Katrina Halili has no follow-up project yet on GMA-7 after Darna

IMAGE 0


After finishing her work in the telefantasya Darna, sexy actress Katrina Halili is clueless on what her next project is in the Kapuso network. While waiting for a new project, Katrina is now taking care of her grandma who is confined in a hospital.


Nasa UST hospital ngayon si Katrina Halili, hindi dahil may karamdaman siya kundi para bantayan ang kanyang lola. Inoperahan kasi ang kanyang lola last Thursday, January 28, at si Katrina ang nagbabantay rito.

Galing sa isang ospital sa Quezon City ang lola ni Katrina, pero dahil sa UST ang doktor na tumitingin dito, inilipat nila ito dito. Wala pang katiyakan kung kailan lalabas ng ospital ang lola ng aktres, pero ang sigurado ay hindi ito iiwan ni Katrina.

Sa sobrang pagmamahal ni Katrina sa kanyang lola, siya mismo ang nagprisintang bantayan ito. Wala namang schedule na masasagasaan si Katrina dahil tapos na ang taping nito para sa Darna. Last Saturday, January 30, lang natapos ang taping niya.

Gusto rin ni Katrina na personal na asikasuhin ang kanyang lola dahil isa rin ito sa nagpalaki sa kanya. Ang lola niya ang siyang nagtatanggol nang husto sa kanya nong kasagsagan ng isyu sa kanilang sex video ni Hayden Kho.

At presstime ay wala pang balita kung kailan bibigyan ng bagong serye sa GMA-7 si Katrina kaya natuon muna ang atensiyon ng aktres sa kanyang lola. Nagtapos kasi ang Darna nang wala man pang linaw kung kailan ang susunod nitong project.

Sa pagkakaalam namin, matatapos na ang kontrata ni Katrina sa GMA-7. Pero noong huli namin siyang makausap at ang kanyang road manager na si Omar Sortijas, sinabi nilang hindi pa nagpaparamdam ang Kapuso network kung ano ang susunod nilang plano para sa career ng aktres.

Kung noon ay may mga nababalitang project na gagawin ni Katrina, ngayon ay walang kahit anong tsismis na may inihahandang bagong trabaho para sa kanya.

Tinanong nga namin si Omar kung paano bubunuin ni Katrina ang P300,000 na gastos nito bawat buwan, kung saan kabilang na sa halagang ito ang pambayad niya ng monthly amortization ng kanyang bahay sa New Manila, ang hinuhulugang kotse, at iba pang gastusin sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Omar, lagi na lang raw nagdadasal ang alaga niya para magkaroon ng lakas ng loob sa kinahaharap na problema.

Hindi pa iniisip ni Katrina at ng kanyang road manager na lumipat sa ibang istasyon gaya ng ABS-CBN o TV5, hinihintay lang muna raw nila ang advice ng Kapuso network sa kung ano ang susunod na gagawin ng aktres sa kanila o kung ano ang plano nito sa kanyang career.

Sa ngayon, ayaw muna raw ma-pressure ni Katrina sa mga household obligations nito dahil nakatutok muna ito sa pag-aalaga ng may sakit niyang lola.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN