Allan K defends fellow stand-up comedian Vice Ganda on "mayabang issue"

IMAGE 0


"Siguro, projection lang 'yan ni Vice sa TV kasi para magtaray ka, magbigay ka ng comment sa contestant, kailangan credible ka rin, e. So, dapat medyo may yabang at authority, di ba? Kung host siya siguro, magpapakumbaba rin 'yan. Ganun siguro ang dapat na imahe niya," says Allan K (in photo) about Vice Ganda.


Ayaw pangalanan ng TV host-stand-up comedian na si Allan K ang isang komedyana na nanggagaya raw sa kanyang mga materyales sa show.

"Huwag na...baka umiyak na naman sa akin yun," iwas ni Allan K nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Klownz Quezon Avenue noong Linggo ng madaling-araw, March 14.

Kuwento ng Eat Bulaga! co-host, nang magsama raw sila sa isang ng show ng naturang komedyana ay kinumpronta niya ito. Sinabihan niya raw ang komedyana ng: "Babaeng Allan K ka pala. Ang ako'y ikaw."

Mabilis naman daw ang sagot ng komedyana sa kanya: 'Hayaan mo...mayaman ka na, e."

Ang sagot naman daw ni Allan ay hindi dapat ganoon dahil pinag-isipan niya kung ano ang mga ginagawa niya sa entablado.

"Hindi mo maiwasang gumaya, pero huwag namang itodo. Siguro yung pasundot-sundot na makakagaya ka, okay lang. Pero kung yung buong material ng Miss Universe, isang buong module yun, e, isang buong Philippine Airlines na joke, commercials, skit yun. Pag ginaya 'yan, alam mo na at wala ka namang kadeli-delicadeza. Kung magaling ka, sisikat ka, huwag kang mangopya," saad niya.

VICE GANDA. Ano naman ang masasabi niya sa kapwa niya stand-up comedian na si Vice Ganda na sikat na ngayon? Naramdaman ba ni Allan ang sinasabi ng iba na "yumabang" at "feeling Diyosa ng telebisyon" ngayon si Vice sa Showtime ng ABS-CBN?

"Ako, masaya para sa kanya," sabi ni Allan."Yumabang ba si Vice? Hindi naman siguro. Naging papel lang niya talaga na mang-okray. Parang si Simon Cowell ng American Idol. Nakasama ko si Vice... First time kaming magkita mula nung mag-Showtime siya sa volleyball. Hindi naman siya nagbago. Siya pa nga itong unang nambati at nagyakapan pa kami.

"Siguro, projection lang 'yan ni Vice sa TV kasi para magtaray ka, magbigay ka ng comment sa contestant, kailangan credible ka rin, e. So, dapat medyo may yabang at authority, di ba? Kung host siya siguro, magpapakumbaba rin 'yan. Ganun siguro ang dapat na imahe niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagkukumpara rin kina Vice at Rosanna Roces pagdating sa pagku-comment na nega ang dating. Ano ang masasabi ni Allan K dito?

"Hindi naman. Pang-comedy bar lang yung kay Vice. Yung teacher-teacher kay Osang, napanganga ako. 'Oh, no! May mararating ito. May paglalagyan ang episode na ito.' Basta ako, natutuwa ako pag galing sa comedy bars ang sumisikat. At pag gay comedian ka, dapat lovable ka, hindi ka dapat nega," sabi niya.

Naniniwala ba siya na kinabog na ni Vice sina Pooh at Chokoleit?

"This time, yes," sagot ni Allan K. "Ano lang naman 'yan, kung sino ang hot...kung sino ang bago. Yun lang naman, e. Pero magse-settle din ng konti 'yan. Lahat ng komedyante, ganun. Dadaaan pag bago ka...sasabog...bang! Tapos ime-maintain mo na lang."

Ano naman ang masasabi niya na natalbugan na raw ng Pinoy Big Brother Double Up winner na si Melai Cantiveros si Pokwang?

"Ay, hindi totoo," opinyon ni Allan. "Iba ang angking talino ni Pokwang. Si Melai, more on charm. Charming yung babae. Si Melai ay natural comic. Hindi siya nagpapatawa, actually, yung siya ang nakakatawa, cute! Si Pokwang, may material."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN