Bangs Garcia has no problem sharing the cover of FHM's anniversary issue with Iwa Moto

IMAGE 0


"Sobrang friends kami ni Iwa. Nakakatawa lang na tsinitsismis kami na ayaw raw akong makasama ni Iwa. Kaya tinatawanan na lang namin," says Kapamilya star Bangs Garcia (in photo).


ABS-CBN's reigning afternoon drama princess Bangs Garcia once again graces the cover of the No. 1 men's magazine in the country, FHM. This time, she shares the limelight with Kapuso star Iwa Moto in a double-cover special for FHM's 10th anniversary issue. Aside from this, bangs is also one of FHM's Top 25 Sexiest Women of the Decade.

"It's an honor to be chosen, to be part of Top 25 Sexiest Women of the Decade ng FHM. Legandary na ang FHM, so it's really something. Big deal siya for me. Separate cover nga, so biggest talaga siya—two girls in one month. So, lalong magiging hot na hot ang summer n'yo!" natatawang sabi ni Bangs nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa anniversary celebration ng FHM last Thursday night, March 11, sa NBC Tent sa The Fort, Taguig City.

FRIENDS WITH IWA. Okey na okey rin daw kay Bangs na kasabayan niya sa cover si Iwa. Lingid sa kaalaman ng marami, magkaibigan daw silang dalawa kahit pa magkaiba sila ng pinagtatrabahuang network.

"Actually, we did a film before," banggit ni Bangs. "Ako lang ang Kapamilya sa film na yun, puro Kapuso sila. And I really find all Kapuso stars very nice to work with."

Ang pelikulang tinutukoy ni Bangs ay ang indie film na Rock and Roll na noon pa napapabalita, pero hindi pa rin naipapalabas.

Nagtataka lang daw si Bangs na sa kabila ng pagiging okay nila ni Iwa ay natsitsismis pa rin silang dalawa.

"Sobrang friends kami ni Iwa," giit ng Kapamilya star. "Nakakatawa lang na tsinitsismis kami na ayaw raw akong makasama ni Iwa. Kaya tinatawanan na lang namin."

Hindi ba nabawasan ang excitement niya nang malaman niyang hindi lang pala siya ang featured cover sa 10th anniversary issue ng FHM?

"Naku, kahit tatlo pa 'yang kasama ko!" sambit ni Bangs. "It's their 10th anniversary, so it's something. Okey sa akin kahit na ano."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaghandaan din ba niya ang pictorial niya?

"Yun nga, e, biglaan siya," sabi niya. "Kami ni Iwa, natatawa kami. We had a one-day diet. Kasi siguro sinabihan kami two days before the shoot. So, literally, hindi kami kumain the whole day para lang maging flat ang tiyan namin kinabukasan!"

Sabi pa niya, "And for me, ha, ito ang masasabi kong pinakamaganda kong cover magazine ever. Last year kasi, nag-cover ako sa FHM, I was really sick. I was having my chills during the shoot. So, ngayon, I'm more confident. If last year I was still raw, right now, I'm beginning to become ripe. Yun na yun, e!" natatawa niyang sabi.

WHEN IT RAINS, IT POURS. Magaganda ang mga nangyayari sa career ni Bangs ngayon. Ito ay sa kabila ng marami agad ang nanghusga sa kanya nang ilunsad siya bilang lead star sa afternoon soap na Magkano Ang Iyong Dangal? Ayon sa ilan, hindi kakayanin ni Bangs ang magdala ng isang afternoon series.

"Oo nga, e, nagkasabay-sabay. Yung Magkano Ang Iyong Dangal?, first teleserye ko. Tapos itong FHM... At hindi lang basta-bastang issue ng FHM—it's a collector's issue, it's a must-have issue talaga! So, on the cover? Wow! Ako mismo, thank you!" tila hindi makapaniwalang sabi ni Bangs.

Kung si Bangs ang tatanungin, marami pa siyang gustong gawin ngayon. Dahil na rin nga sa mga nangyayari sa career niya, mas inspired daw siya na ma-achieve ang goals niya ngayon.

"Maraming-marami pa!" sambit niya. "Like, I wanna have my own movie someday. Yun naman ang hinihintay ko. Kasi, nakuha ko na rin yung isang goal ko—ang magkaroon ng isang heavy drama na teleserye. Tapos pinagbibidahan ko pa. So, check na yun sa list ko. Pag-aaralin ko ang kapatid ko, yung special child ko na kapatid... So, marami."

MORE DESIRABLE. Paseksi na ba nang paseksi ang magiging image niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro," ngiti ni Bangs. "Pero may limitasyon pa rin. Hindi ko pa rin kayang mag-topless talaga. Pero hindi ako nagsasalita nang patapos. I might just eat my words. Let's just cross the bridge when we get there."

Ano ang nagbago simula nang maging cover girl siya ng FHM?Sa tingin niya ba ay mas naging desirable siya sa mga lalake?

"Yes! Sa tingin ko!" natatawa niyang sagot. "At saka malaking factor ang mag-cover sa FHM kasi maraming, let's admit it, maraming hindi nakaka-work ng TV kasi nasa school, nasa work. So, minsan, kapag nag-cover ka sa FHM, naaalala nila, nare-recall nila. So, sobrang laki ng tulong talaga."

May mga D.O.M. din ba na lumalapit sa kanya?

"Magkano ang iyong dangal?" tawa niya ulit. "Hindi pa ako nagkakaroon ng parang direct na indecent proposal. Pero through my manager, there was this one politician daw. I don't know who, he didn't tell me rin. Siguro for safety rin.

"Pero I find that offensive. Parang, 'Ano ang tingin n'yo sa akin? Ganung klaseng babae ako?' So, sa akin, kahit bata lang ako, tapos aalukin ka ng ganun, it's offensive kasi bakit hindi mo na lang ako ligawan? Why make it that way pa na babayaran ako, di ba?"

May idea ba siya kung magkano sana ang ibabayad sa kanya?

"Milyon daw, e!" tawa ni Bangs. "So, yun. But I'm glad na ako personally, hindi pa nagkakaroon ng indecent proposal talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN