StarStruck V Second Prince Rocco Nacino feels ready to join showbiz

IMAGE 0


"In my opinion, I feel ready na po. Kasi with the passion, yung drive and determination that I have, tapos na-hone pa lalo yun ng StarStruck, tingin ko nga po, ready na po akong sumabak sa showbiz industry," says Rocco Nacino.


Gaya ng mga kasamahan niya sa StarStruck V Final 14, masaya ang Second Prince na si Rocco Nacino sa pagpirma niya ng exclusive contract sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network. Si Rocco at lahat ng kapwa niya survivors ay pumirma ng five-year contract sa Artist Center last Thursday, March 11, sa Executive Lounge ng GMA Network Center. (CLICK HERE to read related article.)

"'Tsaka excited na rin akong magtrabaho as a Kapuso," sambit pa ni Rocco nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) over the phone kagabi, March 12.

Sa pinirmahang five-year contract ni Rocco at ng iba pang StarStruck V survivors, sa palagay kaya niya ay sapat nang panahon ito para makapag-establish siya ng kanyang sariling pangalan sa showbiz?

"I'm not sure, pero nakipag-meeting na ako with my handlers and meron kaming career planning. So, may mga goals ngayon na kailangang i-achieve, like in two years dapat magawa ko na 'to. So, planado na rin yung dapat mangyari in five years. Kumbaga, may objectives na dapat magawa. Determined ako para maabot ang mga 'yon. Hopefully, pagdating ng five years, magawa ko lahat ng objectives na 'yon," saad ni Rocco.

Ano naman ang expectations niya sa pagpirma niya ng five-year contract sa GMA Artist Center?

"Alam naman namin na aalagaan kami ng GMA," sabi niya. "Na-experience naman namin yun from StarStruck, na hindi naman kami pinabayaan. So what more kung Artist Center, na ang gusto lang naman nila the best for us, di ba? Alam ko naman kaming Final 14, may equal opportunities. Pero it's up to us na rin kung paano namin papagandahin ang pangalan namin sa industry, kung paano namin sisiguraduhin na magma-mark yung pangalan namin sa showbiz industry."

Dagdag ni Rocco, "On my part naman, ibibigay ko yung best ko para maipakita sa Artist Center na yung time and efforts and pera nila sa pag-invest sa akin ay worth it, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE WORKSHOPS VS. IMMEDIATE EXPOSURE. During the contract signing ng StarStruck Final 14 ay nag-imbita rin ang GMA Artist Center ng select members of the entertainment press, kabilang na ang PEP. Isa sa mga napag-usapan sa open forum ay ang pagbibigay ng projects at exposure sa bagong contract artists ng talent arm ng GMA-7. Nag-aalala kasi ang karamihan ng press people na baka matulad lang ang bagong batch na ito ng StarStruck sa ibang contract stars ng Artist Center na hindi masyadong nabibigyan ng projects dahil "nabantilawan" na ang mga ito sa kakulangan ng projects at exposure sa TV.

Ano ang opinyon ni Rocco tungkol sa bagay na ito? Tama bang dumaan muna ulit sila sa series of workshops, ayon na rin sa GMA Artist head na si Ida Henares, bago sila isabak sa iba't ibang programa ng GMA-7?

"Nakakatuwa yung mga sinasabi nila na gusto na nila kaming makita sa mga shows, di ba? It's nice to know na yun ang gusto ng mga tao, lalo na yung press. That's what they want to see, yung Final 14 na lumalabas sa mga shows. Kumbaga, parang may panlaban din sa kabila, di ba?

"Pero kung ia-analyze mo talaga, papasok ka nga sa isang show pero raw ka pa... baka masayang lang yung investments. So mas okay na prepared na pagpasok ng artist sa isang show, para sigurado kung ano ang ipapakita, tuluy-tuloy na 'yon, walang takot yung program na... wala silang kaba na baka mahina pa 'tong artist na 'to. Assured na silang competent 'tong artist na 'to," pahayag ni Rocco.

Pero hindi pa ba sapat ang apat na buwang inilagi nila sa StarStruck V kung saan sumabak na sila sa iba't ibang workshops o artista tests?

"Para sa akin, actually puwede na, e," pagsang-ayon ni Rocco. "Pero I think Artist Center just want us to be prepared lang naman. Although, ang totoong nakinabang dun sa StarStruck is yung Final 5. We got the most out of StarStruck... I think it's better kung dumaan muna po kami ng workshops."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Final 5 na tinutukoy ni Rocco ay ang Ultimate Survivors na sina Steven Silva at Sarah Lahbati, ang First Prince na si Enzo Pineda, ang First Princess na si Diva Montelaba, at siya mismo bilang Second Prince. Kumpara sa ibang nakapasok sa Final 14, nanatili ang Final 5 sa reality-based artista search ng GMA-7 mula umpisa hanggang wakas.

Sa kabila nito, naniniwala si Rocco na handa na rin siya kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon na isabak sa kahit na anong project na ibibigay sa kanya ng Kapuso network.

"Sa tingin ko na-hone na rin yung skills ko," sabi niya. "In my opinion, I feel ready na po. Kasi with the passion, yung drive and determination that I have, tapos na-hone pa lalo yun ng StarStruck, tingin ko nga po, ready na po akong sumabak sa showbiz industry.

"Tingin ko sa mga guestings namin, so far, we've been hearing really good comments naman po. Kaya tingin ko po it's time to expect kung anong meron kami sa pag-expose sa amin sa mga shows."

DREAM PROJECTS. Sa ngayon, ang sigurado pa lang daw na project na kabibilangan ni Rocco at iba pang StarStruck V graduates ay ang bagong Sunday musical-variety show ng GMA-7, ang Party Pilipinas, na papalit sa SOP.

"Ako, very excited po akong mag-Party Pilipinas kasi regular po ako doon. Maganda po yung segment ko doon," sabi ni Rocco.

Nabanggit din ni Rocco sa PEP na nag-audition siya para sa isang role sa afternoon soap ng GMA-7 na Gumapang Ka Sa Lusak, na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Ayon pa sa kanya, kasama niyang nag-audition sina Enzo at Steven.

"Hopefully, makuha ko po yung role na 'yon," asam ni Rocco.

Ang role na tinutukoy ni Rocco ay ang young attorney na makaka-love triangle nina Jennylyn at Dennis. Ito ang role na nabalita noon na mapupunta sa kanya bago pa man ang Final Judgment ng StarStruck V.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga po, doon ko na-realize na rumors lang po talaga!" medyo natawang sabi ni Rocco. "Kasi we had to audition pa for that role, na nasa balita na ito yung role na ibibigay sa akin—that's what we auditioned for. Kaya I had to work for it pa. Pero nakapag-audition kami, it was okay naman. Masaya naman ako sa performance ko. So hopefully makuha ko po yung role."

Anong genre ba talaga ang gusto niyang pasukin?

"Gusto ko po talaga action-drama. So, kung merong show na gusto kong masalihan ngayon, e, di Panday Kids. Tapos yung Gumapang Ka Sa Lusak na rin po kasi mati-test po talaga yung acting skills ko dun. So, gusto ko talaga 'yon."

COSMO HUNK. Nang makausap ng PEP si Rocco ay kararating lang niya mula sa Matabungkay beach resort sa Batangas para sa pictorial niya sa Cosmopolitan magazine, kung saan siya ang featured Cosmo Hunk of the Month. Lalabas daw ang naturang pictorial niya sa April 2010 issue ng Cosmopolitan.

Excited na raw si Rocco sa paglabas ng pictorial niya para sa Cosmopolitan. "At the same time, parang ang sarap ng feeling dahil ako pa lang po sa Final 5 ang nakagawa ng ganito," dagdag niya.

Dahil sa sexy pictorial niya sa Cosmopolitan, ibig bang sabihin nito ay kasali na siya sa Cosmo Bachelor Bash this year? Last year kasi ay rumampa ang mga kapwa Kapuso stars niyang sina Aljur Abrenica, JC Tiuseco, Akihiro Sato at Daniel Matsunaga.

"Ang alam ko po itong ginawa naming Hunk of the Month, kasama din yata sa cosmo.tv, dun sa Internet. Yung mga fans, they'll get a chance to vote kung sino talaga ang gusto nilang masama sa Cosmo Bachelor Bash... Sana makasama po ako sa list. Siyempre ipa-plug ko po palagi yun para iboto po nila ako. Pero I'm sure maganda yung mga pictures. Nakita ko po kanina, ang ganda ng mga kuha," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat hindi pa nagsisimula ang Party Pilipinas ay punung-puno na ang schedule ni Rocco at ilang kasamahan niya sa Final 5 dahil sa guestings, mall shows, pictorials, at personal appearances. Gaya na lamang nitong araw, March 13, maaga pa lang ay nagpunta na sila sa GMA Network Center, tapos ay didiretso sila sa Robinson's Galleria para sa autograph signing, at pagkatapos nito ay babalik sila sa GMA para sa guesting nila sa Walang Tulugan ni Kuya Germs.

How is he coping with the busy schedule?

"I look forward to being busy!" tawa ni Rocco. "Hindi ko po alam pero hinahanap-hanap ko po yung may ginagawa lagi. Gusto ko lang productive lagi sa mga ginagawa. Katulad po kanina, may pictorial po ako sa Cosmo. Although it took the whole day, masaya ako kasi may trabaho akong ginawa."

BIRTHDAY BOY. Sa March 21 ay magdiriwang na si Rocco ng kanyang 23rd birthday. Ito rin ang magsisilbing first birthday niya bilang isang artista.

Ang gusto sana ni Rocco ay makapiling niya ang kanyang pamilya sa espesyal na araw na 'yon. Bukod kasi sa birthday niya ay family day rin ito dahil Linggo natapat ang kanyang kaarawan. Pero sa gabi ay kailangan niyang magpunta sa Tarlac para sa isang show kaya magtatrabaho pa rin siya kahit birthday niya.

Ano naman ang kanyang birthday wish?

"Wish ko po for the whole year, sobrang daming projects na dumating—projects and endorsements. And sana everything will go smoothly, magkaroon ng teleserye... Sana gumaling ako lalo para magkaroon ng movie... alam n'yo yun? Sana yung career path ko, paangat," excited niyang sabi.

Dagdag ni Rocco, "Siyempre, birthday wish ko na rin na good health. Lalo na po 'yon dahil very stressful na po yung nangyayari sa akin kahit nagsisimula pa lang ako. Sana ma-bless ako ng good health para makayanan ko lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN