Sharon Cuneta on her adopted son: "I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother."

IMAGE 0


"I am so in love with him! Parang lumabas talaga sa akin. Sa kanya lang ako hindi tumaba! Tapos, he's smiling all the time now. He's three months old. Yung focus niya, grabe, ganyan siya. At kapag kinakausap mo, humahalakhak," says Sharon Cuneta about her adopted son.


Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang Megastar na si Sharon Cuneta sa Imperial Palace Suites kagabi, February 3, ilang oras bago siya lumipad patungong Japan kasama ang buo niyang pamilya para magbakasyon. Si Sharon kasi ang nag-induct ng bagong officers ng Entertainment Press Society (Enpress), isang grupo ng entertainment writers.

Tungkol sa pagbabakasyon nila sa Japan, sinabi ng Megastar na gusto raw kasi niyang ma-experience at makita ng kanyang mga anak ang snow.

"We'll go mostly sa northern Japan," banggit niya. "All my children are leaving except for my little boy, kasi his papers are not yet finished. No passport pa. And then my niece Ella, daughter of Anthony and Maricel Pangilinan. And then, siyempre all my children, kasama si Kace [KC Concepcion] and two yayas."

Ang tinutukoy na "little boy" ni Sharon ay ang ampon nila ng kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan.

Panliligaw ba sa kanyang muli ni Kiko ang pagpunta nila sa Japan?

"Hindi! Actually, gift ko sa kanya makapunta lang. Ayoko nang istorbohin ang budget! Talagang, 'Sige na sweetheart!'" natatawang sabi ni Sharon

SHARON'S "LITTLE BOY." Going back to her "little boy," masasabing daig pa halos ni Sharon ang nanganak muli. Nanay na nanay nga siya kapag tungkol na sa adopted son niyang si Miguel (o Migs kung tawagin nila) ang usapan.

"Wonderful! I am so in love with him! Parang lumabas talaga sa akin. Sa kanya lang ako hindi tumaba!" natatawang biro niya. "Tapos, he's smiling all the time now. He's three months old. Yung focus niya, grabe, ganyan siya. At kapag kinakausap mo, humahalakhak."

Sabi pa ni Sharon, naka-adjust na raw ang lahat ng kanyang mga anak—KC, Frankie, at Miel—sa kanilang new brother.

"Actually, from the beginning pa, sila yung mas excited. So, I was very thankful talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hands-on din ba si Sharon sa kanyang baby boy?

"Oo," mabilis niyang sagot. "Pero siyempre, we're working. We tried to get him breastmilk from several choices na kilala, lately yung best friend ni Judy Ann [Santos]... We're very grateful. Parang ginto sa amin."

Katabi raw matulog ng dalawang girls niya na sina Frankie at Miel si Migs.

"They sleep in his room. His room is KC's old room. So, inayos namin. Talagang nag-aagawan sila. Si Kace naman, she's big ate. Siyempre, I had to ask her muna when we had him on the first day. Tinanong ko siya, 'There's a baby that I really like...' Siya yung nagsabi na, 'Mama, please keep him,'" kuwento ni Sharon.

Ayon pa kay Sharon, kamukha raw ni Migs sina Coco Martin at Sid Lucero.

"Actually, yun ang tipo niya, tisoy. Parang Pinoy na tsinito na maputi,"
pagmamalaki ni Sharon.

LONG BEEN WANTING TO ADOPT. Bagamat may sarili nang mga anak ni Kiko, noon pa raw talaga gusto ni Sharon na mag-ampon ng baby boy.

"Every year naman may itinatawag sa akin na, 'May baby rito, in-abandon ng mother.' Or, 'May kilala ako na kilala ng kilala na baby...na gustong i-give-up kasi ganyan.' Or minsan, 'Meron sa hospital...' Palagi akong, gusto ko sana, tapos huwag muna.

"Pero ito [Migs], hindi ko pa nakikita kahit picture niya. Noong sinabi, bagong silang pala, 'Huwag mong isoli, akin 'yan.' So, siguro, I was ready. I am really ready. So, when I see him now, parang akin na siyang talaga."

Dagdag niya, "Kapag nagre-respond siya sa akin kapag kausap ko siya, when he wakes up in the morning, he sees me, para siyang nakakita ng angel, naka-smile talaga. Ngayon, medyo sad talaga ako kasi iiwanan namin siya. Binilhan ko pa naman siya ng winter outfits. Hindi pala ganun, matagal na proseso. Kung mabi-bless kami, in a year or a little less than a year... we're still waiting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman si Sharon na medyo naninibago siya dahil baby boy ang inaalagaan niya this time. Pero nakatulong daw ng malaki na limang lalake ang naging anak ng kanyang kuya na si Chet Cuneta.

"Noong maliit pa ang dalawa, wala pa si KC, yun ang mga baby ko talaga dahil nakatira kami sa isang bahay lahat," sabi ni Sharon.

Posible rin daw na hindi pa si Miguel ang huling i-adopt nila ni Kiko.

"I hope not talaga...I hope not. Alam mo yung makagawa ka ng difference in the life of someone, napakalaking... Parang sa amin lang, we're a blessing to him. Pero ako, he's a blessing to us. I feel that way."

If ever, wala raw silang ililihim sa kung ano talaga ang pagkatao ng "bunso" nila.

"We intend to raise him na from the time na magkaisip siya, alam na niya. Kasi, paano naman niya itatago? Kapag nag-aral, maririnig niya sa iba. At saka there's nothing wrong with being adopted.

"I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother. So, we're taking the roles as mother and father very seriously. My children also as his sisters, so walang iba," saad ni Sharon.

GABBY-KC MOVIE. After Mano Po 6, excited si Sharon sa pagkukuwentong marami raw puwedeng abangan sa kanya ngayong taon ang kanyang fans. Marami rin daw siyang movies na naka-lineup.

Tiniyak din ni Sharon sa PEP na may blessing niya at ni Kiko ang paggawa ni KC ng pelikula kasama ang ama nitong si Gabby Concepcion, the Megastar's ex-husband.

"You know, Gabby is her papa. Alam naman ng lahat ng tao," nakangiting sabi niya.

Mas maayos na rin daw ang pakikitungo nila sa isa't isa ng dating asawa. Pero hindi pa masabi ni Sharon kung pagkatapos ng KC-Gabby movie ay mapapabigyan niya ang wish ng kanyang anak na magkasama silang tatlo sa isang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro mauuna muna sila. Baka after that, kami ni KC. Then, kami ni Gabby. Saka lang kung sakali yung kaming tatlo. Pero siyempre, depende pa rin 'yan sa istorya at sa kagandahan ng offer!" natatawa niyang sabi.

Natatawa rin niyang ipinangako na hindi naman siguro sila aabutin na 60 na sila ni Gabby bago nila gawin kung saka-sakali ang kanilang reunion movie.

ENPRESS INDUCTION. Gaya ng nabanggit, si Sharon ang tumayong inducting officer sa bagong officers ng Enpress: Jun Nardo (President), Dinno Erece (Vice President), Balot Antazo (Secretary), Lito Mañago (Treasurer), at Rohn Romulo (Auditor).

Ang members of the board naman ay sina Archie de Calma, Alwyn Ignacio, Roland Lerum, Boy Borja, Nonie Nicasio, Maricris Nicasio, Danny Vibas, Pilar Mateo, Ricky Calderon, at ang writer na ito.

Ayon kay Sharon, "I have a lot of friends in the press and a lot of them are really in Enpress. I'm really honored and my pleasure as well. I'm very happy and humbled at the same time. Kasi, parang 30 years ko in the business, sila rin ang mga kasama ko. Parang hindi naman kailangan na may Mega-Mega, parang magkakaibigan talaga. Kahit wala sa showbiz, magkakaibigan talaga. Siyempre, nakaka-touch na napipili ka pa rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN