Zsa Zsa Padilla talks about her "unchanging love" for singing and performing

IMAGE 0


Aside from her upcoming concert with David Pomeranz, another thing that keeps Zsa Zsa Padilla excited is her Unchanging Love album, which was released by Polyeast Records last year. Some tracks are: "Iibigin Kang Muli," "Ikaw Lang," "Muli," "Kung Alam Mo Lang," "Hanggang," and "Pagmamahal na Walang Wakas." One of her music videos will be out soon.


Para sa buwan ng mga puso, may handog si Ms. Zsa Zsa Padilla sa kanyang mga fans, kasama ang internationally-famous musical artist-songwriter na si David Pomeranz. Magaganap ito sa February 13, starting at 8:30 p.m., sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino.


Dubbed The King and Queen of Hearts, ang show na ito ng Divine Diva at ni David Pomeranz ay ang pangalawa nilang pagsasama. Ang una'y ginanap noong 2007, sa Shangri-La Hotel Ballroom, sa EDSA, Mandaluyong City.

"We have an exciting show," masayang pagbabalita ni Zsa Zsa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) habang naka-break siya sa ASAP XV, where she's a mainstay. "Dadagdagan dito pati mga spot numbers, so medyo iba ito nang konti sa naunang show."

Sa kanyang website ay naka-post ang tungkol sa The King And Queen of Hearts, kung saan aawitin ng Divine Diva ang ilan sa mga kantang naging dahilan upang mahalin siya ng publiko, tulad ng "Hiram," "Ikaw Lamang," "Minsan Pa," "Mambobola," "Kahit Na," "Point of No Return," among others; pati ang ilang tracks mula sa kanyang current hit album na Unchanging Love, tulad ng "Hanggang," "Ibigin Kang Muli," at "Kung Alam Mo Lang."

For his part, David Pomeranz has prepared a repertoire that includes his well-loved hits, "Got To Believe In Magic," "Born For You," and "On This Day."

ZSA ZSA, IN RETROSPECT. Taking a break from her usually hectic schedule—her co-hosting job in ASAP XV and shooting for indie film Sigwa, a Cinemalaya 2010 entry—Zsa Zsa considers performing before a live audience a most welcome breather. Hindi na rin naman bago sa Divine Diva ang pag-awit at pagpe-perform, na tulad ng kanyang gagawin this Saturday evening, pero lagi pa ring nagbibigay ng excitement kay Zsa Zsa ang mga ganitong pagkakataon.

Hindi na rin niya maihihiwalay sa kanyang sistema ang pag-arte o ang pagiging aktres. It's no longer singing over acting for Zsa Zsa. "Before, when I was starting, yes. But not anymore," she says.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, I will, first and foremost, be a singer. That was what I wanted naman to happen. Kumbaga, kung hindi actress-singer, e, [as] singer-actress," Zsa Zsa reiterates.

Enjoy ang Divine Diva sa parehong mundo ng pag-awit at pag-arte, including hosting and endorsing products.

Dugtong niya, "Sayang nga, e. Kasi I was very active in singing during my early years in show business, and I wasn't able to do more films. Medyo, sabi ko nga sa loob-loob ko, 'sayang.'"

Late 1980s noong nagsimula si Zsa Zsa Padilla sa tuluy-tuloy na pag-arte sa pelikula. She did a supporting character in the Dolphy movie Mga Anak ni Facifica Falayfay (1987). Two years later, in 1989, nagsimula ang pagiging real-life partners nila ng Comedy King. Nagkaroon din si Zsa Zsa ng bit role sa pelikulang Disco Madhouse ni direk Maryo J. delos Reyes.

Hindi nagtuluy-tuloy ang movie career ni Zsa Zsa dahil nag-focus siya sa pagkanta, kasama ang sumikat na grupong Music and Magic, doing lounge acts.

That was in early '80s, na naging markado ang pagsikat ni Zsa Zsa matapos makilala rin sa larangan ang tatanghaling Pop Diva na si Kuh Ledesma. Kasunod nito ay ang pagsikat din ng magkaribal na sina Gary Valenciano at Martin Nievera.

Mula sa pagiging support sa pelikula, naging acknowledged box-office star si Zsa Zsa Padilla sa pagpasok ang '90s, bilang kapareha ng tinanghal na Box-Office King na si Joey de Leon sa Starzan series, na nagpasikat din sa yumaong comedian na si Rene Requiestas.

"In the '90's, I also gave a couple of years for my family," patuloy ni Zsa Zsa. "I gave birth to Zia in 1991 and I adopted another girl, so, naging busy din."

At that time, lumalaki na rin ang kanyang eldest daughter na si Karylle (by a previous marriage), na ngayo'y kilala na ring singer at aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naging active na lang ako ulit nung nag-ASAP ako," sabi rin ni Zsa Zsa, who recalled that she wasn't a regular in the said musical-variety show when it started sometime in 1995.

Kamakailan ay ipinagdiwang ang 15th anniversary ng show, kaya sa titulo nito, idinagdag ang "XV."

"I've seen the show evolve," nakangiti pang wika ni Zsa Zsa. "Kumbaga, dati nga, nag-pinch-hit lang ako kay Dayanara Torres [1993 Miss Universe], 'tapos naging regular ako. 'Tapos dumaan ang madaming hosts, ang daming napasikat nitong show na ito, so proud na proud ako. Kasi, you know, sa fifteen years na 'yan, ewan ko kung ilang years ako kasali. Hindi ako kasali dun sa original, e, pero ako yung natira."

Sa sinabi niyang iyon, napahalakhak si Zsa Zsa. "Hosts kami ni Martin [Nievera]. So the show has really evolved and I'm just glad that it has given way to a lot of careers, even the young ones. Kasi, dito sa ASAP XV, nagko-concentrate siya sa lahat ng markets—hindi lang pambata, pang-lahat."

DIVINE TRIBUTE. Napangiti si Zsa Zsa nang muli naming binanggit ang kanyang "Divine Diva" tag. "Si Martin ang nagbigay sa akin [when] we did a concert called Divine Madness. Sabi niya [Martin], 'I see you like somebody so divine; divine-looking and divine-sounding...'"

On second thought, hindi na ipinagpatuloy ni Zsa Zsa ang pagkukuwento on how her "Divine Diva" title was coined. "Dapat, i-quote mo si Martin, 'wag ako, ha!" request niya, pero may pahabol din, "Ano daw [kasi], my voice is like velvet, something like that. He's [Martin] my partner, because he's the 'madness' in our Divine Madness [concert]."

Hinanap rin ng PEP si Martin Nievera sa studio, adhering to Ms. Zsa Zsa's request to quote the Concert King.

Heto ang tinuran ni Martin: "I had been doing a series of shows that I called Madness and kami nga ni Zsa Zsa, nagka-team up kami sa maraming shows in the early '90s. She was always the 'divine,' not only a diva, but a Divine Diva! Together, we had a concert called Divine Madness. So, she's the 'divine' and I'm the 'madness.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She's the easiest person to work with," papuri pa ni Martin sa kasamahang singer-host. "Zsa Zsa has a very velvet voice na bagay kahit kaninong singer. You don't have to be a good singer or a great singer to sound awesome when beside Zsa Zsa. She really complements every artist.

"And she's such a nice person. Walang kiyeme-kiyeme. Hindi siya mayabang. She's everybody's best friend in the business. And I don't see anybody, I don't know anyone else who I love as much as I love Zsa Zsa. She's the nicest person you'll ever meet. And she makes things easy for any of us, she doesn't complain, doesn't bitch, doesn't remind everybody that, 'Hoy, nauna ako sa 'yo, sa showbiz', very humble. And people like Zsa Zsa will always have work because of her humility."

Maging ang "livewire" at tinaguriang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano has a lot of good words to say about Zsa Zsa Padilla nang makapanayam din ng PEP that same afternoon sa ASAP XV studio.

Aniya, "For me, 'divine,' may pagka-spiritual ang dating niyan. But you see, Zsa Zsa, perhaps, she's not only one of the best female singers that we have, but one of the best female actresses. And what she does is she always manages to incorporate kung ano man ang inilalabas niya sa acting skills niya, ipinapasok niya sa bawat kanta na ginagawa niya, lalong-lalo na yung mga ballads.

"And, I think, that's why you can't think of any better word except 'divine,' you can't call her a pop diva, you can't call her what other divas have been known, you can't, eh. It has to be Divine Diva! And nobody else can claim that. I don't think anybody else could ever be called that."

UNCHANGING LOVE. Kinikilala man ngayon bilang isang mahusay at multi-awarded actress, hindi pa rin maaaring talikuran ni Zsa Zsa Padilla ang pagiging isang musical artist, na siyang nagbigay-daan sa tagumpay niya as a star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Music will remain her passion. "When Vicor released the Divine Diva collection," Zsa Zsa related, "I listened to it, ang ganda ng pagka-reproduce nila. That brought back a lot of memories na talagang... ay, nung napakinggan ko, naiyak ako talaga. Some are just... siyempre, iba yung noong kabataan mo, e, di ba? Ito yung dalang memories noon."

Songs like "Kahit Na," her very first recorded single in 1983, and the movie theme songs "Somewhere," "Kapag Puso'y Sinugatan," "Hiram," ay ilan lang sa napakarami pang awiting nagpasikat ng albums ni Zsa Zsa Padilla. Nagtamo ng Gold ang Ikaw Lamang album, mula sa Blackgold Records, noong 1985;Platinum naman ang Sentiments ng Viva Records noong1999; Quadruple Platinum ang Zsa Zsa, na inilabas ng Viva Records noong 1998.

Zsa Zsa adds, "Sa ngayon, memorable din sa akin itong pinakabago ko, Unchanging Love, kasi ongoing pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN