Francine Prieto tries to keep strong as mom battles ovarian cancer

IMAGE 0


"Kapag sinasabi nilang ipinagdarasal nila si Mommy, natutuwa na 'ko nun. Kasi, sabi ko, baka mam'ya mas malakas sila sa Diyos. Kung ako hindi pakinggan, baka sila pakinggan, di ba?" said the former Bubble Gang mainstay, who has just finished her first indie film, Pitas.


Late na dumating si Francine Prieto sa ipinatawag na press conference para sa indie movie na Pitas sa Puti Bar along Timog Avenue kaninang tanghali, February 13. Humingi agad ito ng paumanhin dahil nanggaling pa raw siya sa Cardinal Santos Medical Center kunsaan ay kasalukuyang naka-confine ang kanyang ina, si Ms. Amy Falcon, na stage 3 na ang ovarian cancer.

Hindi maitago ang lungkot sa mga mata ni Francine. Kababatid lang niya kanina mula sa doktor ang present condition ng ina. Hindi niya napigilan ang maluha habang ikinukuwento ang pinagdadaanan nilang magpamilya ngayon.

"Nag-spread na nga raw sa lungs," simulang pahayag ni Francine. "Ni-reasearch ko, parang ganun nga raw ang nangyayari. Di ba, ang cancer naman, traydor talaga 'yan. Kapag sinabing cured ka na, hindi ka talaga 100 percent cured, babalik at babalik 'yan.

"Nagkataon lang na yung sa mommy ko, ang bilis bumalik. December last year lang kasi ang last chemo niya, e. At last year lang din ng May namin nalaman na meron pala siyang ovarian cancer na stage 3 na. Ang ginawa namin, nagpa-chemo muna kami ng tatlong beses para lumiit yung bukol... Noong lumiit na ang bukol, saka siya inoperahan. Tinanggal yung mga bukol, ovary, fallopian tubes, pero may mga nakita na ang doctor na may maliliit na bukol na nakakalat na sa diaphragm. Wala lang yata sa kidney, kaya parang safe naman.

"Kaso, kailangan pa niyang mag-chemo ng anim pa at natapos na niya yung sixth chemo last December. Pero bigla na lang, last Sunday, nagpatakbo siya sa hospital... Yun pala, nalaman, may fluid ang lungs niya."

PAINFUL PROCEDURE. Naging mahirap daw para sa kanyang ina ang proseso ng pagtanggal ng tubig sa baga.

"Ang pagtanggal pala, tinutusok ang likod mo. Sabi nga ng doktora, ano pala, skin pa lang ng fats, hindi na niya kinakaya. Kaya pala, may mga cancer cells na yun ang natatamaan kaya sobrang sakit. E, hindi puwedeng itodo yung anaesthesia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos the other day, tiniis talaga ni Mommy. Dapat nga raw 15 minutes lang ang procedure. Umabot ng almost two hours sila... Kailangan din niyang mag-chemotherapy, pero mas mahal na siya."

Ngayong araw ang pag-discharge ng mommy niya sa hospital. Sinabihan niya ang mommy niya na pag-uwi, huwag munang mag-isip at mag-relax na lang muna.

EXPENSIVE TREATMENTS. May mga options daw na ibinigay sa kanila ang doctor na puwede nilang gawin, pero halos lahat daw ng options ay nagre-require ng malalaking halaga.

"May apat na klaseng gamot... May isang gamot, four sessions lang yun, pero P120,000 yun per session... Yung isa naman, anim na session, nasa P50,000. Pero mga gamot pa lang yun, wala pa ang doctor. Tapos, merong isa... P40,000 pero limang araw ka dapat na nasa hospital at babagsak daw talaga ang immune system mo at white blood cells.

"May isa pa raw, oral. Sa U.S. at Europe, ginagawa na raw. Pero dito, parang magiging experimental pa lang. Okey raw yun sa lungs. Pero dahil may ovarian din si Mommy, hindi rin sigurado. Tapos, ayaw na rin niya ng IV [intravenous] dahil nahihirapan na siya, wala na siyang ugat. Patay na lahat ng mga ugat niya."

DEPRESSED. Aware raw ang mommy niya sa condition niya kung kaya't mas lalo raw itong nade-depress.

"Alam niya kaya nga mas lalo siyang iiyak. May ino-offer nga na raket sa akin ngayong gabi, pero gusto ko mang tanggapin yung raket, e, ngayon siya lalabas. Kailangan ako ng mommy ko. The more na kailangan niya ng suporta. Yung depression, mas mahirap yun."

Dugtong pa ni Francine "Kaya ako nalulungkot din kasi nakikita ko ang mommy ko, hindi siya ready. Unlike yung daddy ko noon, namatay naman siya sa colon cancer. Ganyan din, na-hospital din. Pero nakikita ko sa daddy ko before, ready siya. Sinasabi pa nga niya na, 'Ayokong ililibing niyo 'ko sa lupa. Gusto ko, ike-cremate niyo 'ko.' Si Mommy, hindi e..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Fiffty-four years old pa lang ang mommy niya at sa palagay ni Francine, ang iniisip nito ay silang mga anak niya. Wala pa silang mga kani-kanyang pamilya at hindi pa talaga masasabing stable.

BREADWINNER. Si Francine ang breadwinner sa kanila. May bahay pa siyang hinuhulugan.

"Sabi ko nga, parang tukso. Kung kailan pa naman wala akong work sa ngayon, 'saka pa naman dumating 'to. Siyempre, yung ipon, mauubos nang mauubos. Sabi ko nga, ewan ko, bahala na."

Pero, positibo raw ang outlook niya sa taong ito sa kabila ng mga pangyayari last year.

"Sa totoo lang, hopeful ako sa 2010. Kasi, feeling ko talaga, magiging okey talaga ang 2010. Pero yun nga, parang ine-expect mo, February 14, 2010 na, pero heto, biglang nasa hospital pa rin ang nanay ko."

Kuwento pa ni Francine, "Tapos yun nga, habang papunta sila ng Cardinal dahil nagmamadali ngang mag-drive para sa mommy ko, may nabangga siya. So, dinala rin sa emergency room. Binayaran din. So, sana para na kay mommy yun."

MORAL SUPPORT. Meron ba siyang mga taong napagkukuhanan ng suporta?

"Hindi kami humihingi ng tulong, pero merong mga kusang nagbibigay. Siyempre, naa-appreciate namin yung ganun. Pero kahit moral support lang. Kapag sinasabi nilang ipinagdarasal nila si Mommy, natutuwa na 'ko nun. Kasi, sabi ko, baka mam'ya mas malakas sila sa Diyos. Kung ako hindi pakinggan, baka sila pakinggan, di ba?"

Francine's last regular shows at GMA-7 were Bubble Gang and Darna. Pero around November of last year ay umalis na siya sa Bubble Gang.

"Mahal ko yung show. Mahal ko yung mga kasamahan kong artista. Pero, may personal issues lang sa ibang staff. Ang hirap din... matagal na rin kasi. Parang may mga taong hindi mo makasundo. Ang hirap magtrabaho sa ganun. So, ako nga, tinatanggal ko na yung mga nagiging stress ko.

"So, para maging masaya na lang. Ang hirap kasi, e, kahit sabihin mong artista ka, hindi mo naman maiaarte yun kapag totoong buhay na. So, ako na ang umalis."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May panghihinayang ba siya na umalis siya sa Bubble Gang kunsaan matagal din siyang naging mainstay?

"Hindi... alam ko na malaking bagay na nawala ako dahil, siyempre, sayang. Lalo na may naka-loan akong bahay. Sayang... pero sa akin kasi, hindi ako makakapagtrabaho nang maayos naman kapag ganun."

READY TO WORK. Sa ngayon, wala na raw siyang exclusive contract sa GMA-7. Puwede na raw siyang magtrabaho kahit saan. Birong-totoo pa niya, kahit pa nga raw sa Dating Daan station, puwede na rin siya.

"Honestly, kahit saan puwede na ako. Hindi rin naman ako mapili sa role. Ang limitation ko lang, huwag lang sa tubig dahil hindi ako marunong lumangoy. Nagpa-panic ako sa tubig. Pero kahit ibitin mo 'ko, walang problema."

Pinipilit na nga lang daw ni Francine na magpakatatag, lalung-lalo na sa kanyang pamilya.

"Alam ko naman na lahat naman ng ito, may solusyon. Yun nga lang, minsan nakaka-frustrate lang. Hindi mo alam kung ano nga ba ang mga kasagutan dito sa mga tanong, problema mo. Paano mo masosolusyunan 'to.

"Ang masakit pa sa akin, sunod-sunod ang nangyayari, wala man lang rest. Parang ang hirap talaga. Ang hirap tanggapin minsan. Kapag sunod-sunod na, parang hindi na lang siya challenge, parang suffering na, parang parusa na. Ang hirap lang ng ganun.

"Pero kinakaya ko pa naman. Heto pa naman ako, hindi pa naman ako nababaliw or what," natatawa niyang sabi.

Wala raw siyang special someone na puwedeng masandalan. She has her best friends, at hindi raw importante sa kanya sa ngayon ang lovelife.

INDIE EXPERIENCE. Excited daw siya na nakagawa na siya ng isang indie film. This time nga lang, pumayag siyang maging nanay ni Kristel Moreno sa pelikula nilang Pitas ng Legalas Film.

"Inisip ko lang noon, baka ma-type cast ako sa mother role. But since it's my first time, excited akong talaga. Pinabasa naman sa akin ang script at sabi ko, okey naman, wala naman akong problema. Tapos, si Direk Joey Romero ang director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, ako naman, kahit noon pa naman, wala akong problema kahit mapunta ako sa mga character roles. Mas gusto ko nga yun, e, kasi, ewan ko, ha... sa akin, parang ang sarap-sarap paglaruan yung mga ganung klase ng role, trabaho."

Sa huli, tinanong namin si Francine kung may mensahe ba siyang gustong iparating sa GMA-7 or kahit sa ibang networks.

"Ang message ko, nandito lang ako, di ba? Kung may mga opportunities, willing po akong mag-work, lalung-lalo na sa situwasyon ko ngayon, kasi kailangang-kailangan ko talaga ng tulong para sa mommy ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN