Krissa Mae Arrieta denies intrigue that Bb. Pilipinas-International title was promised to her

IMAGE 0


"Kasi kung ipinangako na po yun sa akin, dyusko, hindi na po ako nagkandahirap-hirap para mag-train, para mag-practice. Siyempre, makikita rin yun ng mga tao kung deserving ako o hindi. And, hopefully, nakita rin naman ng tao na deserving naman ako sa title ko," says Krista Arrieta Kleiner, or Krissa Mae, about reports that she joined Binibining Pilipinas because she was already promised a major title.


Hindi maalaala ng Bb. Pilipinas-International 2010 na si Krista Arrieta Kleiner—o mas kilalang Krissa Mae sa showbiz—kung kailan talaga nagsimula ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Jay-R.

"Wala kasing specific date. Parang alam n'yo na po kung kailan lumabas yung isyu na nagde-date kami, na inaamin na po namin na lumalabas kami, pero wala namang official date na, 'Uy, tayo na starting today.' Basta na-feel na lang namin yun, e," paliwanag ng TV personality turned beauty queen nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Walang Tulugan With The Master Showman noong Sabado, March 13.

Hindi ba mahirap na wala silang anniversary?

"Hindi po... Parang from the beginning na kami ay nag-date, every day ay parang anniversary na sa amin!" natatawang sagot niya.

Nilinaw rin ni Krissa Mae ang tsismis na nagli-live-in na raw sila ni Jay-R.

"Hindi po yun totoo," tanggi niya. "I mean, siyempre minsan pupunta ako sa bahay nila, kakain kami. Minsan, pupunta siya sa bahay ko, tsika kami, nood kami ng movie. Pero hanggang dun lang po."

Hindi natutulog si Jay-R sa bahay niya?


"Wala po...wala po. Magagalit po ang nanay ko. Pilipina ang nanay ko. Alam n'yo na po, medyo conservative po sila," sabi ng Fil-Am beauty queen.

Number one lucky charm daw ni Krissa Mae si Jay-R kaya nanalo siyang Bb.Pilipinas-International. Noon ngang coronation night ng Binibining Pilipinas 2010 last March 6 sa Araneta Coliseum ay all-out ang suporta ni Jay-R para kay Krissa Mae.

"Nandun din ang mom ko. Magkatabi sila. Siguro yung space nilang dalawa, yun ang lucky charm ko. I feel so special, so lucky. He's so great, amazing guy. He' so supportive," sambit pa niya.

PROMISED TITLE? Hindi na bago ang mga intriga tuwing isinasagawa ang Binibining Pilipinas. Nariyang may mga manok na raw ang Bb. Pilipinas Charities kung sino ang mananalo. Sa kaso ni Krissa Mae, may usap-usapan na ipinangako na raw sa kanya ang Bb. Pilipinas-International title kaya siya sumali. Ano ang masasabi ni Krissa Mae rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po yun totoo," mariing tanggi niya. "Kasi kung ipinangako na po yun sa akin, dyusko, hindi na po ako nagkandahirap-hirap para mag-train, para mag-practice. Siyempre, makikita rin yun ng mga tao kung deserving ako o hindi. And hopefully, nakita rin naman ng tao na deserving naman ako sa title ko."

Na-offend ba siya sa rumor na yun?

"Hindi po," sagot ni Krissa Mae. "Siguro kung wala ako sa showbiz, baka ma-offend ako ng konti. Kahit paano po nasanay ako sa showbiz na laging may intriga. Ang iniisip ko na lang na pag may nang-intriga sa akin, that means interesado sila sa buhay ko. So, thank you na lang sa kanila."

Nakarating din ba sa kanya ang intrigang ito bago ang coronation night?

"May binabanggit sa akin that time, pero sobrang concentrated po ako sa pageant. Ayaw ko nang pakinggan ang ibang sinasabi ng tao. Basta ginawa ko ang the best ko and see what happens. Basta nakatulong din 'yan para ma-inspire ako para patunayan sa kanilang lahat na kaya ko."

Nakatulong ba ang pagiging Kapuso star niya kaya nanalo siya?

"Hindi naman po. Hindi naman nakatulong yun sa judging. Siyempre, iba-iba po ang mga judges—may mga foreigners, may mga ambassadors, may-ari ng mga hotel...hindi ko sila mga kilala. At iba po ang training namin," saad ni Krissa Mae, na napanood sa mga programa ng GMA-7 gaya ng Darna, Gagambino, at SOP.

Ayon kay Krissa Mae, inihahanda na raw niya ang kanyang sarili ngayon para sa Miss International beauty pageant na gaganapin sa Japan later this year. Pinapanood daw niya ang mga DVD ng naturang international beauty pageant. Kinakausap na rin daw niya ang mga dating Miss International na sina Melanie Marquez at Precious Lara Quigaman para makakuha ng pointers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN