Jen Rosendahl fondly recalls memorable moments with Viva Hot Babes

IMAGE 0


"To tell you the truth, maganda naman ang naging experience ko sa Viva Hot Babes. May mga naging pasaway. Yung iba, nagkaproblema. Pero sa akin, wala naman. Sobrang bata pa kami noon kaya may mga away-away. Kahit ganoon, that's part of it. Pag naiisip nga namin ngayon, para kaming mga gaga noon!" says Jen Rosendahl.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating Viva Hot Babes member na si Jen Rosendahl sa isang event kamakailan sa Ascend Super Club sa The Fort, Taguig. Naging bahagi si Jen ng isang celebrity auction kung saan may bidding sa female sexy stars na naroroon, at kung sino ang highest bidder, yun ang naka-date ng celebrity.

"Yung funds naman, for a good cause, for the Red Cross," banggit ni Jen. "Part of this event sina Juliana Palermo, Avi Siwa, Irish Contreras, and others."

Pagkatapos nito ay kinumusta namin ang kalagayan ni Jen sa showbiz ngayon.

"Wala na ako sa Viva Hot Babes," sabi niya. "Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa group, but I'm with GMA-7 na. You know naman, chumechever na lang ako nang solo noon pa. Wala na akong balita. Ang latest lang, si Andrea [del Rosario], ayun, pregnant na. Yung iba, more on family na muna.

"Eventually, babalik din sila na iba na ang gagawin. We can't be forever naman singing 'Bulaklak.' It's time to move on. Ibang gimmick na. Move ko na sa GMA na muna. The others, nag-abroad na lang.

"Nagkapangalan ako sa Viva Hot Babes at thankful ako doon. I really enjoyed it, being in a group, tapos performing. 'Bulaklak' reached platinum, huh! 'Basketbol' is another hit. Masaya na kami sa ganoon.

"To tell you the truth, maganda naman ang naging experience ko sa Viva Hot Babes. May mga naging pasaway. Yung iba, nagkaproblema. Pero sa akin, wala naman. Sobrang bata pa kami noon kaya may mga away-away. Kahit ganoon, that's part of it. Pag naiisip nga namin ngayon, para kaming mga gaga noon!" natatawang pagbabalik-tanaw ni Jen.

Nakaka-miss din yun at nakatulong kay Jen kaya hindi siya katulad ng ibang ex-Viva Hot Babes na magsasalita pa ng kung anu-anong reklamo at disappointment gayong nalusaw na ang grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero straightforward lang ako. May mga naka-misinterpret sa akin kaya ang sabi ng iba, pasaway daw ako. But I wasn't. Sa akin lang, kung hindi naman ako sisiraan at walang ginagawa sa aking masama ang isang tao, tahimik lang ako, e.

"If you don't like me, that's just fine ith me. Never akong gumawa ng masama. I have learned my lessons na just to shut up. Hindi na lang ako papatol," sabi ni Jen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN