Joshua Dionisio attains lead-actor status at the age of 15

IMAGE 0


Teen star Joshua Dionisio gets his biggest break to date by playing the lead in GMA-7's upcoming early primetime series First Time. Kasi, madalas puro young lang naman ang pinapagawa sa akin sa kabila [ABS-CBN], hindi po ako binibigyan ng ganitong klase ng character. Pero noong mag-Stairway, nagkaroon ng Dear Friend. So, dun ko lang po na-feel na puwede po pala," says the 15-year-old actor.


Who ever thought that after playing the young Cholo (Dingdong Dantes) and Jodi (Rhian Ramos) in the hit primetime series Stairway to Heaven, Joshua Dionisio and Barbie Forteza would get to play lead roles in their own primetime soap, First Time?

Napakarami nang mga batang artistang gumanap bilang young characters ng mga pangunahing bida sa mga telenovela. Pero sa kaso nina Joshua at Barbie, magiging daan pala ito sa mas malalaking roles nila sa TV.

Bida na nga sina Joshua at Barbie sa bagong early primetime series ng GMA-7 na First time, na magsisimula sa February 8.

Bagamat pagkatapos ng Stairway to Heaven ay nakapagbida na rin sina Joshua at Barbie sa "Christmas List" episode ng Dear Friend last December, ngayon ay mas malaking project ang ibinigay sa kanila ng Kapuso network. Mararamdaman din ang tiwala ng kanilang home network dahil sa napakabonggang press conference na ibinigay para sa kanilang show last February 1 sa Studio 6 ng GMA Network.

FEELING THE PRESSURE. Hindi itinanggi ni Joshua na nakakaramdam siya ng pressure, lalo na't malapit nang husgahan ang tambalan nila ni Barbie sa primetime.

"Nape-pressure nga po ako masyado," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kasi, malaking show 'to. Ginastusan talaga nila. Tapos, kailangan po talaga naming mag-rate. Pero masaya po kasi maganda po ang istorya at saka masaya po naming ginagawa. Dahil yung mga dati naming kasama sa Stairway, yun pa rin po ang kasama namin [dito]. So, parang at home po yung taping."

Ang tinutukoy ni Joshua ay sina Jhake Vargas at Joanna Marie Tan, na gumanap bilang batang Tristan (TJ Trinidad) at Eunice (Glaiza de Castro) sa Stairway to Heaven.

Gumanap na rin naman si Joshua na young character ng mga bida in the past kaya hindi raw niya inakalang ang pagganap pala niya bilang batang Cholo would give him his biggest break in showbiz, so far.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati po talaga hindi... Kasi, madalas puro young lang naman ang pinapagawa sa akin sa kabila [ABS-CBN], hindi po ako binibigyan ng ganitong klase ng character. Pero noong mag-Stairway, nagkaroon ng Dear Friend. So, dun ko lang po na-feel na puwede po pala," saad ng 15-year-old actor.

Nagsimula si Joshua sa ABS-CBN. At dahil sa role niya bilang batang bugaw sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ay nakatanggap siya ng Best Actor award mula sa Star Awards for TV.

Nagpaalam naman daw siya nang maayos sa Star Magic, kung saan una siyang nakakontrata. Pero pagkatapos ng Stairway to Heaven ay lumipat na raw siya sa GMA-7 at pumirma ng three-year contract sa GMA Artist Center.

VERY YOUNG LEADING LADY. Dito sa First Time, ginagampanan ni Joshua ang role ni Lukas Ynfante na love interest ni Barbie bilang Cyndi Gomez. Sa tunay na buhay ba ay crush din ni Joshua ang napakabatang ka-loveteam niya?

"Hindi ko po alam na... Well, crush na humahanga sa kanya kasi yung mga nakakasama kong 12 years old, hindi katulad niya. Si Barbie po kasi, parang kaya na niyang dalhin ang sarili niya. Independent po. Di ba po, iba ang mga 12 years old na bata, makikita mo sa kanilang dependent pa rin sa isa't isa?"

Nagte-text ba sila sa isa't isa o nagtatawagan?

"Hindi na po namin kailangang mag-textan, araw-araw po kaming magkasama. Pero kapag hindi kami magkasama, sa Facebook naman," nakangiting sabi ni Joshua.

Mga bata pa raw sila ni Barbie kaya hindi pa raw niya iniisip kung posibleng maging sila in the future.

"Twelve pa lang po siya, tapos ako, 15 pa lang po."

Hindi raw nakaranas si Joshua na magkaroon ng puppy love at hindi pa rin daw siya nakapanligaw. Katuwiran niya, hindi naman daw kasi siya nag-aaral sa regular school.

"Hindi po kasi ako nag-i-school kaya puro mga co-artist ang nakakasama ko. Mga kaibigan ko po, artista, so yun lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posibleng si Barbie ba ang maging first girlfriend niya?

"Opo... posible po," nakangiti niyang sabi.

Masaya raw si Joshua dahil nararamdaman niya na nakabuo na sila ni Barbie ng following.

"Kahit saan po kami pumunta, kung mag-isa lang ako sa mall, may magpapa-picture, 'Pa-picture Cholo.' Tapos, itatanong nila, 'Nasaan si Jodi?' Palagi nila kaming hinahanap na dalawa," kuwento ni Joshua.

FUTURE LEADING MAN. This early ay ginu-groom na si Joshua bilang future leading man ng Kapuso network. Kinausap na raw siya ng management tungkol dito.

"Bago pa man kami mag-taping dito, pinadaan na kami sa mga workshops. Kailangan nga po namin na since kami nga raw po ang future stars ngayon. Siyempre po, noong sinabi yun, hopeful kami. At sana nga po magkatotoo," asam niya.

Nang tanungin kung sino sa mga leading men ngayon ng GMA-7 ang gusto niyang tularan, hindi na nakakapagtaka kung sino ang mabilis na isinagot ni Joshua.

"Si Kuya Dingdong Dantes po... Mas gusto ko po yung mga role na ganun. At saka noong nagkasama kami sa Stairway, hindi ko po ine-expect na ganun pala siya. Kasi kapag tinitingnan ko si Kuya Dingdong, akala mo hindi ka papansinin. Nakakatakot lapitan. Hindi pala," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN