Marlene Aguilar-Pollard on son Jason Ivler: "He is the price I pay for being the kind of person I am."

IMAGE 0


"Everything happens under the will of heaven. If I lose Jason tomorrow... if he dies tomorrow, you will find the same peace through my eyes. You know, we are only instruments here. We are intruments of God. We are instruments of higher forces. You and I do not decide who lives or dies," says Marlene Aguilar-Pollard, mother of murder suspect Jason Ivler.


Live na na-interview ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday, January 24 si Marlene Aguilar-Pollard, ang ina ng murder suspect na si Jason Aguilar Ivler. Si Marlene ay kapatid ng sikat na folk singer na si Freddie Aguilar.

Matatandaang noong January 18 ay nahuli si Jason ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos i-raid ang kanilang bahay sa Blue Ridge A subdivision, Quezon City. Nauwi sa madugong shootout ang insidente na ikinasugat ni Jason. Lumabas na itinatago raw ni Marlene ang anak sa kanilang bahay at iniligaw nito ang mga awtoridad sa pagsasabing hindi niya alam ang kinaroroonan ng anak. Sa tulong ng isang impormante ay natunton at nahuli ng NBI si Jason.

Tinutugis ng NBI si Jason dahil siya ang main suspect sa pagpatay kay Renato Ebarle Jr., anak ni Presidential Chief of Staff Renato Ebarle Sr., matapos ang isang away-trapiko noong November 18, 2009 sa Boni Serrano Ave., Quezon City. Bukod sa murder case na ito ay involved din si Jason sa iba pang kaso.

Si Jason, 28, ay ipinanganak noong January 7, 1982 sa Massachussets, U.S. Siya ang panganay na anak ni Marlene sa una nitong asawa na si Robert Ivler.

Minsan nang pumasok sa showbiz nang makasama siya sa cast ng defunct youth-oriented show ng GMA-7 na T.G.I.S. Nakapag-record na rin siya ng rap album na may titulong Jsln, pero hindi ito na-release. Isa ring ex-U.S. army ranger si Jason at napasabak na sa giyera sa Iraq.

FLOATING THROUGH LIFE. Sa simula ng interview ay kinumusta ni Boy si Marlene kaugnay ng hinaharap nitong sitwasyon.

"I don't feel... I don't know... I try to... feel but I don't feel," paputol-putol na tugon ni Marlene. "I'm just floating through life right now. Waiting... wondering why this is happening to me, to my family, you know."

Sa pagkakataong ito, saan siya humuhugot ng lakas? Ano ang naglalaro sa kanyang isipan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I believe that everything happens for a grand reason. I believe that there are greater forces up there and you know, we are not totally in control of our lives. We are affected by greater and unseen forces. And I humble myself to the will of God. You know, there's a reason why this is happening. I don't know anyone... I have traveled to 36 countries, I've seen so much of the world. I have never met anyone as beautiful as Jason," sagot ni Marlene.

CONVERSATION WITH JASON. Madamdamin namang ikinuwento ni Marlene ang naging pag-uusap nila kamakailan ni Jason sa Quirino Memorial Medical Center, Quezon City, kung saan ito naka-confine.

"You know, I told him when I saw him recently, I said to him, 'If you go, if a lose you, I don't know life without you. I'll never know anyone like you.' Tapos sabi niya, 'But we will never be apart. I will never leave your side no matter what happens. It would just be my body that they will take away from you, I will remain with you forever.'

"Yesterday [Jan. 23], yun ang first time niyang makatayo. Kaya hindi ko maigalaw yung shoulder ko, naka-cast kanina ito. Tapos sabi niya, 'Help me get up.' So, I helped him get up. Para ko siyang binuhat na sundalo. And 'eto yung [puwesto niya]. Tumayo siya, tapos niyakap niya lang ako na ang tagal-tagal. Nandun lang kami nakatayo, nakayakap siya. And he told me how much he loves me. And I told him how much I love him," lahad ni Marlene.

Nag-apologize ba si Jason sa kanya na hinaharap niya ang mahirap na sitwasyong ito ngayon?

"Yes, yes. Sabi niya, 'I'm so sorry, I have caused you so much pain.' And I said, 'Don't, don't. It's not your fault.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isang anak na mahal na mahal ang kanyang inang si Nanay Lising, inihayag ni Boy na naiiyak siya at nasasaktan ngayong nakikita niya si Marlene, na isang inang umiiyak at nagdurusa. Pero ang tanong ng iba, pagdating sa usapang may kinalaman sa kaso ng kanyang anak na si Jason, hindi kaya ang nakikita lang ni Marlene ay ang nakikita ng kanyang puso at hindi ng kanyang mga mata?

"My husband will tell you that I am one of the most clear-headed person he knows," sagot niya. Ang asawa ni Marlene ay si Stephen Pollard, British economist na nagtatrabaho sa Asian Development Bank.

THE BODYGUARD. Bilang ina ni Jason, si Marlene ang humaharap sa publiko at nakikipaglaban para sa kanyang anak, na kasalukuyan pang nasa ospital. Pero sinasabi ng NBI na solid ang mga ebidensiyang may kinalaman ang kanyang anak sa pagkamatay ni Ebarle Jr. Ano ang reaksyon niya rito?

"I have a bodyguard, Mark Hausser, he is British. Magkatabi po sila ng kuwarto ni Jason sa ibaba. He has access to everything. He has access to car. He has access to... if there's a gun there. He has access in and out of my house. They [Mark and Jason] are in the same quarters," sabi niya.

Kasama ba ni Mark si Jason nang mangyari ang insidente?

"I found out that he was not home that evening. Bumalik siya, umaga na, lasing na lasing," sabi ni Marlene.

Ipinakumpirma naman ni Boy kay Marlene kung siya ba ang nag-hire kay Mark at kung nagtatrabaho pa rin ito sa kanila nang maganap ang insidente.

"He's been employed by me for almost two years."

Noong nangyari ang "road rage" na 'yon, nasaan si Mark?

"He wasn't with me," sagot niya.

Sa pananalita ni Marlene, tila may kinalaman at isinasabit niya ang kanilang bodyguard na si Mark sa nangyaring pagpatay kay Ebarle Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, he even told me, 'Ma'am, I'm gonna ask someone in England to send me five thousand dollars to put in your account because I look like Jason. I might need a lawyer also.' That is what he said to me."

Kailan ito sinabi sa kanya ni Mark?

"After the incident."

INTELLIGENT, NOT INSANE. Sinasabi ng NBI na ang ginawa ni Marlene na pagtatago kay Jason at pagpapa-interview sa media na hindi niya alam ang kinaroroonan ng anak is the "highest form of deception or cover-up." Ano ang comment niya rito?

"It is... you know, karapatan po nilang isipin yun," sagot ni Marlene.

Pero ilalaban niya ba ito sa korte?

"Yes."

Para sa kanyang anak?

"Yes. For the Philippines."

Nagiging kontrobersiyal si Marlene dahil ilan sa kanyang statements ay pawang kontrobersiyal din, gaya na lang ng sinabi niya na kaya siya hindi naiintindihan ay dahil "maraming mga taong mangmang," na siya ay "intelligent," at ang iba ay "average people" lamang. Ano ang masasabi niya rito?

"Because most people have average mind. That's not me. That's factual. That's fact," sagot niya.

Sinabi niya rin ba na, "Because I'm intelligent, it doesn't make me insane?"

"No, it doesn't make you insane," sagot ng ina ni Jason. "What I said is geniuses, a borderline, insane. But it doesn't make you insane. You know, if you are not understood. You know, when people do not understand you, they think you're insane. How do you make somebody seven years old understand Algebra? It's the same thing."

Paano siya nagre-react sa mga comment na "insane" siya?

"Boy, I have published 11 to 12 titles defending Philippine art and culture. All my books are about art and culture because I believe that is the soul of our nation. I believe that our problem in the Philippines is not money, but our soul. Our art and culture represent our soul. I have received awards and citations both local and international.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yung mga tumatawag po sa akin ng baliw, gusto ko lang pong malaman, what have they done for their country recently? My first novel, Wars of Heaven, has received excellent reviews in the States, in Eurpoe and here. And my book is my fight, you know, with America for a better Philippines. And if my people... if the Filipino people would see that as insane, then let it be."

PAIN AND ANGER. Noong ipinakita ang footage ng paghuli kay Jason, sinasabi raw ni Jason na, "Kill me! Kill me!" Is this true?

"Yeah, because he believes that his death will give me strength, you know. He is the price I pay for being the kind of person I am," sabi ni Marlene.

Sa mga kantang nilikha ni Jason sa kanyang unreleased album bilang isang rap artist, mararamdaman na kapag ang sinasabi niya ay tungkol sa kanyang ama at lolo ay there's so much pain and anger. Paano niya ipapaliwanag ito?

"There's so much pain. Yes, there's anger. There is pain because Jason's father [Robert Ivler] was killed when he [Jason] was two and a half years old. He was found dead in a hotel in Bangkok. He was killed by a professional killer."

MISTAKEN IDENTITY. Pero ano ang reaksiyon niya na isang Jason Aguilar sa Qatar ang hinuli at ikinulong ng isang linggo matapos itong mapagkamalang si Jason na anak niya?

"Yes, I heard about it. Tapos naririnig ko rin na sinasabi ng media na sinira ni Jason Ivler yung buhay ni Jason Aguilar."

How does she react to that?

"Ang nagkamali po doon yung mga awtoridad kasi nagkamali sila. Matse-check mo naman yung identity ng tao kung siya nga yun. Kasalanan po yun ng mga awtoridad na nagkamali doon sa taong dinampot nila," diin ni Marlene.

Sa pamilya ni Renato Ebarle Jr., may mensahe ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everything happens under the will of heaven. If I lose Jason tomorrow... if he dies tomorrow, you will find the same peace through my eyes. You know, we are only instruments here. We are intruments of God. We are instruments of higher forces. You and I do not decide who lives or dies."

Ano ang dasal niya ngayon sa Diyos?

"That we stop hating."

Ano naman ang mensahe niya sa kanyang anak bilang isang ina?

"Jason, the whole world could turn upside down. I love you always, every minute of the day. And nothing can ever change that," sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN