TV personality Eagle Riggs protests his ouster from Unang Hirit

IMAGE 0


"Pagkatapos kong magsilbi nang matagal, na naging loyal ka, wala akong ibang shows na tinanggap kundi Unang Hirit lang for the past nine years, tapos bakit ganoon? All of a sudden, parang, 'We don't need you anymore,'" says Eagle Riggs about not being included in the reformatting of GMA-7's daily morning show Unang Hirit. The Kapuso Network issued a counter-statement but thanked Eagle for his contributions to the show


Hindi naitago ng TV host-comedian na si Michael "Eagle" Riggs ang kanyang hinanakit at sama ng loob dahil sa nangyari sa kanya sa morning show ng GMA-7 na Unang Hirit. Hindi na kasi ni-renew ang serbisyo ni Eagle bilang isa sa host ng nasabing morning show. Ilan sa mga natirang hosts ng programa ay sina Arnold Clavio, Suzi Entrata-Abrera, Lyn Ching, Rhea Santos, Love AƱover, at Drew Arellano.

Ayon kay Eagle, nine straight years daw siyang naging loyal sa Unang Hirit at sila ni Arnold na lang ang natitirang pioneer, pero nabalewala lang daw lahat.

Ito ang ipinahayag ni Eagle sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng mga bagong programa ng UNTV-37 sa Uncle Cheffy sa Eastwood Mall kahapon, January 26. Isa sa mga programang ito ay tampok si Eagle, ang Easy Lang, every Tuesday 4:30-5:00 ng hapon.

Ang iba pang bagong programa sa UNTV ay Kilalanin Natin, Law Profile, Estranghero, Kayo Ang Humatol, Rotary In Action, Dito Po Sa Amin, at ang Manibela, hosted ng Chairman at CEO ng UNTV na si Mr. Daniel Razon.

EAGLE SPEAKS OUT. Inusisa muna ng writer na ito kung totoong nilayasan nga ni Eagle ang GMA-7.

"Hindi naman parang nilayasan talaga, kasi raw magre-reformat sila," simula niya. "So, hindi na ako isinama sa pagre-reformat. Pero ang siste, may mga tanong ako sa kanila [management] na hindi nila masagot. Like sabi ko, 'Bakit ako hindi isasama? Ano ang problema sa akin?' Siyempre kahit sino naman ay yun ang gusto mong malaman, yung sa craft mo kasi, e.

"Kasi I've been with the show na Unang Hirit since it started. Magna-nine years na ang Unang Hirit at kami na lang ni Arnold ang natitirang original diyan. So, ang tanong ko pa, e, 'Ano ba ang problema sa akin, am I too old?' Kasi, hindi lang naman ako ang mas mukhang matanda sa lahat, may matatanda rin naman sa show. I will not mention names, pero maraming matanda doon. Tapos sabi ko pa, 'Palpak ba yung trabaho ko?' And I am the only one being sent every day sa iba't ibang lugar?' Every day yun, tapos hindi ka isasali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, yung portion ko ay nag-e-exist lang siya ng ilang minuto lang ba? Dalawang pasok lang ako for three hours, dalawang beses lang ako ipapasok na tigti-three minutes. So, naisip ko, bakit ako yung affected? Plus, the fact na ako yung araw-araw na iba-iba ang pinupuntahan, I don't think na yung portion ko yung pinaka-boring. Kasi nga, every day, ako lang yung iba. The rest, pare-pareho lang 'yan, e. Yung news, yun at yun din. Yung studio, yun at yun din ang makikita mo. Pero yung segment ko, every day ay iba. Minsan nga nasa North ka, minsan nasa South.

"Tapos ang aga pa lang ay gumigising na ako," patuloy ni Eagle. "Nagsisimula yung programa ng five, alas-dose pa lang ng hatinggabi bumibiyahe na ako papunta sa lugar. At wala akong reklamo doon, never akong nagrekalmo na, 'Ayaw ko po, pagod po ako, ganyan-ganyan.' Wala. I just followed what's being told to me for nine years. E, balita ko, yung ibang mga nagko-cover sa fiesta ay tumatanggap pa sa mga mayor. Sana pala ay tumanggap na lang ako sa mga mayor, e, di ang yaman ko na siguro ngayon!

"Sobrang solid. Kaya tinatanong ko, 'Anong problema?' Pero hindi nila masabi, basta gusto lang daw nilang magkaroon ng reformat, gusto lang daw nilang magkaroon ng bagong bihis."

Dagdag niya, "Mayroon silang ibinibigay na kapalit, yung Chika Minute Explosive na bago ko oohan ay nawala na pala sa ere. Kasi, hindi siya explosive, walang kakuwenta-kuwenta yung ibinibigay nilang programa!"

Masama ba ang loob niya sa mga taga-Unang Hirit o sa GMA-7?

"Sa sistema," sagot niya. "Kasi parang... ganoon ba yun? Pagkatapos kong magsilbi nang matagal, na naging loyal ka, wala akong ibang shows na tinanggap kundi Unang Hirit lang for the past nine years, tapos bakit ganoon? All of a sudden, parang, 'We don't need you anymore.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung nagtrabaho siguro ako sa opisina ng gobyerno, mayroon akong benepisyong matatangap. E, dito, kahit SSS nga wala kami, e. Ganoon ka-rude yung negosyong... So sabi ko, sana pala ay nagnakaw na lang ako o kaya sana, nangutang na lang ako sa mga kasamahan ko at tinakbuhan ko. Para may rason para tanggalin nila ako. Kaso, yun yung worst, pag walang dahilan. Anong problema, bakit ako tinanggal?"

UNREWARDED LOYALTY. Pero ang higit daw na ikinasasama ng loob ni Eagle ay ang pagbabalewala diumano sa kanyang loyalty at ang hindi pagbibigay ng sapat na rason kung bakit siya inaalis sa Unang Hirit.

Kaya nasabi niyang pinagsisisihan niya ang pagiging loyal niya sa Kapuso Network.

"Ang Kapuso Network pala ay walang puso," ani Eagle. "In a way, nakapagsisisi dahil wala palang sukli yung loyalty mo, e. Hindi pala importante 'yon. So sana nga gumawa na lang ako ng kalokohan, ganoon din lang pala ang mangyayari, para may napala pa ako. Nagnakaw na lang sana ako sa kumpanya.

"Hindi nila [GMA-7] alam ang salitang puso," seryosong sabi niya. "It's not loyalty, e, yung commitment mo sa isang tao, bilang tao. Hindi yung parang ang trato sa talent ay parang isang bagay lang na basta-basta itinatapon."

Paano ba dumating sa kanya ang balitang hindi na siya kasali sa pagre-reformat ng Unang Hirit?

"Kinausap muna ako ng executive producer, tapos yung aming PUM [production unit manager]. Ang ganda-ganda pa nga ng pagkakasabi sa akin, e, after nine years ha, sabi, 'Halika rito, pasok ka.' So, pasok ako sa isang cubicle at pagpasok ko ay pinaupo ako. Sandali lang daw, nag-computer-computer muna, tapos, 'Okay, we are not renewing your contract anymore.' Parang, bang! Nagulat ako, parang gusto kong magmura... ganoon yung nasa loob ko, pero hindi ko masabi, e.

"Sabi ko sa sarili ko, 'Dyusko!' Nagulat ako talaga at wala lang, ganoon kakaswal lang. Sabi nila, 'We'll give you a month na puwede kang mag-stay.' Kasi, di ba, ganoon naman yung standard, e, four weeks bago ka alisin, dapat ay sabihan ka na agad? Sinabihan ako November 30, so dapat December 31 ay tapos na ako. Pero sabi nila, 'Mag-e-extend ka muna hanggang January 15 para maayos yung salary. Noong 14th na, tinawagan na naman ako kung puwedeng mag-extend hanggang a-trenta dahil hindi pa raw sila ready sa reformat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa loob-loob ko, sabi ko, 'Ay, sobrang sakit naman nito, tatanggalin niyo na nga ako sa programa, gusto niyo at the end of the very last hour, gagamitin niyo pa rin ako.' Kaya sabi ko, 'Hindi bale na lang, di baleng wala kaming makain.' Actually, wala kaming kakainin, kasi ako lang ang breadwinner sa amin."

Dagdag ni Eagle, "Actually, may takot ng kaunti akong nararamdaman sa pag-alis ko. Kasi, malaking network ito, GMA ito, number one ito. Pero kapag ganoon pala, hindi ka matatakot tumalikod, lalo na kapag ang sistema ay bulok. Ang sakit talaga, e. Biruin mo pinae-extend pa ako kasi di pa sila ready. Pero kapag ready na sila, 'Hoy lumayas ka na!' Parang feeling ko, suntukan na lang tayo!

"Now, I'm part of UNTV. Pero hindi ako under-contract sa UNTV, freelancer ako," paglilinaw niya.

EAGLE'S NEW NEST. Ayon kay Eagle, pagkatapos niyang umalis ng GMA-7 ay kinuha siya ng dating host ng Unang Hirit na si Daniel Razon, na ngayon ay Chairman at CEO na ng UNTV. Paano nalaman ni Daniel Razon na wala na siya sa Unang Hirit?

Kuwento ni Eagle, "Noong araw na nasabihan ako sa GMA-7, nag-text siya all of a sudden. I don't think na alam na niya, nangungumusta lang, nagkataon lang. Ayaw ko pa ngang lumapit sa kanya dahil nahihiya ako, baka sabihin na, 'Wala ka nang programa kaya lalapit ka.' So, ayaw kong lumapit. Siya ang nagsasabi na pumasyal ako doon, mayroon daw siyang sasabihin. Ayoko pa rin. Nagtatago-tago pa rin ako hanggang yung assistant na niya ang tumawag. Mayroon daw programa sa akin, pictorial ngayong araw na ito, bukas shooting, the next day airing na.

"Ang sarap ng feeling, kasi parang bubuuin mo ulit yung mundo mo at saka siyempre, mapapakain mo ulit yung pamilya mo. Kaya ang laki ng pasasalamat ko kay Kuya Daniel dahil katulad ko rin siyang inalis sa Unang Hirit nang walang kadahilanan, e. May nag-email lang na sinasabing 'tanggalin mo 'yan'. Magpapaapekto ka ba sa e-mail message na 'tanggalin mo 'yan'? Bakit ka dapat makinig doon? Ang alam ko ay walang kinikilingan, walang pinoprotektahan," saad ni Eagle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, puwede siyang sumali sa morning show ni Kuya Daniel, ang Good Morning Kuya?

"Puwede kung ia-ask niya ako," matipid na saad ni Eagle.

Ayon pa sa kanya, "Mayroon akong offer sa Channel 2 at mayroon din ako sa TV5 na hinihintay. Nauna lang itong si Kuya Daniel, pero hindi ko sinasabing dito [UNTV] lang ako. Magwo-work ako sa lahat ng network. Sa 2, si Direk Wenn Deramas ang tutulong sa akin."

Ano naman ang nararamdaman niya sa "pag-ampon" sa kanya ni Kuya Daniel?

"Ang bait-bait niya, sobra-sobrang thankful ako sa kanya. Masarap ang feeling na alam niya ang abilities ng tao. At saka masarap ang feeling na may puso pala sa mga taong hindi kapuso," sagot ni Eagle.

Masaya ba siya na kahit nawala siya sa GMA-7 ay mayroong ibang pintong binuksan para sa kanya?

"Hindi lang pinto, bubong pa, buong bubong ang binuksan!" bulalas ni Eagle. "At nalaman ko na yung maliit na pintong pinapasukan ko, puwede palang palakihin."

Dating taga-ABS-CBN si Eagle bago siya lumipat sa GMA-7. Pero naisip ba niyang makakabalik pa rin siya sa Dos?

"Puwede, kasi kilala ako ng mga dati kong kasamahan sa Channel 2. Alam nila kung anong klaseng trabaho ang ibinibigay ko at alam din ng mga taga-Channel 7 'yon, hindi nila puwedeng i-deny yun. Actually, dapat pinapahalagahan natin ang mga taong ganoon, e. Kaya hindi rin ako natatakot bumalik sa Channel 2 dahil alam nila yung ability ko," saad niya.

Sinabi rin ni Eagle na apektado raw nang husto ang Unang Hirit sa katapat nitong morning show sa ABS-CBN, ang Umagang Kay Ganda, kaya lagi raw itong "mino-monitor at ginagaya" ng UH.

"They are threatened, wala silang ginawa kung hindi manood nang manood ng Umagang Kay Ganda," ani Eagle. "Kung ano ang ginagawa nung kabila, yun din ang gagawin namin. Kaya ang sabi ko, 'Kung tumatakbo ka niyan, karerahan ito at pabilisan, pag tingin ka nang tingin sa kalaban mo, hindi ka lang madadapa, kundi maiiwan ka pa.' Sinasabi ko nga na huwag tayong manood nang manood sa kanila, let's set a trend. Pero ayaw nilang makinig dahil sila ang mahuhusay, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Si Regine [Tolentino] nga ay iyak nang iyak, e. Pero alam kong ngayon ay okey na siya."

Si Regine ay dati ring co-host ng Unang Hirit na hindi nakasama sa pagre-reformat ng show. Pero napapanood siya ngayon sa afternoon soap na Ina, Kasusuklaman Ba Kita?.

GMA-7 STATEMENT. Kinuha rin ng PEP ang panig ng GMA News and Public Affairs at ng Unang Hirit sa pamamagitan ni Jojo Aquio ng Corporate Communications Department ng Kapuso Network.

Ayon sa official statement na ipinadala ng GMA-7 sa PEP sa pamamagitan ng email ngayong gabi, Jan. 27, naiintindihan daw nila ang nararamdaman ni Eagle, ngunit iginiit nila na "we did try to keep him." In-offer-an daw nila si Eagle ng ibang options, pero hindi raw nito tinanggap.

Nalulungkot din daw ang Kapuso network na pinili ni Eagle na batikusin ang naging tahanan niya sa loob ng siyam na taon, pero pinasalamatan pa rin nila ito "for his contributions to Unang Hirit."

Narito ang kabuuan ng official statement ng GMA News and Public Affairs tungkol sa mga pahayag ni Eagle:

"GMA News and Public Affairs wishes to clarify the issue regarding the non-renewal of contract of Eagle Riggs for the show Unang Hirit. As the leading morning program, Unang Hirit constantly innovates to bring superior programming to its audience. On its 10th year, the show is set to take a new direction that will entail some changes in the current roster of hosts.

"Understandably, Eagle is bitter but we did try to keep him. We offered him other options, including doing showbiz stories in Unang Hirit but he was not amenable to this. He wanted to carry on with his usual assignment, but this was not part of the reformat plans.

"It is a fact that competing programs monitor each other. For its part, Unang Hirit maintains that any and all changes to its format are only in keeping with its commitment to provide quality news and features.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It is unfortunate that Eagle chose to attack the network that gave him a home for nine years, and until the end tried to give him options.

"Still, we wish him well and thank him for his contributions to Unang Hirit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN