PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Celebrities recall their best memories of 2009

Jolina Magdangal considers moving on from her breakup with Bebong Muñoz as her best memory of 2009.
by Rose Garcia
Published Jan 4, 2010
(Top, from left) Jolina Magdangal, Heart Evangelista, and Kris Bernal; (bottom from left) Jake Cuenca, Dingdong Dantes, and JC Tiuseco.

Simula na naman ng bagong taon, 2010. Isang taon na naman ang lumipas kung saan nag-iwan ng ito ng iba't ibang karanasan. May masaya, may malungkot. May mga nabuong pangarap at meron din namang ipagpapatuloy ang pangarap sa pagdating ng bagong taon.

Ilan sa mga artista ang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang naging best memory ng 2009 para sa kanila. Narito ang kanilang mga sagot:

JOLINA MAGDANGAL: "Best memory para sa akin yung naka-move on ako [from her breakup with Bebong Muñoz], hindi ko akalain na makakaya ko. Tapos, dumating sa buhay ko si Mark [Escueta].Na-realize ko na puwede pa rin pala akong ma-in love at sumaya ulit."

JOHN LAPUS: "Best ang mapasama sa three shows ng GMA. Ang Showbiz Central, Show Me Da Manny, at Full House."

HEART EVANGELISTA: "Well, of course for me, marami akong na-gain na experiences for 2009. Pero siyempre, isa sa mako-consider kong best talaga yung pagkapanalo ko ng Best Actress award sa FAMAS. At bago pa mag-end ang year, nanalo pa ako ng Best Supporting Actress naman for Metro Manila Film Festival."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MIKE TAN: "Para sa akin, yung best memory ko for 2009 at hindi ko makakalimutan yung makagawa ako ng stage play. Unang-una, dahil sa stage play na yun, napakarami kong natutunan na puwede kong magamit pa."

SHERILYN REYES: "Ang taong 2009, ang sunod-sunod ang soap ko. First time din to travel with our closest friends we consider our family. Ang year na ito rin ang masasabi kong may binata na kami kasi nag-uumpisa na magka-crush at manligaw ang panganay naming si Paoie. Best memory rin for me yung sixth wedding anniversary namin kung saan sinurprise ako ng dinner while cruising ng husband ko [Chris Tan]... I look forward to being more busy with work, more family travels, more successful sa business naming mag-asawa, better health and better government."

JACKIE RICE: "Best memories, first yung mapasama ako sa Darna, favorite ko kasi yun. Tapos hindi ko ine-expect na pagkakatiwalaan ako at bibigyan ng GMA ng malaking role. Yun kasi ang pinakamalaking role na nakuha ko sa GMA. Gayundin yung mga naging movie like Hellphone. Makasama ang Pambansang Kamao [Manny Pacquiao] dahil iba ang experience ng makasama ang isa sa bayani natin. Sa Hellphone naman po naging bida ako at marami akong natutunan na acting skills sa ibang artista. Yun kasi ang first movie ko na horror. At huli yung makasama ako sa pelikula ni Bossing [Vic Sotto] na kasama sa MMFF, Ang Darling Kong Aswang. Lahat best, kasi lahat malalaki at magagandang pelikula. Pangarap ko lang dati kaya ako nag-artista para makita mga iniidolo ko, ngayon isa ako sa gumaganap ng role."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAYE ABAD: "Yung pagkakukuha sa akin ng Precious Hearts Romances. Malaking break yun for me after a long time na nagbakasyon ako. Siyempre, matagal-tagal din akong nawala and sobrang thankful ko na through PHR, nagkaroon ako ng another chance."

SAY ALONZO: "Best for me ang nakasali ako sa dalawang top-rating shows ng GMA—ang Dapat Ka Bang Mahalin at Stairway to Heaven."

ANGELIKA DELA CRUZ: "Sobrang daming best memories na nangyari this year for me. Unang-una, ngayong taon ako nagkaroon ng baby, si Gabby, at ngayong taon din kami nakasal sa church ng asawa kong si Orion [Casareo]. And careerwise, para sa akin, magaganda rin lahat ng projects na nagawa ko for this year kahit may ilang months ako na nagpahinga dahil nanganak ako."

CIARA SOTTO: "Best memory for me of 2009 was March 20, 2009, the day, Jojo [Oconer, her fiancé] proposed."

JC TIUSECO: "Best memory would be when I joined Unang Hirit."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

EMILIO GARCIA: "The best para sa akin nang manalo ako sa Star Awards."

JAO MAPA: "My most memorable thing this year was going to Puerto Galera with the whole family down to the apos of mom and dad."

CHRISTIAN BAUTISTA: "My best memory is when my latest album turned platinum. And hopefully, next year, it will reach more Asian countries."

JOROSS GAMBOA: "Best memories for me yung pagkakagawa ko ng MMK [Maalaala Mo Kaya] sa China at yung pagkapanalo ko ng Best Actor sa Star Awards for TV, still for MMK. At panghuli siguro ang pagkakaroon ko ng bagong show sa GMA [First Luv]."

KRIS BERNAL: "Yung 2009 talaga, sobrang daming magagandang nangyari lalo na sa career ko. Yung mga hindi ko ine-expect na mangyayari sa akin, nangyari talaga at sobra pa. Siyempre 2009, yung unang soap namin ni Aljur [Abrenica], yung Dapat Ka Bang Mahalin, nasundan ito ng All My Life, yung launching movie namin [Nandito Ako], at saka itong ginagawa naming The Last Prince."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JAKE CUENCA: "Para sa akin, puro pasasalamat para sa taong 2009. Kasi ito yung year na ang daming magagandang memories at ang daming magagandang opportunities. Siyempre, isa na rito yung Tayong Dalawa talaga. Tapos, bago magtapos ang taon, nagkaroon pa ako ng chance to do a show again with Cristine Reyes and Roxanne Guinoo, na ngayon masasabi kong maayos na talaga lahat. At siyempre, yung bago ko rin show, yung Rubi."

CHYNNA ORTALEZA: "Ang best memory ko for 2009 pagdating sa career ko, super saya ko na nakasama ako sa Paano Ba ang Mangarap bilang Maya that was directed by Direk Joel Lamangan. Napakagandang experience yun for me as an actress. Tapos, siyempre, hindi ko makakalimutan ang Typhoon Ondoy. It brought out the best and worst in us. After ng trahedya, it made me feel proud to be Pinoy. Wala talagang iwanan kapag may problema tayo, di ba? Astig talaga ang Pinoy! Napaka-resilient."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DINGDONG DANTES: "There's a lot of good memories from 2009 in all aspects. I cannot say just one because for me, everything that has happened, lahat yun nag-contribute para maging napakaganda ng taong 2009."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top, from left) Jolina Magdangal, Heart Evangelista, and Kris Bernal; (bottom from left) Jake Cuenca, Dingdong Dantes, and JC Tiuseco.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results