa mga presidentiables?

"E, hindi pa natin malalaman 'yan dahil hindi pa desidido ang mga tao, maaga pa, e. Malalaman natin 'yan kapag Marso, Abril."

May sinasabing "unity talks." May panahon pa kaya yun para sa kanya at kina Sen. NoyNoy Aquino and Sen. Manny Villar?

"Wala na siguro... hindi na rin naman kailangan dahil sa nakikita ko, kaya lang naman gustong pag-isahin ang opposition dahil baka mangyari yung nangyari noon kay FPJ [Fernando Poe Jr]. E, ngayon naman, natitiyak nating isa sa opposition ang mananalo," natatawa niyang pahayag.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
God has been good to him, Joseph Estrada says. "Ginawa na akong sikat na artista, naging mayor, naging senador, naging vice president, naging presidente. At pati hindi ko hinihingi, binigay rin sa akin: ginawa akong preso," joked the former president who is seeking a new term.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results