Irish Fullerton also hurt by her breakup with Jay-R Siaboc

IMAGE 0


"Masakit din sa akin kasi siya lang ang naging kaibigan ko dito. Siya yung kasama ko through thick and thin, sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko dito sa Pilipinas. Siya yung laging nandiyan para sa akin. Now, he's not always there for me, na hindi ko na siya laging natatakbuhan. Sobrang masakit din sa akin," says Irish Fullerton about her breakup with Jay-R Siaboc.


Naging very vocal ang singer-actor na si Jay-R Siaboc na sobra siyang nasaktan at matagal bago siya naka-move on sa breakup nila ng girlfriend niyang si Irish Fullerton. (CLICK HERE to read related story.)

Nabuo ang relasyon ng dalawa pagkatapos nilang sumali sa talent search ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy. Kasagsagan ng career noon ni Jay-R, kaya may nagsasabi tuloy na ang pagbagsak ng career ng singer ay dahil sa pagiging sobrang focused nito sa relasyon nila ni Irish.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Irish sa presscon ng Rubi kagabi, February 8, sinabi niyang labis din siyang nasaktan sa paghihiwalay nila ni Jay-R.

"Pareho lang kaming nasaktan," sambit ng Fil-Am singer-actress. "Masakit din sa akin kasi siya lang ang naging kaibigan ko dito. Siya yung kasama ko though thick and thin, sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko dito sa Pilipinas. Siya yung laging nandiyan para sa akin. Now, he's not always there for me, na hindi ko na siya laging natatakbuhan. Sobrang masakit din sa akin."

Dagdag niya, "Hindi naman mawawala yung feelings kasi ang tagal din naming magkasama, friendship ko, before naging kami. Ang hirap mawala yung pagmamahal mo sa isang tao."

MUTUAL DECISION. Tumanggi namang idetalye ni Irish ang rason ng breakup nila ni Jay-R after two years of being together. Pero aniya, "It was kind of mutual decision. There are certain things. But you couldn't pinpoint naman lahat. There are little numerous things na pag nagkapatong-patong, mararamdaman mo naman na parang maybe it wasn't right.

"May mga personal issues lang kami sa isa't isa. Siguro din, iba ang kultura ko, iba din ang kultura niya. Of course, it was doing well for a while, but there's a saying na lalabas din ang tunay mong pagkatao and it just doesn't work out."

Hindi kaya ang isa sa rason ng breakup nila ay dahil matunog ang balita noon na may isang gay executive raw ang may "hawak" kay Jay-R?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kilala ko si Jay-R at alam kong hindi totoo 'yan," pagtatanggol ni Irish sa dating boyfriend.

IT'S NOT HER FAULT. Kasagsagan ng career ni Jay-R noon ng maging sila ni Irish. Sa pagbaba ng popularidad ng singer, nasisisi rin si Irish dahil sobrang naging focused daw sa kanya at sa relasyon nila si Jay-R kaya napabayaan nito ang career.

Ano ang masasabi ni Irish dito?

"Hindi, kasi alam ninyo sa totoo lang, kung ano ang puwede kong itulong sa trabaho, especially nung time na talagang bugbog siya sa trabaho, ginagawa ko. Hindi siya makauwi, ako ang tatawagan niya, 'Irish, pakiaayos naman ang mga damit ko sa next taping ko saka puwedeng pakidala na lang dito pag may time ka? Pakigising na lang ako, please, kasi baka di marinig yung alarm.' So, I can say na nagtulungan naman kami.

"Maybe part of it yung weight niya. Alam naman natin na naging issue sa kanya 'yan nung time na yun and he's medyo tumataba talaga, and it's so hard for him to lose weight," saad ni Irish.

Open ba siya sa reconciliation?

"Sa ngayon, ayoko munang magkarelasyon kahit na kanino, pero hindi ko alam. It's only up to God kung kami ay magkabalikan, then go. Pero if not, okay lang. Good that we remained friends," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN