Tim Yap defends cousin Angelo and Roxanne Guinoo against critics

IMAGE 0


"Lahat naman sa panahon ngayon, wala nang bata, wala nang matanda, basta kung nagmamahalan sila at ready na sila. Never naman tayong handa talaga sa mga bagay na ganyan, e, di ba? Kahit gaano mo paghandaan, kumbaga, mararanasan mo yung kailangang maranasan on-the-spot na. Basta in their minds, handa sila at nandun yung mga pamilya nila para sumuporta sa kanila at patnubayan sila sa mga ganitong bagay, e, di okay lang, go!" says Tim Yap (main photo) about the deci


Pinsang buo pala ng TV host at eventologist na si Tim Yap ang magiging asawa ni Roxanne Guinoo, si Angelo Elton Yap. Magkapatid ang ina ni Tim at ang ama ni Angelo.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tim last Monday, March 1, sa set ng Q Channel 11 showbiz program na Tweetbiz: The Bizniz of Chizmiz kung saan isa siya sa mga host along with Mr. Fu and Sam YG.

Ayon kay Tim, alam na raw ng buong pamilya nila ang tungkol sa pagpapakasal at pagbubuntis ni Roxanne bago pa raw magpa-interview ang aktres sa The Buzz. Last February 22 ay nakita pa niya si Roxanne sa house blessing ng family nina Angelo. (CLICK HERE to read related story.)

"Last, last Monday galing nga ako doon. Nagkita na kami doon. 'Tapos kaya ko nga nalaman una na ikakasal na sila ng January 2011 dahil galing mismo sa mommy ni Angelo. First cousins kasi kami ni Angelo and like we grew up together," pahayag ni Tim sa interview ng PEP.

YAP FAMILY LIKES ROXANNE. Matagal na rin daw kakilala ni Tim si Roxanne.

Aniya, "Before pa, siguro mga one year ko na siya nakikita. Kasi hindi na ako masyadong nakaka-attend ng mga family gatherings, e. Pero pag nagkikita kami, lagi naman kaming naghe-hello sa isa't isa. Like yung kasing kasal nga ng kapatid ni Angelo, ako yung emcee."

Ang binabanggit ni Tim ay ang kasal ng sister ni Angelo na naganap last January lang, kaya ipinasya nina Roxanne at Angelo na early next year na lang magpakasal dahil sa pamahiin nga na sukob sa kasal.

Ano ang nagustuhan niya kay Roxanne?

"Ako, why do I like her? Kasi maano siya, pag magkasama kami, magaan lang, alam mo yun? Alam mo kasing mabait siyang tao. Siya pa yung lumalapit para mag-hi, mangumusta. Dahil sa nakikita ko mahiyain si Roxanne, e, nahihiya pa siyang lumapit. Pero yung effort na yun ng paglapit at pag-reach out, e, super na-appreciate ko yun, kaya gustung-gusto ko siya. Kaya tawag ko na sa kanya ngayon, e, pinsan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanggap na tanggap naman daw ng Yap clan si Roxanne.

"She's very welcome to our family," sabi ni Tim. "You know, when Roxanne is there, parang sanay na sanay na kami sa presence niya. Kasi matagal na nga namin siyang nakakasama, nakaka-dinner, nakaka-hang out. Pag weekends sa Tagaytay with the whole family, except me, sila magkakasama talaga sila."

Ano ang feeling niya na finally ay kinumpirma na ni Roxanne on national TV ang pagpapakasal at pagbubuntis niya?

"Para sa akin, basta masaya naman sila na nakikita ko naman. So, para sa akin, okay na yun. Alam ko nung inilagay ko yun sa Twitter, nung sinabi ko yun, alam ko ang dami na palang nagtatanong. So, yun nung nagsalita na siya, at least ngayon nakita naman natin na masaya na siya. Yun ang maganda. That's what important, di ba?"

IN DEFENSE OF ANGELO & ROXANNE. Ipinagtanggol naman ni Tim ang pinsan niyang si Angelo tungkol sa sinasabi ng iba na napakabata pa nito sa edad na 20 para mag-asawa at magkapamilya. Roxanne naman is 24 years old.

"Lahat naman sa panahon ngayon, wala nang bata, wala nang matanda, basta kung nagmamahalan sila at ready na sila. Never naman tayong handa talaga sa mga bagay na ganyan, e, di ba? Kahit gaano mo paghandaan, kumbaga, mararanasan mo yung kailangang maranasan on-the-spot na. Basta in their minds, handa sila at nandun yung mga pamilya nila para sumuporta sa kanila at patnubayan sila sa mga ganitong bagay, e, di okay lang, go!" saad ng TV host.

Ano naman ang reaksiyon niya sa bad comments ng iba na bakit nauna ang bata kesa sa kasal?

"Alam mo nangyari na kasi, e. Nandiyan na yung baby. Ang importante ay pinanindigan ni Roxanne na ituloy ang kanyang pagbubuntis at hindi siya nahiya na aminin ito. And I admire her for that. At saka handa namang panagutan ni Angelo ang nangyari kay Roxanne. So, wala na dapat maging problema. Let's just be happy for them," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pamilya pala ni Angelo ay involved sa chemical business.

"Marami silang business actually. They also own a mall. Marami pa. But they are very low profile and very hardworking," banggit ni Tim.

Dahil may kaya nga ang pamilya ni Angelo kaya tuloy lumabas ang isyu na nagde-demand daw ang mommy ni Roxanne ng house and lot sa Yap family. Ano ang masasabi niya rito?

"I don't think gagawin yun ni Roxanne or ng mommy niya. Sa pagkakilala ko kay Roxanne, hindi niya gagawin yun," sagot ni Tim.

May mensahe rin si Tim para kina Angelo at Roxanne.

"I always see them, my blessings will always go for people na nagmamahalan. Keep the love. Spread the love."

TWEETBIZ. Dahil nga host si Tim ng Tweetbiz ay hindi nga maiwasan na mai-feature din sina Roxanne at Angelo sa kanilang show.

"Okay lang naman yun. Siyempre showbiz news 'yan, e. And Roxanne is hot news now, di ba? Dito naman sa Tweetbiz, wala naman kaming pinipili na dapat hindi ilabas 'yan kasi ganito. Hindi naman komo't pinsan ko si Angelo, e, hindi na namin idi-discuss yung isyu sa kanila ni Roxanne. Professional naman kami and it's part of the job. Fair naman kami dito sa Tweetbiz, e," saad niya.

Aminado nga si Tim na nag-e-enjoy siya sa pagho-host ng Tweetbiz.

"Masaya kasi marami akong nalalaman. Nagiging updated ako sa mga happenings sa showbiz. At saka masaya kasi enjoy kasama yung mga kasama namin dito. Tawa lang kami nang tawa. Every time na dadating ako sa studio, it's so relaxing kasi alam mo yun, rundown lang ng mga happenings sa showbiz," sabi ni Tim.

Isa sa mga Tweetmosos-in-chief si Tim along with Mr. Fu at Sam YG. Kasama rin nila sa show ang mga paparazzi na sina Gorgy Rula, Ron Carrasco, Sebastian, Danzen Santos, at Survivor Palau's Justine Ferrer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As Tweetmoso-in-chief, ang role ko talaga is to moderate. Kasi para sa akin talaga, ang star ng show yung mga topics na pinag-uusapan at saka yung mga paparazzi kasi sila yung nagde-deliver ng news. Yung role namin is to chose the stories to go on the board. Ano ba yung swak o ligwak? Ang role ko is more of a moderator. Kung moderator ka, you'll really listen sa mga nangyayari. You'll really listen to the reporters reporting their stories."

How is it working with Mr. Fu and Sam YG?

"For me it's great kasi marami akong natututunan from both of them. Tatlo kami, iba-iba kaming styles at nakikita n'yo ito kung sino ang maa-assign as the Tweetmoso-in-chief for the day. So, in a way, since iba-ibang styles, the show takes on different flavors each time one is assigned as the Tweetmoso-in-chief. One is funny, one is serious, one is light, parang ganun, iba-iba."

SHOWBIZ VS. LIFESTYLE HOSTING. How is hosting Tweetbiz different sa mga ginagawa niya before?

"Kasi yung dati ko, lifestyle hosting. Yung sa Living It Up was lifestyle. Yung Print Inc. was reality and events. Itong Tweetbiz yung first time na nabigyan ako ng chance to host a showbiz show. For me yung happenings sa showbiz is like news, kung ano ang nangyayari ngayon. Yun lang talaga ang pinag-uusapan namin, what is current, what is the latest, para yun ang ibabahagi namin sa mga nanonood sa amin. It's my comfort zone. I love to host. This is what I love to do best, among the things I do from business, from throwing parties, from doing fashion work. Ito yung paborito ko."

Hindi naman kataka-taka na maging tanyag si Tim sa pagho-host, lalo na nga't tatlong beses na siyang nanalo as Best Lifestyle Show Host sa Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think it's about time na mag-graduate na ako sa lifestyle and i-try yung ibang hosting. Nung kausapin ako ng GMA and Q Channel 11, na i-try ko naman daw mag-host ng showbiz program, hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin ito," sabi niya.

Ano ang ginagawa niya para maging updated siya sa showbiz?

"I try to stay as current as much as possible. Nagbabasa kami dito, pagdating namin dito [sa studio] nandiyan na yung mga tabloids, newspapers. Mas aware ako sa mga nangyayari sa show business. Tapos hindi lang siya kung ano yung nababasa ko, ibine-verify ko sa mga tao mismo kasi marami naman sa mga kinauukulan, e, kaibigan ko. So, I have that first hand source na puwede ko silang tawagan kahit kailan. Hindi sila takot magsalita sa akin kasi may tiwala sila sa akin. Hindi ko rin naman aabusuhin yung tiwala nila."

Napapanood ang Tweetbiz: The Bizniz of Chizmiz mula Lunes hanggang Biyernes, 7 p.m. sa Q Channel 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN