Rufa Mae Quinto feels she doesn't have to kill herself with work anymore

IMAGE 0


"For 15 years, gusto ko naman na yung huwag masyadong todo. Hindi ko na kailangan ang magbida kasi halos lahat naman ng project ko ay bida ako. At saka ako naman ang hindi puwede, e. I always go out of the country," says Rufa Mae Quinto.


Marami ang nakakapansin, lalo na ang kanyang mga tagahanga, na puro supporting roles na lang ang mga natotoka lately sa comedienne na si Rufa Mae Quinto. Kaya iniisip ng iba na tila napapabayaan na siya ng Kapuso Network.

Kaya naman nang dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Bubble Gang sa Studio 5 ng GMA-7 last Monday, February 22, ay ito ang una naming inusisa sa sexy comedienne.

"Hindi, ako mismo ang gustong mag-lie-low, e. Kumbaga, for 15 years, gusto ko naman na yung huwag masyadong todo. Hindi ko na kailangan ang magbida kasi halos lahat naman ng project ko ay bida ako. At saka ako naman ang hindi puwede, e. I always go out of the country," paliwanag ni Rufa Mae.

Dagdag niya, "E, binigyan pa nga ako ng GMA-7 ng SRO, sila [GMA-7 management] naman lagi ang nagbibigay ng work. Pero ako lang ang nagsasabi na, 'Sandali lang, aalis muna ako.' Kasi alam mo kapag taping ka nang taping, nakakapagod din, e. Ngaragan na parang walang katapusan.

"Although sobrang blessings 'yon kaya nga hindi ko tinatanggihan noon. Kaya lang ang nag-suffer yung personal ko, hindi lang yung lovelife kundi yung ako mismo. Like, kailangan ko rin namang mag-workout every day, siyempre kailangan mo for your health. Kaya nga bumili na lang ako ng treadmill, e."

Iniisip kasi ng iba na kinakawawa siya ng GMA-7.

"Ay, hindi, never," paglilinaw ni Rufa Mae. "Wala naman puwedeng kumawawa sa akin, e. I mean, hindi ko naman papayagan 'yon, siyempre. At saka kung sa pagbibida lang, wala na akong mahihiling pa, wala akong insecurities. My God! Sobra na akong contented. Last time, sobrang busy ako... Apat Dapat, Dapat Apat, ITALY, Desperadas 1 and 2, Sukob... sobra! Limang pelikula 'yon, e, sa hirap magkapelikula ngayon.

"E, sa totoo lang, ayaw ko nga munang magpelikula. Kaya nga ang gagawin ko lang ngayon ay itong Bubble Gang, Diva, Showbiz Central. Yun lang muna. Actually, nang sinabi ko nga na parang I need a break, maraming artista ang nagsigaya, e. So, at least, trendsetter pa rin ako kaya happy ako. Kundi man 'Go! Go! Go!' 'Ibang Level na ito!' 'I'm engaged' or 'I'm tired, I wanna take a break,' trendsetter pa rin!" tatawa-tawang hirit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa totoo lang," seryosong patuloy niya, "ang exact na gusto kong sabihin sana ay I'm financially stable na. Kaya lang, kumbaga, ang dami kong nasabi, e. Pero ang bottomline, yun na yun. Na hindi ko na kailangang patayin o pahirapan pa ang sarili ko sa trabaho."

LOVE & FAMILY. Ayon kay Rufa Mae, ang gusto niyang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang kanyang lovelife at time para sa kanyang pamilya.

"Kumbaga, ang gusto kong karerin at bidang-bida ako ngayon ay sa lovelife. In short, puwede akong magbakasyon ngayon ng 10 days, hindi lang out of the country kundi pati sa Pilipinas. Sa mga probinsiya, nagpunta ako sa Cebu, sa Pampanga, sa Boracay...

"My gosh! Hindi ko nagawa yung ganoon dati, na kasama ko ang family ko. Kaya talagang ngayon ay relax ako at may oras ako pati sa sarili ko mismo. So, ngayon ay nae-enjoy ko ang mga bagay na ito, kasama ko ang family ko. Ang dami kong bagay na inayos.

"Kasi like yung lola ko is 85 na, at least, ngayon puwede kaming mag-bonding, mag-mahjong...nag-a-abroad kami. Alam mo, na-meet ko yung mga kamag-anak ko sa Amerika, ang dami kong na-meet. Pati yung cousin kong taga-Dubai, na-meet ko," mahabang lahad ni Rufa Mae.

So, next year na ba siya ulit hahataw sa trabaho?

"Alam mo, kahit anong gawin ko ay pabongga nang pabongga ang career, e. Ilang beses na kasi akong... Di ba, muntik na akong umalis ng bansa? Siguro destiny na rin, na ang Diyos na ang gagawa ng paraan para huwag akong mawala talaga.

"Isang na-realize ko ay kailangan ng laughter kaya kailangan ako ng industriya. Yung kakulitan o kung anuman, at least mayroon silang katatawanan. Yung either they will laugh at me or they will laugh with me. At least, laughter pa rin 'yon.

"Kasi, dapat ko rin namang mahalin ang sarili ko, di ba? At hindi na yung basta hihilahin ka na lang ng manager mo at dito ka. Pagdating kung saan man ay uupo ka at memeyk-apan, pero sa totoo lang ay tulala ka dahil antok na antok ka. Yung tipong kailangan kang uminom ng mga energy drink para lang pampagising at maibigay ko pa ang 'Go! Go! Go!' ko. Kaya ngayon, kapag sinabi kong 'Go!' talagang go ako. Kaya ngayon ay happy ako na may focus ako, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SWTICIHING NETWORKS. Balitang triple raw ang offer ng TV5 sa mga artistang kinukuha nila. Sakaling may ganitong offer sa kanya, ano kaya ang maging desisyon ni Rufa Mae?

"Iyang part na 'yan, parang ayaw kong mag-comment kasi usapang pang-managers na 'yan, e. Pero dati akong galing sa Channel 5, doon nga ako nanalo ng award, doon ako galing sa Tropang Trumpo at Ispup. Kaya ang Channel 5 sa akin, actually, malaking tulong dahil doon din ako nag-umpisa," nakangiting sabi ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN