PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Biboy Ramirez bonds with girlfriend Vaness del Moral through poetry

Biboy clarifies his statement about ex-girlfriend Jackie Rice.
by Glen Sibonga
Published Jan 6, 2010
Is it just coincidence that Biboy Ramirez's past and present girlfriends are graduates of StarStruck Batch 3? His ex-girlfriend isUltimate Female Survivor Jackie Rice (inset, top) and his present girlfriend is Avenger Vaness del Moral (inset, bottom).

Masaya ang lovelife ngayon ni Biboy Ramirez kasama ang bagong girlfriend niyang Vaness del Moral, na produkto ng StarStruck 3. Isine-celebrate nga nilang dalawa ang kanilang fourth monthsary ngayong araw, January 6, simula noong maging mag-on sila officially last September 6, 2009.

Nagsimula raw maging close sina Biboy at Vaness noong magkasama sila sa pelikulang Pangarap Kong Jackpot.

"Nag-click kami bigla, e," simula ni Biboy. "Magkakilala na kami before pa. Pero noong magkasama kami sa shooting ng Pangarap Kong Jackpot, yung role namin doon mag-asawa. Tapos ang first scene is yung wedding scene. E, di ba, pag wedding scene, siyempre may kiss the bride? Doon nag-start, parang it all started with a kiss. Nandun agad yung magic. Nag-jell na kami after noon.

"Hindi pa naman naging kami kaagad. Naging magkaibigan muna kami. Lumalabas-labas, bilyar, ganun. Nag-start kami ng shooting August 2009, tapos naging kami ng September 6, 2009," kuwento ng aktor nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last January 4, bago siya sumalang sa kanyang guesting sa showbiz program ng Q-11 na Tweetbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POETRY WRITING. Mas nahulog daw ang loob nila sa isa't isa nang maging madalas ang pagsasama nila habang ginagawa ang kanilang favorite bonding moment—ang pagsusulat ng tula.

"Tinuruan niya akong magsimula ng poem," sabi ni Biboy. "Kasi may binabasa siya sa akin na sinulat niya. Sabi ko, 'Ang ganda! Turuan mo naman ako.' So, ang nangyari, habang tumatagal, every day yun na nagkikita kami sa isang restaurant, yun ang ginagawa namin, ang magsulat ng poem. Bihira kaming manood ng sine. May pinupuntahan kami sa Eastwood na certain restaurant na doon kami laging nagsusulat. Kapag pumapasok kami doon, may favorite spot kami na alam na ng mga waiter na pagdating namin, naka-reserve na yun.

"Ang nakakatuwa pa, hindi pa kami noon, magkaibigan pa lang kami. Pero aminado ako may feelings na ako for her. Feeling ko rin noon, may feelings din siya para sa akin. Lahat ng nararamdaman ko, sinusulat ko. Lahat ng nararamdaman niya, sinusulat niya. Pinapabasa ko sa kanya, pinapabasa niya sa akin, pero hindi namin sinasabi sa isa't isa. Masasabi ko na malaki rin ang kinalaman ng mga isinusulat naming mga tula para malaman namin yung true feelings namin for each other. Lahat through poems, e, through letters. Hanggang sa one day, sinagot na rin niya ako," lahad niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi ba sila na nabo-bore sa kanilang bonding moment?

"Hindi," sagot ni Biboy. "Ang maganda pa noon, after naming magsulat, exchange kami, tapos basa. Ang maganda pa, halimbawa ako ang magsusulat, bibigyan niya ako ng topic tapos gagawan ko ng poem. Ako rin ganun sa kanya. Sa kanya ko lang natutuhan na ang pagsusulat pala ng poem can be a very interesting hobby and, yun nga, bonding moment. Hindi siya boring, e."

MOST SPECIAL. Sa lahat daw ng mga naging girlfriends ni Biboy ay si Vaness daw ang pinakaespesyal.

"Si Vaness kasi, iba, e. Parang start pa lang, nandun na [yung love], e. Unlike sa iba na ligawan-ligawan, tapos tantiyahan-tantiyahan. Yung sa amin ni Vaness, para sa akin ha, itanong mo rin sa kanya... para sa akin, hindi na kailangan ng tantiyahan.

"At saka parehong-pareho kami, e, nagkakasundo kami. Kasi pag lumalabas kami, yung mga jokes ko, naiintindihan niya kaagad. Yung mga jokes niya, naiintindihan ko kaagad. Parehas kami ng humor. Yung mga hilig namin, parehong-pareho. Tapos sobrang lawak ng pang-unawa niya kaya hindi mahirap magtrabaho. Kaya puwedeng-puwedeng pagsabayin ang career at lovelife," sabi ni Biboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkasama raw silang nag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.

"Christmas, kasama ko siya with my family. New Year, kasama ko siya with her family sa Baguio. Happy naman kami dahil parehong okay ang families namin sa relationship namin ni Vaness."

Sa tingin niya ba si Vaness na yung pangmatagalang girlfriend na puwedeng humantong sa kasalan?

"Sana, sana, sana," sagot ni Biboy. "Siyempre, ganun naman pag may girlfriend ka, e. Wini-wish mo na ganun. Lalo na ako pag nag-girlfriend ako, kino-commit ko yung sarili ko, e. Siyempre mag-i-invest ako ng feelings ko, ng panahon, ng oras... So, gusto ko yun na yun na parang huwag nang maputol. Pero I'm happy dahil every day nadadagdagan yung pagmamahal namin sa isa't isa."

GOING ACTIVE IN SHOWBIZ. Kung happy si Biboy sa lovelife, masaya rin siya na muling aktibo ang kanyang acting career. Ang career ni Biboy ay mina-manage na ngayon ng Viva Artists Agency. Kasama nga siya sa cast ng GMA Christmaserye na Sana Ngayong Pasko na magtatapos na sa January 8. Ginagampanan ni Biboy ang role ni Danny, ang lalaking pinag-aagawan nina Gina Alajar at Arnell Ignacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba siya na-intimidate sa mga beteranong aktor na kasama niya sa serye?

"Hindi naman. Unang-una, nakatrabaho ko na si Direk Gina before sa isang soap ng TAPE. Tapos, kaibigan ko yung anak niya, si Geoff [Eigenmann]. Naka-workshop ko na rin siya, so medyo kumportable na rin ako."

May susunod na ba siyang project after ng Sana Ngayong Pasko?

"So far, sa TV, wala pa. Guesting-guesting siguro. Sa movie, meron, Working Girls under Viva Films. So, yun ang magiging next project ko."

Hindi pa makapagkuwento nang lubusan si Biboy tungkol sa Working Girls dahil hindi pa raw niya natatanggap ang script niya. Pero magsisimula na raw silang mag-shoot sa third week ng January. Ang sigurado niya raw makakasama sa naturang movie ay sina Cristine Reyes at Jennylyn Mercado.

For 2010, ano pa ang mae-expect ng fans sa kanya?

"Bukod sa movie, may mga plano pa rin naman para sa akin ang Viva. Pero feeling ko, nagsisimula ulit ako kasi nga new management, Viva. Happy naman ako. Siguro ang maibibigay ko sa mga fans is makikita nila ako in both stations, GMA and ABS-CBN. Puwede akong gumawa sa GMA and sa ABS, kasi nga Viva ang may hawak sa akin, so walang kaso. Siguro more on movies din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PHOTOGRAPHY. Bukod sa kanyang showbiz career, may bago ring career sa photography si Biboy. Ito raw ang pinagkaabalahan niya noong hindi siya busy sa showbiz. Tuloy-tuloy pa rin daw ito hanggang ngayon.

"Nag-aral ako ng photography," banggit niya. "Tapos nagtayo ako ng studio. Nagpo-professional photography na ako. I get paid for my job in photography. Tapos nagtayo rin ako ng events company. So, magagamit ko rin doon yung work ko as a photographer. Pag may event tapos kailangan nila ng artista, kokontakin nila ako, tapos kokontakin ko yung mga artista. At least nasa same industry, hindi pa rin lumalayo. Kaya kahit wala akong acting job, intact pa rin yung job ko sa showbiz dahil sa photography at sa events company ko."

Ang latest daw niyang project sa photography ngayon ay ang pagkuha ng pictures para sa food menu ng isang restaurant. Isa rin sa mga ginawa niya ay ang pictorial ng isang spa para sa brochure nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JACKIE RICE. Samantala, nilinaw naman ni Biboy ang lumabas na isyu sa kanila ng ex-girlfriend niyang si Jackie Rice, na sumama raw ang loob ng young actress sa kanya matapos niyang sagutin ang tanong sa kanya sa isang interview, na kung sakali mang buntis daw si Jackie ay hindi siya ang ama.

"E, kasi, hindi naman na kami, e. More than a year na kaming wala. So, kung may isyung buntis siya, so malamang hindi na sa akin yun. Yun ang nasagot ko. Na-interview kasi ako August or September of 2009. Naghiwalay kami September 2008. Basta ganun yung range ng interview at saka ng relationship namin. So, more or less, one year na wala na kami nung na-interview ako. So, pag tinanong kung buntis si Jackie Rice, siyempre hindi akin 'yan. E, wala na kami, e. Ang mas masama pa kung wala na kami, tapos ako pa rin yung tatay," paliwanag ni Biboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Biboy, si Jackie raw ang nag-initiate ng breakup nila. Ano ba ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila?

"Marami, e, maraming rason. Marami kaming differences sa isa't isa. Pero ang masasabi ko lang, walang third party involved. Meron lang mga hindi pagkakaintindihan na pag pinatagal pa ay mas malaking problema. So, mas magandang maghiwalay na lang," saad niya.

Two or three months daw after ng breakup nila ay nagkaka-text pa raw sila sa isa't isa. Nakaka-text din daw niya noon ang daddy ni Jackie dahil naging close din siya rito. Hindi pa raw sila nagkikita ulit after ng breakup nila.

Happy naman si Biboy para kay Jackie sa kanyang career bilang aktres, lalo na nga't sunud-sunod ang projects nito ngayon sa GMA-7. Si Jackie rin ang cover girl ng FHM for January 2010.

Ayaw na raw mag-comment ni Biboy tungkol sa balitang may bagong boyfriend na umano si Jackie ngayon na nagngangalang Andrew Lopez. Ayon kay Biboy, kilala na niya ang guy na ito hindi pa man sila ni Jackie kaya nagulat din siya nang mabalitaan niya ang tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung anuman yung meron sila, sa kanila na 'yon. Wala na akong karapatang magsalita pa tungkol doon," sabi ni Biboy.

Read Next
Read More Stories About
Biboy Ramirez, Jackie Rice
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is it just coincidence that Biboy Ramirez's past and present girlfriends are graduates of StarStruck Batch 3? His ex-girlfriend isUltimate Female Survivor Jackie Rice (inset, top) and his present girlfriend is Avenger Vaness del Moral (inset, bottom).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results