StarStruck Kids alumna Bea Binene resurfaces in First Time

IMAGE 0


Bea Binene, now 12 years old, is a product of the artista search StarStruck Kids. She is part of the upcoming GMA-7 primetime series First Time.


Sa grand launch ng First Time ay marami ang nagulat nang makita nila ang dating child star na si Bea Binene. Hindi nila ito agad nakilala dahil malayung-malayo ito sa batang unang nakilala sa artista search ng GMA-7 na StarStruck Kids.

As a child star, naging regular si Bea sa defunct sitcom na Bahay Mo Ba 'To? at sa weekly children's show na Lovely Day. Pagkatapos mawala sa ere ng mga programang ito ay biglang sumulpot si Bea sa SOP na dalaga at pumayat na. Pagkatapos ay nasundan pa nga ito sa pagkakasama niya sa First Time.

Paano ba siya pumayat?

"Nagwu-wushu po kasi ako kaya ako pumayat. It's a Chinese martial arts. So, magwa-one year na po ako sa March. Siguro po, pumayat kasi ako kaya po nagmukha po akong dalaga, pero hindi ko po alam..." sabi ng 12-year-old actress.

NO CRUSHES YET. Kahit maagang na-expose si Bea sa trabaho at showbiz, since six years old pa lang siya noong makapasok sa StarStruck, sinisigurado nitong hindi pa siya nagkakaroon ng puppy love o boyfriend.

"Wala po!" mabilis niyang tanggi. "At saka bawal po. At saka bata pa po ako. At marami pa po akong gustong gawin sa buhay ko. Gusto ko pa pong mapuno ng wushu medals yung wall namin sa bahay. Kaya wala po. At saka, gusto ko pa pong maging award-winning actress-host-reporter po."

Kahit ano ring pilit naman ay wala raw talaga siyang crush ngayon, kahit pinapili namin siya between the leading men of First Time na sina Joshua Dionisio at Jhake Vargas.

"Wala po! Ang difference lang naman sa dalawang 'yan, yung isa po tahimik, yung isa naman po, alaskador po. Pero wala po talaga akong crush kahit kanino," giit niya.

May warning din daw sa kanila ang SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante na kapag nagkaroon sila ng bagsak sa grades nila, definitely ay tatanggalin sila sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, siyempre po, I will study hard para hindi po mangyari yun," sabi ni Bea. "Kasi, I love what I'm doing. Nasa home study po ako, kasi hindi po puwedeng hindi mag-aral, or else, mawawala po lahat, tigil po lahat."

Busy rin daw si Bea sa Kapuso Foundation.

"Nagho-host po ako dun, active po ako. Tapos, kung may feeding programs sila, kasama po ako sa mga nagpapa-feed. And I'm one of the Junior Child Ambassador for Conservation of Haribon Foundation," banggit niya.

FIRST TIME. Hindi naman daw niya ine-expect ang pagdating ng First Time kaya masaya siya na napasama siya rito.

"Sobrang-sobrang mixed emotions po kasi I'm so happy," sabi ni Bea. "Sa dinami-rami ng puwedeng bigyan ng role na ito, ako po ang napili nila. I am so happy dahil they trusted me and at the same time, I'm nervous.

"Kailangan ko pong gawin ito nang maayos kasi nga po, di ba, they gave me this project? So, kailangan ko pong gawin ito. Sabi nga po ni Direk Andoy Ranay sa meeting namin, this can make or break you."

Aware din si Bea na ang edad niya ngayon ay nasa awkward stage, na hindi alam kung bata pa o dalaga na.

"Kaya nga po I'm so happy. Kasi, di ba po, sinasabi nila sa mga young roles, e, mukha ka nang dalaga kaya hindi ka na mapapasok sa ganyan? E, ngayon po, sobrang parang nagkaroon ng shows for us na awkward years talaga. So, I'm so happy po."

Hindi ba naiinggit si Bea na si Barbie Forteza ang bida sa First Time kahit nauna siyang pumasok sa showbiz kesa rito?

"Wala po!" bulalas niya. "Kasi ano, e, may kanya-kanya kaming talents. May kanya-kanya kaming abilities. I'm proud of her na nakilala ko siya, nakasama ko siya. And I'm proud of her dahil meron nang show for them, so I am happy for her."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya rin si Bea na among the graduates of StaStruck Kids, isa siya sa pinaka-visible hanggang ngayon.

"Siyempre po, 14 kami dun kaya masaya po ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN