Coco Martin's manager refutes report that the actor doesn't like working with Kris Aquino and Kim Chiu

IMAGE 0


In behalf of his ward Coco Martin (main photo), talent manager Biboy Arboleda denied a report that the actor has asked the executive producer of Kung Tayo'y Magkakalayo to just kill his character because he does not like working with "mga plastic," supposedly referring to Kris Aquino and Kim Chiu (insets). "Coco's not that kind of a person who will say such things," says Biboy.


May lumabas na report sa isang tabloid na nagsasabing "napaplastikan" diumano si Coco Martin kina Kris Aquino at Kim Chiu, co-stars niya sa primetime series ng ABS-CBN na Kung Tayo'y Magkakalayo. Pinagtatawanan daw kasi nina Kris at Kim ang mga isinusuot ni Coco.

Ayon pa sa balita, nag-dialogue daw si Coco sa executive producer ng Kung Tayo'y Magkakalayo na marami na siyang naipon para mabuhay ng isang taon at kung puwede ay patayin na siya sa istorya dahil ayaw niyang makatrabaho ang "mga plastic." Ginagampanan nina Kris at Kim ang papel ng stepmother at stepsister ni Coco sa Kung Tayo'y Magkakalayo.

Upang linawin ang isyung ito, minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ng manager ni Coco na si Biboy Arboleda.

Nagpasalamat muna si Biboy sa amin dahil sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na linawin ang isyu. Pagkatapos ay tuluy-tuloy na ang naging pahayag niya.

"Una, Coco's not that kind of a person who will say such things," simula niya. "Pangalawa, anak ko si Coco, anak-anakan ko si Kim, and matalik kong kaibigan si Krissy. Okay na okay silang magkakatrabaho ngayon sa set ng Kung Tayo'y Magkakalayo. At kung may gulo man ay ako ang nakakaalam at mag-aayos.

"Si Kim at si Coco ay halos magkapatid na ang turing sa isa't isa mula pa ng Tayong Dalawa. Si Krissy, ngayon lamang nakakatrabaho ni Kim at ni Coco. Ang bawat teleserye ay mayroong birth pains na pagdadaanan. Ang mahalaga ay nalalampasan at nagpapatuloy ang maayos na pagtatrabaho at pagsasamahan.

"Ikatlo," patuloy ni Biboy, "sa magandang blessings na natatanggap ni Coco, ni Kim, ni Krissy at ng serye nilang Kung Tayo'y Magkakalayo, ay mas maigi na i-celebrate ang success, ang bunga ng hard work nilang lahat."

Binanggit din ni Biboy na pumunta pa nga raw si Coco sa premiere night ng Paano Na Kaya? noong January 26 sa SM Megmall para suportahan sina Kim at Gerald Anderson, na nakasama ng award-winning actor sa teleseryeng Tayong Dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkakatabi kami ng upuan with Krissy and James Yap and the kids and the network executives," sabi ni Biboy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN