StarStruck V Ultimate Female Survivor Sarah Lahbati owes her victory to fans and supporters

IMAGE 0


"Kapag nai-imagine ko po ang mga past na nangyari, parang naiiyak po ako. Noong nag-audition po ako, parang laro-laro lang. Hindi naman po laro, pero parang nagbabakasakali na try ko lang. Tapos, nasa stage po na ako ang nanalo, sobrang nagpapasalamat po ako sa Diyos," says StarStruck V winner Sarah Lahbati.


Kanya-kanyang taas ng banner at hiyawan ang bawat hukbo ng fans at supporters ng limang StarStruck V finalists na sina Sarah Lahbati, Steven Silva, Diva Montelaba, Enzo Pineda, at Rocco Nacino sa ginanap na Final Judgment kagabi, February 21, sa Araneta Coliseum. May kanya-kanya ring kulay na nire-represent ang bawat fans bilang pagpapahayag ng kanilang suporta sa gusto nilang survivor: yellow para kay Sarah, green para kay Steven, orange para kay Diva, blue para kay Enzo, at violet para kay Rocco.

Pero sa huli, ang mga nakadilaw ang walang pagsidlan ang kasiyahan nang tanghalin si Sarah bilang Ultimate Female Survivor, samantalang si Steven naman ang nanalong Ultimate Male Survivor.

Pagkatapos ng Final Judgment ay dumiretso ang Final Five sa press room ng Araneta Coliseum para sa isang press conference. Dito nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sarah.

UNEXPECTED WIN. Ayon kay Sarah, hindi raw agad nag-sink in sa kanya nang i-announce na siya ang nagwaging Ultimate Female Survivor at si Diva naman ang First Princess.

"Siyempre po, sobrang saya," sambit niya. "Kasi po, noong nandoon kami ni Diva, nag-uusap kami. Kahit anong mangyari, ganito-ganito, noong in-announce na po, hindi namin na-get na dalawa. Sabi ko, 'Ano nangyari?' Tapos sabi niya, 'Ikaw, ikaw!' Sabi ko, 'Ako? Ako?' Noong nalaman ko nga po na ako, sobrang thankful ko pong talaga."

Nag-expect ba siya na siya ang mananalo?

"Hindi po," sagot niya. "Kasi lahat po talaga sa StarStruck, posible. Puwede pong ako, puwede rin po na si Diva. So, hindi po namin alam kung ano ang mangyayari."

Hindi ba siya naging over-confident since from the beginning ay siya na ang palaging sinasabing "strongest contender"?

"Hindi po...hindi ko rin po masasabing naging over-confident. Minsan nga po, kulang din ako sa confidence, pero hindi ko po masasabi na naging over-confident ako," sabi ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIVE SINGING. Sa solo performance ng limang finalists, si Sarah lang ang naiba. Kung sina Steven, Diva, Enzo, at Rocco ay song-and-dance number ang ginawa, si Sarah ay kumanta nang live.

"Minsan po kasi mas magandang mag-take ng risk. Hindi rin okey yung parang laging hindi mag-aakyat sa 'yo sa next level. Kailangan po mag-try ng iba. Hindi yung puro ganun lang po."

Sa palagay niya ba ay yung ipinamalas niyang talent noong Final Judgment ang nagpanalo sa kanya since 50 percent ng votes ay mula sa StarStruck Council na binubuo nina Lolit Solis, Iza Calzado, at Floy Quintos?

"Siguro po, yun din po. Pero yung votes din po siguro. Kasi, sobrang naghirap din po ang mga magulang ko. Kung anu-ano po ang ginagawa nila. Tapos ako po, sa Facebook, lahat po ginawa na po namin. At saka araw-araw, oras-oras, bawat segundo, palagi po akong nagdarasal. Yun po ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob," saad ni Sarah.

Ang natitirang 50 percent ng total votes ay mula sa text and online votes.

May message ba siya for Diva?

"Kay Diva, huwag na huwag kang magbabago. Alam na alam naman po niya na mahal ko siya. At napag-usapan po namin na kung sino ang mananalo, may balato. So, may balato siya sa akin!" natatawang sabi ni Sarah.

Dahil iba't ibang lugar ang pinanggalingan nina Sarah, Diva, at maging si Nina Kodaka ay may plano raw silang magsama-sama sa isang tirahan sa Metro Manila.

"Opo, napag-usapan po namin yun. Kasi po ako, sa Cavite po. Si Diva naman po, sa Cebu. Si Nina [na taga-Japan], nahihirapan din po. So, pag-uusapan po namin yun. Nabanggit ko na rin po sa parents ko, pero hindi pa po napag-uusapan nang seryoso."

LIFE AFTER STARSTRUCK. After almost four months of facing the challenges of StarStruck, ano ang mga gusto niyang gawin ngayong tapos na ang contest?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bale po kasi four months po kami sa StarStruck. Every Sunday, nagre-rehearse po kami, so hindi po ako nakakapag-Church. So, gusto ko pong mag-Church. I wanna spend time with my family especially with my dad kasi aalis na po siya sa March 12," sabi ni Sarah.

Ano ba ang plano niya sa napanalunan niyang P1.5 million cash bukod pa sa exclusive management contract from GMA-7 na may minimum guarantee na P3.5 million?

"Sa ngayon po, nagugulat pa rin po ako na may P1.5 million ako," nakangiting sabi ni Sarah. "Siguro po, gusto ko pong pauwiin yung dad ko. Ayoko na pong magtrabaho siya. Siyempre po, kung magka-career po ako, mag-iipon po ako para dito na lang din po ang daddy ko. At saka magpatayo ng house sa Manila, near GMA po." (Sarah's father is a Moroccan at naka-base sila sa Geneva, Switzerland.)

Nagkita at nagkausap na rin daw sila ng kanyang parents after mai-announce na siya ang Ultimate Female Survivor.

"Sabi po ng Daddy ko, 'Hayan, ha...umiyak ako,'" natatawang sabi ni Sarah. "Kasi hindi po talaga 'yan iyakin. Parang strong na hindi iiyak. Pero umiyak-iyak po siya dun."

Ngayong nasa real survival test na siya, kung saan talagang papasukin na niya ang mundo ng showbiz, ano sa palagay niya ang mga dapat at hindi niya dapat gawin?

"Of course, kailangan ko pong maging strong. Kasi hindi po puwede yung lalamya-lamya po dito sa showbiz. Yun po ang kailangan kong ayusin. At saka siyempre po, gusto ko pong mag-acting workshop, singing and dancing. Lahat po ng puwede kong ma-improve, gagawin ko po," sabi ni Sarah.

Nararamdaman na ba niya ang pagiging isang artista?

Nangiti ito sabay sabi ng, "Slight po. Kasi nagugulat pa rin po ako sa mga nangyayari."

WANTED: LEADING MAN. Sa huling interview ng PEP kay Sarah, sinabi niya na kung siya ang tatanungin, si Enzo ang gusto niyang manalo bilang Ultimate Male Survivor. Pero si Steven nga ang nanalo at First Prince lang si Enzo. Nalungkot ba siya na hindi si Enzo ang nanalo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nalungkot din po. Pero happy rin po ako for Steven kasi kaibigan ko rin naman po si Steven. I'm sure naman po magkaka-career rin po si Enzo. After this night, magkaka-career din po siya, so okey lang po yun."

Kung ipapares si Sarah sino man kina Enzo, Steven, at Rocco, puwedeng magkaroon ng switch kung ibabase sa kung sino ang nanalo. Okey lang ba sa kanya kung sila ni Steven ang i-loveteam?

"Kahit sino po ang ibigay, okey lang po sa akin. Pero ang weird kung ibigay po si Rocco, ang weird po. Pero si Steven, okey lang po. Si Enzo, okey lang din po," sabi ni Sarah.

Nabanggit ni Sarah ang salitang "weird" kung ipapares sa kanya si Rocco dahil mas maliit ang Second Prince kesa sa kanya.

Ano naman ang message niya sa lahat ng naniwala at sumuporta sa kanya?

"Maraming-maraming salamat po kasi kung wala po sila, wala rin po ako dito ngayon. Wala po akong flowers, prize...sila po ang dahilan na nanalo po ako. So, maraming salamat po sa tiwala, sa suporta po.

"Kapag nai-imagine ko po ang mga past na nangyari, parang naiiyak po ako. Noong nag-audition po ako, parang laro-laro lang. Hindi naman po laro, pero parang nagbabakasakali na try ko lang. Tapos, nasa stage po na ako ang nanalo, sobrang nagpapasalamat po ako sa Diyos," pahayag ng Ultimate Female Survivor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN