Joyce Jimenez still hot and sexy even after giving birth

IMAGE 0


"Pantasya ng Bayan" Joyce Jimenez met with PEP and other members of the entertainment press yesterday for an intimate lunch. Joyce brought her five-month-old baby Jorja.


Umuwi ng Pilipinas ang dating sexy star na si Joyce Jimenez, kasama ang five-month old baby girl niyang si Jorja, last February 24.

Halos hindi nagbago si Joyce. Sexy pa rin at parang hindi tumatanda nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kahapon ng tanghali, March 18, sa Via Mare restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon sa mga unang nakakita kay Joyce, hindi pa rin nagbabago ang maganda niyang katawan at siya pa rin ang original na "Pantasya ng Bayan."

"Of course, hindi naman dahil may baby na ako, pababayaan ko na ang katawan ko," nakangiting wika ni Joyce. "And maybe dahil I'm breastfeeding Jorja until now kaya hindi ako nag-gain ng weight."

Jorja was born on October 16, 2009, three days before Joyce's birthday. Bakit hindi pa niya isinabay sa birthday niya ang pagsisilang kay Jorja?

"Actually, October 19 talaga ang due date ko, pero ayoko namang magbi-birthday ang anak ko na kasabay ko. Gusto ko, may sarili siyang birthday. Sinabi ko 'yon sa doctor ko at sabi niya, puwede raw niya ako i-induce kung gusto ko para ahead akong mag-deliver sa due date ko. Hindi ako pumayag, afraid ako na baka may mangyari sa baby. Kaya naglakad ako nang naglakad, nagtrabaho sa bahay... Kaya October 15 pa lang, nagle-labor na ako. Early morning of October 16, nandiyan na si Jorja," kuwento ni Joyce.

Kumusta naman si Jorja?

"Ang bait-bait niya, lagi siyang nakatawa," sambit ni Joyce. "Pero medyo nag-worry ako na kami lang dalawa ang nagbiyahe from San Diego, California. Baka manibago siya sa flight. But, thank God, ang bait-bait niya. Sleep and eat lang siya throughout our flight. She's eating na rin kasi solid food, rice, sweet potatoes, carrots. Madali rin siyang naka-adjust dito. Now, she's starting to teeth kaya laging nakasubo ang hand niya sa mouth niya. She's also trying to sit up on her own."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TV GUESTINGS. Wala na ba siyang balak balikan ang showbiz?

"Na-miss ko talaga ang showbiz dahil almost two years din akong nasa States, before and after giving birth to Jorja. TV guestings lang. Last Tuesday, nag-guest na ako sa Talentadong Pinoy as one of the judges at sa Juicy sa TV5. Medyo nanibago rin ako sa taping, parang mas nahirapan akong mag-Tagalog. Wala naman kasi akong makausap ng Tagalog sa States. But later on, nasanay na rin ulit ako mag-Tagalog," saad ng aktres.

Binanggit din ni Joyce na ngayong araw, March 19, ay magte-taping siya para sa Full Time Moms ng Q Channel 11. "May iba pang offer na TV guestings, kaya happy ako, si Jorja lagi ko siyang kasama," dagdag niya.

Isa pang dahilan ng pagbabalik ni Joyce sa Pilipinas ay ang kanyang lingerie business na Private Joyce. Kumusta naman ang kanyang business?

"Oh, it's doing very well kasi maayos naman ang direct selling under Ever Bilena. Maganda ito kasi hindi ako nagwu-worry, lalo pa't ang daming competition. Dito ang Ever Bilena na ang nag-aasikaso sa lahat."

JOYCE'S HUSBAND. Kumusta naman ang mister niyang si Paul Eli Egbalic? Tapos na ba ang military training nito?

"He's now a Federal Officer in San Diego, California where we have our house. Sa kanyang work, tuloy pa rin ang mga trainings niya. Sa April 13, uuwi rin siya dito para sabay na kaming babalik sa States sa April 21."

E, di mami-miss na naman niya ang Pilipinas?

"Philippines is really my home. Nandito ang friends ko and I love showbiz. Twelve years din kasi ako dito. Paul is very supportive naman kaya every now and then, babalik pa rin kami dito," sabi ni Joyce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN