Francine Prieto wants to work to avoid being "forever charity case"

IMAGE 0


"Kahit saan nga puwede naman ako. Freelancer naman ako. Hindi ko naman gusto na maging forever charity case ako.... Ang hinihingi ko, trabaho. Willing naman akong mag-work. Siyempre, iba pa rin kapag nagtatrabaho ka. Ayoko naman na forever donation," says Francine Prieto.


Sa kabila ng pinagdadaanan ngayon ng aktres na si Francine Prieto at ng kanyang pamilya dahil sa ovarian cancer ng kanyang ina, si Mrs. Amelia Falcon, masaya pa rin siyang humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa 10th anniversary celebration ng FHM Magazine sa NBC Tent last night, March 11.

Naging open si Francine sa pagsasabing wala siyang regular work lately at hindi sapat ang pera niya para maipagamot ang kanyang ina. Ang mga kaibigan, kakilala, at mga taong hindi pa raw niya nakikita ang tumugon sa kanyang panawagan.

"Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at saka nalaman ko rin kung sino ang mga totoo kong kaibigan. Hindi pala porke't nakasama mo ng matagal na matagal na panahon, e, yun pa ang unang tutulong sa 'yo. Minsan, kung sino pa ang hindi mo kilala, sila pa yung handang tumulong para sa 'yo," saad niya.

Ayon kay Francine, more or less ay nasa P900,000 na raw ang perang natatanggap niya mula sa mga taong tumulong o tumugon sa panawagan niya at ng mga kaibigan niya. Dahil dito, makakapagsimula na raw ng chemotherapy ang mommy niya.

"Next week mag-i-start na ang chemo ng mommy ko. Ngayon, nagpapalakas lang siya. Kanina, madaldal na siya," kuwento niya.

Naging masaya rin daw ang mommy niya nang malaman ang ginawa ng mga tao na pagtulong sa kanila.

"Siyempre, tuwang-tuwa siya. At saka ano yun, e, nakakadagdag sa kanya. Hindi ba kapag may ganyang sakit ka, unang-unang kalaban mo diyan depression? So, kailangan talaga marami ang nagte-text sa 'yo. Marami ang nagmamahal sa 'yo. So, kumbaga, ang dami-daming tumulong sa kanya. Hanggang ngayon, dire-diretso. Ultimo mga hindi namin kilala, pati mga hindi taga-showbiz, as in, dun mo lang nakilala. Gumagawa sila ng paraan para makipag-donate kay Mommy.

"Meron din naman na mga tumulong na pulitiko. Kahit na yung mga pulitiko natin na nasa showbiz, may mga tumulong din. Yun nga lang, ayaw naman nilang sabihin kasi baka isipin ng mga tao kaya nila ginawa yun dahil, di ba, campaign period nga ngayon. Pero sabi ko naman, pasasalamatan ko naman lahat ng tumulong sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang isa nga raw sa mabilis na tumugon sa panawagan ng ilang kaibigan ni Francine ay ang tumatakbong presidente na si Gibo Teodoro?

"Oo, tumulong siya," pagkumpirma niya. "Ginawan ng paraan nila Shey [Sherilyn Reyes]. At saka, siyempre, tulong din ng media. Kasi kung hindi dahil lumabas sa TV, sa diyaryo, siguro hindi rin malalaman ng mga tao yung nangyayari sa akin. Akala yata nila porke't artista ka, lahat kayang-kaya mo, pero hindi talaga dahil lahat sa amin, breadwinner ng family. So, mahirap talaga."

IT'S NOT ALL ABOUT MONEY. Pero hindi naman daw pera lang ang talagang kailangan niya sa paghingi ng suporta.

"Ako naman, hindi naman kailangan lahat mag-donate. Ang sa akin lang naman, importante lang na ipagdasal n'yo ang nanay ko, di ba? Yung kamusta lang. Minsan, hindi naman pera-pera ang usapan dito. Yung simpleng kamusta ka, di ba? Malaking bagay yun na maalala mo ang taong ito," saad niya.

Ine-expect ba niya na tutulong sa kanya si Anne Curtis at ang grupo nito sa Blackberry?

"Actually, sina Diana Zubiri ang nag-start kasi may eyeball nga sila. Tapos kumalat. So, gumawa nga sila ng fundraising. Si Jodi Sta. Maria na hindi ko talaga kilala, yun pala ang mommy niya, may cancer din. So, alam mo yun, nata-touch siya dito.

"Tapos ikinalat nila kay Anne Curtis. Kasi si Anne, may more than 100,000 followers siya sa Twitter. So, kumbaga, kung nilagay lang niya sa Twitter niya, sobrang ang dami nang makaka-receive. So, malaking tulong. Pati sila Angel [Locsin] din at marami pang iba.

"Noong time na yun, meron din dumating na ibang kasamahan kong artista. Sabi ko nga, hangga't maaari nga, hindi sana ako humihingi sa kapwa ko artista kasi alam ko naman ang pinagdadaanan naming lahat, e," saad ni Francine.

Ayon kay Francine, meron din naman daw tumulong sa kanya from GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang na-realize niya sa pinagdadaanan ng kanyang pamilya ngayon?

"Na marami pa rin mabubuting tao. Na maraming mababait na tao at saka yun nga, any time, nandiyan lang sila at marami ang nagmamahal, hindi lang sa akin kunndi lalung-lalo na kay Mommy," sagot niya.

NEW BLESSING. Masaya ring ikinuwento ni Francine ang bagong blessing na dumating sa kanya.

"Kanina galing ako ng Kuala Lumpur kasi merong naghahanap sa akin. Nakita raw nila yung Korean video ko before. So, akala raw nila Korean ako. Hinanap nila ako sa Seoul, hindi nila ako nakita. Yun pala, taga-rito [Pilipinas] nga raw ako. So, pinahanap ako. Isa siyang global brand na underwear. Kaso, kailangan ay mag-lose daw ako ng 30 lbs. So, sabi ko, tingnan natin, depende sa price," biro ni Francine.

Dagdag niya, "Iniisip ko nga, siguro lahat ng nangyari, may purpose talaga."

Bakit siya ang nagpunta ng Kuala Lumpur?

"Pinapunta nila 'ko. Gusto nilang ma-meet. Gusto nilang malaman kung ako nga ang hinahanap nila. Noong makita nila, ako nga raw," sabi niya.

Pero ayon kay Francine, wala pa rin siyang regular show hanggang ngayon.

"Wala pa rin!" natatawang sabi na lang niya. "Ano na lang ako, writer ng FHM or photographer! Joke!"

Wala pa rin bang offer sa kanya from any network?

"Wala... Kahit saan nga puwede naman ako. Freelancer naman ako. Hindi ko naman gusto na maging forever charity case ako.... Ang hinihingi ko, trabaho. Willing naman akong mag-work. Siyempre, iba pa rin kapag nagtatrabaho ka. Ayoko naman na forever donation," saad niya.

FHM'S SEXIEST. Ano naman ang nararamdaman niya na isa siya sa pinarangalan bilang Sexiest Women of the Decade?

"Oo nga, 25 Sexiest Women of the Decade. Parang matanda lang, 'no? Parang classic lang, parang alamat!" biro niya. "Pero alam n'yo, malaking honor yun na mapasama ka dun. Kasi, 'eto talaga, sobrang kinagat talaga ng mga Filipino ang FHM sa atin. At saka masasabi mo talaga na napakaganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaking tulong ang FHM sa career ko dahil noong nag-start ako ng 2003, yun din ang start na kinuha nila akong cover at ang laki talagang tulong nun. Kasi siyempre, unang movie ko, Liberated. Parang, sino yun? Tapos nakita nila, lalo na sa nagko-collect [ng FHM], kung sino si Francine kaya malaking suporta talaga. Kaya naman kapag ang FHM ang humiling sa akin, hindi ka talaga mapapahindi, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN