Lovi Poe doesn't let unsavory intrigues get her down

Jan 9, 2010
She's been called a two-timer and a gold-digger, but the star of Sagrada Familia just marches on: "Naka-focus ako on improving my craft. Pabayaan na lang natin silang magsalita. Basta, ang mahalaga, wala akong tinatapakang tao."

Tila napakaraming intriga ang binabato kay Lovi Poe mula nang madawit ang pangalan niya kay Ronald Singson, ang anak ng government official na si Chavit Singson. Pero, nananatili namang consistent ang mga pahayag ni Lovi na si Ronald ay isang kaibigan lamang.

"Wala akong nakikitang masama kung maging close man kami," sabi ni Lovi. "Kaibigan ko si Ronald, at hindi dahil sa mga tsismis ay iiwasan ko na lang siya nang ganoon. Hindi ko rin naman ipinipilit ang sarili ko sa kanya. Nakikipagkaibigan lang yung tao."

Ayaw na ring mag-comment pa ni Lovi tungkol kay Jolo Revilla.

"Naroroon pa rin ang respeto ko sa naging relasyon namin ni Jolo. Kung ano yung para sa amin, sa amin na rin lang yun. Hindi ako magsasalita ng kung ano-anong masama tungkol sa kanya, kung yun ang inaasahan sa akin ng mga tao. I'm sorry but I want the good memories intact," madiing pahayag ni Lovi.

Continue reading below ↓

INTRIGUES. Tinatawanan na lang ni Lovi ang akusasyong two-timer daw siya, kesyo material girl na mahilig lang sa mga lalaking magagatasan.

"I don't need to do that," sabi niya. "In the first place, hindi naman ako ang naghabol sa kanila para mapalapit sila sa akin. At sila ang makakapagsabi kung mayroon akong hiningi sa kanila, or I took advantage of their generosity.

"I just feel sad that some people look at me that way. Pero, wala naman akong magagawa. Hindi naman lahat mapi-please ko.

"Hindi ko kailangang i-defend ang sarili ko sa mga sinasabi laban sa akin, na alam ko sa sarili ko wala namang katotohanan. Ganoon lang kasimple yun," sabi pa ni Lovi.

Masaya si Lovi sa piling ng mga kaibigan, at inaamin naman niyang ang isa roon ay si Ronald.

"I have so many friends. Nakikita naman ng iba na sila yung mga nakakasama ko, isang grupo kami. Ayokong sabihin that Ronald is courting me. Basta, he's trying to be extra nice, mabait naman siya, at ano naman ang masama roon?" aniya pa.

Continue reading below ↓

LINKED WITH PATRICK GARCIA. Mahilig daw siyang makipag-close sa mga lalaking may anak na. Na-link din for a while si Lovi kay Patrick Garcia nang dumalo ang aktor sa premiere ng Sagrada Familia.

"Nakita siya sa premiere night ng movie ko dahil inimbita ko naman siya, nagkaroon pa ng ganyang isyu.

"Lumalabas na defensive nga ako kung magsasalita pa ako ng mga bagay tungkol sa mga akusasyong ito. Ipinagpapasadiyos ko na lang ang ganyang mga bagay. Ang mahalaga, masaya ako with my friends, kami ng mommy ko [Rowena Moran] ay okey naman.

"Maganda rin ang feedback sa movie namin, yung Sagrada Familia. Ibinuhos ko naman ang magagawa ko sa movie, and I'm glad napansin ang efforts ko. Naka-focus ako on improving my craft, at yun ang importante.

"May nangyayari naman sa pinagsisikapan ko to be recognized as a good actress. It won't do me any good if I will keep on mouthing words against other people. Pabayaan na lang natin silang magsalita. Basta, ang mahalaga, wala akong tinatapakang tao," sabi pa niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
She's been called a two-timer and a gold-digger, but the star of Sagrada Familia just marches on: "Naka-focus ako on improving my craft. Pabayaan na lang natin silang magsalita. Basta, ang mahalaga, wala akong tinatapakang tao."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results