Regine Velasquez on SOP's exit: "We forgot to just have fun. Masyado kaming na-stress sa ratings."

IMAGE 0


"Pag nag-umpisa kami ng bagong show, huwag muna natin lakihan yung expectations sa atin. Ano lang muna, mag-enjoy muna tayo. When SOP started, it was just like that. Let's just do our thing. Let's not expect anything. Huwag muna tayong mag-expect na mataas na rating. Just do concert on TV. That was the theme of SOP," says Regine Velasquez about the end of SOP and the beginning of Party Pil


"Both Ogie and I are of course staying in GMA-7."

Ito ang naging deklarasyon ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez tungkol sa nabalitang paglipat diumano nila ng kasintahang si Ogie Alcasid sa bakuran ng TV5. Pero tinuldukan na nga ni Regine ang mga espekulasyong ito sa pagkumpirma na mananatili silang Kapuso ni Ogie.

Hindi man direktang inamin ni Regine na may malaking offer sa kanya ang TV5 ay sinabi niyang:"For some reason, may nakakaalam na kapag matatapos na yung kontrata ko, lilipat na ako agad. Pero hindi naman. We're happy naman here."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Regine sa grand launch ng upcoming primetime series niya sa GMA-7 na Diva kagabi, February 23, sa Studio 7 ng GMA Network. Sa March 1 na magsisimula ang Diva sa Telebabad block ng Kapuso network.

Sa June 2010 matatapos ang kontrata nina Regine at Ogie sa GMA-7, pero nag-renew ba sila ng kontrata?

"Parang wala kaming choice kasi ni-renew na, e!" natatawang sabi ni Regine. "Kasi nasa kanila yung option, e. So, kung ayaw naming mag-renew dapat magre-resign ka, parang six months before. Di ba, parang ganun 'yon?"

Two years daw tatagal ang bagong kontrata ni Regine bilang Kapuso, samantalang si Ogie naman daw ay "forever," biro ng Asia's Songbird.

Ayon kay Regine, binibigyan din daw siya ng pagkakataon ng GMA-7 na sabihin ang gusto niyang gawin, gaya na lamang dito sa Diva na siya ang may konsepto ng istorya.

"Siyempre, as artists, meron kang minamahal na isang show and you want to improve on that show. Like this Diva, 'eto ang ganda talaga ng pagkabigay sa akin nito dahil originally, actually iba ang istorya nito, e. Parang Bituin Walang Ningning. Sabi ko, 'Ayokong mag-drama. So, ganito na lang yung gawin natin,'" lahad niya.

THE END OF SOP. Dito na pumasok ang usapin tungkol sa pagwawakas ng musical-variety show na SOP ngayong Linggo, February 28. Si Regine ang isa sa main hosts dito, kasama sina Ogie, Janno Gibbs, at Jaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong kay Regine kung hindi ba nabibigyan ng importansiya ang mga idea niya sa SOP, hindi tulad ng mga konsepto niya sa mga ibang programa niya sa GMA-7, gaya nga sa Diva.

"Nabibigyan naman, pero... Kasi yun [SOP], hindi lang ako yung involved. Other artists are involved in the show. Siyempre, lahat naman kami binibigyan ng pagkakataon to voice out our ideas," saad niya.

Nalulungkot ba siya na mawawala na sa ere ang SOP?

"It's sad but at the same I'm also excited for the upcoming show," sabi ni Regine. "Kasi actually sa SOP no'n, hindi naman ako original na nandiyan. Mas nararamdaman ko yung lungkot ni Ogie at ni Janno kasi sila yung original diyan, e.

"Ako actually, originally I was asked for it but I didn't do it because I felt like I wasn't ready to do TV that time. So it was my sister [Cacai Velasquez] who did it. Then when she left, I took over. And I loved it! I had fun doing the show. And I still have fun doing it. I call it my day-off because it's my time to see my friends, to chika, to show off my clothes. That's all I do in SOP! Nothing really serious.

"So it's really sad na it's going to say goodbye already. But just like everything else, it also has to end sometime. Ganun lang yun, oo."

Unang emere ang SOP noong February 2, 1997. Ang original hosts nito ay sina Ogie, Janno, at Vina Morales; kasama sina Cacai, Gabby Eigenmann, Bernadette Allyson, at ang dating sexy star na si Amanda Page. Pumasok si Regine sa SOP noong 1998.

Biglaan ba yung naging desisyon na tapusin na ang SOP?

"I think matagal na nilang iniisip. Matagal nang iniisip ng mga tao sa taas na it's about time," banggit ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But what made them decide to finally pull the plug on SOP?

"It wasn't really my decision to do that," diin ni Regine. "Kasi like I said, SOP really is a fun show to do. It's sad that I'm not really always there. Kasi nga bilang ang dami kong raket, pero..."

Late last year ay nag-reformat ang SOP pagkatapos "mag-resign" ng dati nitong executive producer na si Perry Lansigan at ginawang SOP Fully Charged ang title ng show. Sa palagay ba ni Regine ay nakaapekto ang pagre-reformat ng show nila sa pagbaba ng ratings nila?

"Actually nung time na nag-ano sila, hindi ako pumapasok nun, e. Kasi yun yung time na nagkakasakit ako nun, e. I don't really know what happened. But when I started to do SOP again, I just heard that they're gonna finish it na. So, sabi ko, 'A, okay, that's sad.' I don't know the whole story behind it. I've been hearing stories but..."

Pero nararamdaman ba ni Regine sa kanyang sarili na malaki na ang ipinagbago ng SOP, na parang hindi na siya nag-e-enjoy?

"May konting stress ng konti, hindi sa akin pero dun sa mga kasama ko, yung staff," pag-amin ng singer-actress. "Nararamdaman ko yung stress nila. Unlike before na it was just really fun, medyo nawala 'yon. So I guess okay na rin na mag-e-end siya for us to be able to start...bago na ulit. Para mawala na rin yung... May bad vibes na, e.

"'Tsaka yung para din sa staff. Kawawa sila kasi sobra na silang pressured. At least, pag nag-umpisa kami ng bagong show, huwag muna natin lakihan yung expectations sa atin. Ano lang muna, mag-enjoy muna tayo. When SOP started, it was just like that. Let's just do our thing. Let's not expect anything. Huwag muna tayong mag-expect na mataas na rating. Just do concert on TV. That was the theme of SOP."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PARTY PILIPINAS. Ayon kay Regine, ito ang gusto nilang ibalik sa papalit na show sa SOP, ang Party Pilipinas, na magsisimulang umere sa March 21. Sila pa rin daw nina Ogie, Janno, at Jaya ang main hosts ng Party Pilipinas, kasama ang ilan pa nilang mga kasamahan sa SOP gaya nina Kyla, Jay-R, at ang La Diva (Jonalyn Viray, Aicelle Santos, and Maricris Garcia).

"Yun ang gusto naming ibalik sa Party Pilipinas: it's a concert TV," sambit ni Regine. "Dun naman kami pinapanood, e. Live yung kantahan, live band. Di ba? Feeling ko, yun talaga ang strength ng SOP."

Sinabi ng PEP kay Regine na hindi maiiwasan ang pagkukumpara sa SOP at sa katapat nilang programa sa ABS-CBN, ang ASAP. Ano sa palagay niya ang kakulangan ng SOP kumpara sa ASAP?

"I have to say maganda talaga yung ASAP," simula ni Regine. "Mga production numbers, talagang pinag-iisipan... Not that hindi pinag-iisipan yung sa SOP kasi they work so hard just be able to create one production number. Katakot-takot na bloodshed ito! Katakot-takot na hirap talaga ang dinadanas ng production para lang makabuo ng isang production number. Minsan lang, meron yung hit and miss. Minsan naghi-hit, minsan nagmi-miss.

"You also have to admit that there was a time na it was us on top and they were... Di ba? Kami naman yung maraming hits. Ngayon, sila naman yung mas madaming hits, sila yung nasa taas. Okay lang yun. Kasi na-experience din naman namin yung sila yung No. 1, kami parang wala lang. Okay lang yun.

"You know, the one thing I think that we lost...hindi naman lost, but we forgot is to just have fun. Masyado kaming na-stress sa ratings kasi the network... Of course, hindi naman namin ma-blame, they were expecting so much from the program. But the program was getting tired! It was just really getting tired from too much pressure, from too much intrigues, and from too much whatever," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Will the viewers see more of her in Party Pilipinas?

"They'd probably see me more in the new show kasi talagang ito parang kina-career talaga namin, e," sabi ni Regine.

What could the viewers expect in Party Pilipinas?

"May ibang look. Yung production people siguro maraming mababago. Maraming mababago sa show, pero alam kong napakalaki ng expectations ng sangkatauhan sa show na ito. Pero sa akin, mas gusto ko lang mag-enjoy kasi yun lang dapat yun, e. Kaya kami pinapanood dahil they see us enjoying and it came to a point na parang minsan hindi na masyadong enjoyable.

"So I hope that this new show, yun lang, have fun, let's just do our thing, not expect anything big yet, you know. I hope the viewers, the fans, the loyal fans—'cause we still have more loyal fans, you know, meron pa ring gano'n. We hope that our viewers will help us also... Kasi, siyempre, we're starting again, sana tulungan kami na makapag-umpisa ulit, mapasaya sila, maging proud sila ulit na nanood sila ng...well, now it's called Party Pilipinas."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN