PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Geoff Taylor still has to receive his cash prize from Are You The Next Big Star?

The singer believes that a lot of good things will happen to him in this Year of the Tiger.
by Rose Garcia
Published Jan 29, 2010
Geoff Taylor was born on the Year of the Tiger, so he believes that 2010 will be a great year for him. "Maraming projects na dumarating. Hindi pa dumarating ang February, may projects na po akong dumarating," he says.

Maganda ang pasok ng taong 2010 para sa male winner ng Are You The Next Big Star? na si Geoff Taylor. Malaki rin ang paniniwala niya ng singer na maganda ang mangyayari sa kanya this year dahil taon daw niya ang Year of the Tiger. Ipinanganak si Geoff noong May 26, 1986.

"Before po, hindi ako naniniwala sa ganun. Pero kung papaniwalaan niyo raw, wala namang mawawala. Wala namang masama. So, pinaniniwalaan ko siya, okay naman. Okay ang epekto. Maraming projects na dumarating. Hindi pa dumarating ang February, may projects na po akong dumarating," sabi ni Geoff sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

THE CASH PRIZE. Bagamat limang buwan na ang nakalilipas mula nang tanghalin silang winners ni Frencheska Farr sa Are You The Next Big Star?, sinabi ni Geoff na hindi pa raw nila nahahawakan ang cash na napanalunan mula sa talent search na ito ng GMA-7. Pero hindi naman nababahala masyado si Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sabi naman po, winu-workout na rin daw po. At saka ang alam ko rin po kasi, parang ganun daw po talaga. Parang pino-process muna. Inaayos na rin naman po," aniya.

Pero may mga pagkakataoan daw talaga na pina-follow-up din niya ito.

"Nagpa-follow-up din po, like noong Christmas. Siyempre kailangan din po ng pang-Christmas. Pero mabuti naman po, may projects naman po na bumubuhay sa amin!" natatawa niyang sabi.

FRENCHESKA FARR. Yung condo naman daw na kasama sa prizes nila ay malilipatan na niya ngayong July. Sa New Manila, Quezon City raw ang condo units na lilipatan nila ni Frencheska. Kaya biro tuloy ng ilang entertainment press, hindi kaya sila matsismis ni Frencheska?

"E, wala naman pong talaga. At saka si Frencheska, career po munang talaga ang inuuna namin. At saka nasa competition pa lang kami, pangarap na namin ito. So, wala po kaming papasuking ganun."

Hindi ba siya naa-attract kay Frencheska?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bata pa po kasi si Frencheska, she's only 17. At saka kami ni Jay [Perillo], parang itinuturing na namin siyang kapatid," sabi ni Geoff.

JAY PERILLO. Speaking of Jay, na nakalaban ni Geoff sa Are You The Next Big Star?, kahit alam niyang naikukumpara silang dalawa ay hindi raw sila apektado rito.

"May kanya-kanya naman po kaming style sa pagkanta. At saka hindi naman po lahat ng tao mapi-please mo," sabi ni Geoff.

May nagsasabing mas magaling daw si Jay sa kanya. Meron din namang nagsasabi na mas okey siya kumpara kay Jay. Para kay Geoff, confident naman siya sa kung anong talent meron siya.

"Bilib po ako kay Jay. May kanya-kanya po kasi kaming style sa pagkanta. At yun nga po, hindi lahat ng tao mapi-please mo. Hindi lahat ng tao magkakagusto sa akin. May mga taong gusto si Jay. May mga taong ako naman ang gusto.

"Actually, mas close pa nga po kami ngayon dahil palagi po kaming nagkakasama. Wala naman po yung competition. Magkakaiba rin ang projects namin. Sa Viva siya, sa Artist Center naman po ako," saad ni Geoff.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Magkakasama sina Geoff, Frencheska, at Jay sa BandaOke na napapanood every Sunday night sa GMA-7.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Geoff Taylor was born on the Year of the Tiger, so he believes that 2010 will be a great year for him. "Maraming projects na dumarating. Hindi pa dumarating ang February, may projects na po akong dumarating," he says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results