Former child actress Ella Cruz welcomes chance to play villain in Panday Kids

IMAGE 0


"Nasa tamang age na raw po ako para maging kontrabidang bata," said Ella, who specialized in "api-apihan" roles. "'Tsaka mas bata po sa akin si Sabrina Man na siyang aapihin ko sa show. Gusto ko rin naman po na maiba ang ginagawa ko sa TV."


Kung natuloy pala ang teleseryeng Anna Liza sa ABS-CBN, hindi magiging bida sa GMA-7 si Barbie Forteza, dahil siya sana ang gaganap na kontrabida ni Ella Cruz.

Pero na-shelve ang project at napunta sa GMA-7 si Barbie at bida na siya ngayon sa top-rating series na First Time. Ang dapat na bida na si Ella naman ang gaganap ngayon na kontrabida sa telefantasya ng Kapuso network na Panday Kids.

Ang Panday Kids ang nagsilbing pagbabalik ni Ella (Gabriella Annjane Cruz in real life) sa bakuran ng GMA-7 kung saan siya unang nakilala.

Sumali si Ella sa Little Miss Philippines contest ng Eat Bulaga! noong 2004, pero hindi siya pinalad na manalo. Pero agad niyang pinasok ang pag-aartista at una siyang nakilala bilang batang Angel Locsin sa Majika (2006). Sumunod ang pagganap niya bilang batang Nadine Samonte sa Super Twins, batang Valerie Concepcion sa Atlantika, at batang Marian Rivera sa Marimar.

Ngayon ay 13 years old na si Ella at nagdadalaga na. Dahil dito ay ihinahanda na siya para sa teenage roles.

SHELVED PROJECTS. Hindi lang ang Anna Liza ang naudlot na project ni Ella sa Dos kundi pati ang Moon River kung saan bida sana sina Maja Salvador at Geoff Eigenmann.

"Nakapag-taping na nga kami ng ilang days para sa Anna Liza sa Baguio. Pero biglang na-stop po ang taping namin. Nalaman ko na lang po na hindi na raw itutuloy. Sayang nga po kasi ang ganda pa naman ng cast. Si Dawn Zulueta po ang gaganap na mother ko at si Eric Quizon ang father ko.

"Gano'n din po nangyari sa Moon River. Nakailang taping days na rin po pero biglang tinigil po. Kaya matagal po akong walang naging TV show," kuwento ni Ella sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang Anna Liza ay based sa popular na '80s soap drama sa GMA-7 na pinagbidahan ng yumaong Julie Vega. Sa remake, si Ella ang gaganap na batang Anna Liza, at si Maja Salvador naman kapag teenager na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHANGED FORTUNES. Masaya si Ella sa naging suwerte ni Barbie Forteza paglipat sa GMA.

"Parang nagkapalit lang kami kasi ngayon nagkokontrabida ako," sabi niya.

Okey lang daw na maging kontrabida siya sa Panday Kids. First time daw niya itong gagawin dahil nasanay raw siyang laging mabait at api-apihan ang role niya.

"Nasa tamang age na raw po ako para maging kontrabidang bata," ngiti ni Ella. "'Tsaka mas bata po sa akin si Sabrina Man na siyang aapihin ko sa show. Gusto ko rin naman po na maiba ang ginagawa ko sa TV."

Bago siya bumalik sa Siete, lumabas din si Ella sa ilang programa ng Dos tulad ng Goin' Bulilit, Maalaala Mo Kaya, Only You, at Magkano Ang Iyong Dangal?.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN