Jennica Garcia says communication line with ex-boyfriend Mart Escudero still open but always busy

IMAGE 0


"Alam niyo, noong may boyfriend ako, ang gusto kong feeling, yung kapag umaga na nasa taping at tatawag, mabubuhayan ka. This time, hindi ako yung, 'Walang tumatawag sa akin?' Walang ganun...hindi talaga. Hindi ko rin naman isinasara ang puso ko, pero hindi ko lang hinahanap-hanap," says Jennica Garcia.


First team-up ni Jennica Garcia at ng bagong Kapuso na si Carl Guevarra ang My Stalking Heart episode ng afternoon drama anthology na Dear Friend.

Ayon kay Jennica, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Stalking Heart kahapon, March 2, mas masaya at mas excited siya kapag may mga bagong ipinapareha sa kanya tulad nga ngayon.

Kuwento ni Jennica, "Nakakatuwa... I'm always kasi excited for new things. Alam mo yun, getting to work with Carl, sobrang nakakatuwa. Nakakatuwa kasi bago. Hindi nag-i-stop yung like sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita, hindi nag-i-stop lang dun yung trabaho mo dahil may mga bagong nangyayari. Siyempre, may mga bago ka rin na natututunan."

Excited din daw si Jennica na makatrabaho ang Survivor Philippines: Palau castaways na sina Jef Gaitan at Marvin Kiefer, na magkasintahan in real life.

"With Jef and Marvin, I'm very excited with the two of them. Sobra! Lalo na si Jef. She has a very pretty face na napaka-telegenic. So, excited din ako sa kanya. Sinabi ko na yun sa kanya, excited ako for her. At saka hindi rin naman ako nagbibigay ng advice kasi hindi rin naman ako magaling na magaling na artista para makapagbigay ng advice sa kanila," saad ng anak ng aktres na si Jean Garcia.

"SENIOR" CO-STAR. Ani Jennica, hinihingan daw kasi siya ng advice ng mga kasamahan niya sa My Stalking Heart dahil pawang mga baguhan ito sa showbiz.

"Like kunwari sa eksena, tatanungin nila ako, 'Paano mo nagawa yun?' Parang, 'Ha?' E, ako kasi, alam ko na ang dami ko pang dapat matutunan, ang dami ko pang dapat gawin."

Napansin din ni Jennica na may pagkamahiyain si Carl.

"Mahiyain siya, pero nakita ko na ume-effort siya na, in a way, makapag-usap kami ng matagal. Pero mahiyain siyang talaga. Tawa lang siya nang tawa. Tapos, bumabawi siya sa Facebook. Nag-uusap kami," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangiti naman si Jennica nang hingan namin ng reaction sa sinabi ni Carl na natupad ang isa sa mga pangarap niya nang makatambal niya si Jennica.

"Hindi ko nga po alam 'yan, e," nakangiting sabi ni Jennica na parang nahihiya. "Actually, nakakatuwa. Hindi ko alam kung... Kasi sa totoo lang, kapag may nagsasabi na 'si Jennica gusto kong maka-partner,' ako mismo ang nagtatanong ng 'bakit kaya?' Alam mo yun, bakit ako? Hindi sa hindi ako bilib sa kakayahan ko, pero ang sa akin lang, nakaka-flatter na ewan. Kasi, hindi mo alam. Parang ano nga kaya? Bakit nga kaya? So, thankful lang."

Nararamdaman ba niya ang pressure na siya ang ini-expect na magdadala ng My Stalking Heart pagdating sa ratings?

"Oo," mabilis niyang sagot. "Sa totoo lang, kinakabahan ako lalo na yung pilot episode namin. Di ba, kakatapos lang ng SOP? Yun po ang timeslot, 3 p.m. E, siyempre, hindi naman po lahat ng tao alam yun. Baka po ang panoorin nila, yung timeslot ng Dear Friend, e, baka tapos na po kami nun.

"Pero more on rating, iniisip ko rin na kahit marami or konti pa 'yang manood ng Dear Friend namin, ang sa akin lang, sana ma-enjoy nila. Yung tumatak sa kanila. Yung kahit medyo tumagal na, makita nilang itong apat na ito, nagsama-sama na."

MART ESCUDERO. "Naku, wala na po! 2010 na!" ang maagap namang sagot ni Jennica nang tanungin kung kumusta na sila ni Mart Escudero since their breakup.

Dagdag niya, "Hindi na rin po kami nagkakausap. Yung friendship, nandun, pero wala na pong chance na magkausap. We have each other's number, pero nagkataon na hindi na po."

Sino sa kanila yung parang nag-stop makipag-communicate?

"Pareho lang po," sagot ni Jennica. "Like ako, busy rin po kasi ako sa trabaho ko, di ba po? So, kung may free time po ako, itinutulog ko pong talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Jennica sa huling panayam ng PEP sa kanya na open naman siya ngayong makipag-date sa iba. Pero bakit tila nagbago ang isip niya?

"This time kasi, hindi na po muna. Kasi, okey naman ako. Okey naman po akong single. Masaya naman po ako," sabi niya.

Wala pa bang nagiging kapalit si Mark sa puso niya?

"Wala po," mabilis niyang tugon. "Hindi naman po siguro kapalit. Kumbaga, ang sa akin lang, yung sa amin, tapos na yun. Sa ngayon, ine-enjoy ko lang talaga ang buhay single. Ang sarap na sarili mo lang ang iniisip mo. Yung family mo. Tapos yung limitation mo rin, mas nabawasan."

Hindi ba niya nami-miss ang pagkakaroon ng boyfriend?

"Hindi ko pa hinahanap-hanap yung may maglalambing sa 'yo. Hindi ko pa siya napi-feel kaya ayoko rin na mag-entertain pa," sabi ni Jennica.

Hindi ba niya nami-miss yung may nag-aalaga at nag-aalala sa kanya?

"Hindi! May cell phone na po ang kapatid ko ngayon, si Kotaro, kaya palagi kaming nagte-text!" natatawa niyang sabi. "Hindi ko lang talaga hinahanap-hanap.

"Alam niyo, noong may boyfriend ako, ang gusto kong feeling, yung kapag umaga na nasa taping at tatawag, mabubuhayan ka. This time, hindi ako yung, 'Walang tumatawag sa akin?' Walang ganun...hindi talaga. Hindi ko rin naman isinasara ang puso ko, pero hindi ko lang hinahanap-hanap."

Sa huli, nakiusap si Jennica na kung puwede ay huwag na lang pag-usapan si Mart.

Katwiran niya, "Nakakahiya na rin kasi unang-una, hindi ko na rin naman siya natatanong kung okay lang ba. Hindi kagaya noong kami pa. So, enough na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN