PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Recent adoptive parents Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan plan to have more kids

"Kung ayaw na, mag-aampon pa kami," said Sharon.
by Rose Garcia
Published Jan 24, 2010
Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan said their three girls KC, Frankie and Miel dote on the newest addition to their family, Miguel or Baby Mig. "Nag-aagawan sila kung sino ang magbibigay ng bottle," related Sharon.

Sa nakaraang wedding nina Ciara Sotto at Jojo Oconer, nakausap ng Startalk ang isa sa mga matron of honor na si Sharon Cuneta, at ang kanyang asawa na si Sen. Kiko Pangilinan. Sa naturang kasalan, nandoon din ang panganay ni Sharon na si KC Concepcion at ang dalawang kapatid na sina Frankie at Miel.

Ang missing lang sa kanila ay ang bagong addition sa kanilang pamilya, ang adopted son na si Miguel or Baby Mig. Very proud si Sharon sa pagkukuwento tungkol sa kanilang new baby boy.

Ayon sa Megastar, "Mahal na mahal, mula sa big ate hanggang sa dalawa. Nag-aagawan sila kung sino ang magbibigay ng bottle, yung ganun."

Dagdag na kuwento naman ni Sen. Kiko, "At saka I think dahil boy, excited sila. Yung natural na paglalambing bilang ate. Siguro baka nag-iiba ang sitwasyon kung babae."

Kuwento ni Sharon, "Hindi sila threatened. Although si Miel, pinipilit niyang ampunin din yung little girl sa orphanage."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE KIDS. Maayos daw ang lahat sa pamilya nila, especially sa tatlo nilang anak na babae.

Ayon kay Sen. Kiko, "From day one, walang naging problema. Talagang tinanggap nila nang buong puso."

Ayon kay Sharon, nasa plano pa rin daw nila na palakihin pa ang pamilya nila. Natawa ang mag-asawa sa tanong kung gaano pa ba karami ang gusto nila.

"Sabi ko, kung ano ang ibibigay ng Diyos. Siyempre, hindi mo puwedeng tanggihan. Alam niyo naman, ang ating mga anak, 'yan ay precious gift from the Lord, so, ano ang gagawin mo run sa mahiwagang blessing na galing sa Kanya? Siyempre, dapat aalagaan," nakangiting pahayag ni Sen. Kiko.

Natatawang hirit naman ni Sharon, "Kung ayaw na, mag-aampon pa kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan said their three girls KC, Frankie and Miel dote on the newest addition to their family, Miguel or Baby Mig. "Nag-aagawan sila kung sino ang magbibigay ng bottle," related Sharon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results