Diether Ocampo supports decision of girlfriend Rima Ostwani to enter showbiz

IMAGE 0


"Nakasuporta naman ako kung anuman ang plano niya. At this point, wine-welcome ko kung ano ang mga plano niya, very supportive naman ako. Nakikita ko na sa edad niya, marami siyang kayang patunayan kasi she's very mature, magaling, and nag-e-excel siya sa lahat ng gusto niyang gawin," says Diether Ocampo about girlfriend Rima Ostwani.


Nang mabalita noon ang muntik-muntikanan nang breakup ni Diether Ocampo at ng non-showbiz girlfriend nito na si Rima Ostwani, may mga naghinala na baka ang dahilan nito ay hindi naiintindihan nang lubusan ni Rima ang mundong ginagalawan ni Diet as a showbiz personality.

But now that Rima is also planning to enter show business through hosting, suportado kaya ni Diether ang desisyong ito ng kasintahan?

"Nasa kanya naman yun," sagot ni Diether sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nakasuporta naman ako kung anuman ang plano niya. At this point, wine-welcome ko kung ano ang mga plano niya, very supportive naman ako. Nakikita ko na sa edad niya, marami siyang kayang patunayan kasi she's very mature, magaling, and nag-e-excel siya sa lahat ng gusto niyang gawin. She wants to try newscasting, and kung may opportunity na bigyan siya ng pagkakataon na mag-host."

Aprubado rin daw kay Diether na ang talent manager na magha-handle sa career ni Rima ay walang iba kundi si Boy Abunda.

"Oo naman, bakit naman hindi? Wala namang hindi close kay Tito Boy. Kay Tito Boy lagi mong mararamdaman na Kapamilya ka talaga kahit hindi kayo nagkikita," sabi ng aktor.

RUBI. Kabilang si Diether sa primetime series ng ABS-CBN na Rubi, kung saan kasama niya sina Angelica Panganiban, Shaina Magdayao at Jake Cuenca. Masaya raw ang aktor sa magandang ratings ng kanilang programa.

"Nakakatuwa kasi, siyempre, yung mga pinagpaguran namin ng ilang buwan, nagbunga na. It's worth the wait. Lagi ko namang sinasabi, bilog ang mundo. Naniniwala ako na kung sino ang nasa itaas minsan, saan ka ba pupunta kundi pababa? At yung mga nasa baba, wala kang ibang pupuntahan kundi aakyat ka," saad niya.

Ayon pa sa aktor, kampante siya na tatangkilikin talaga ng mga tao ang Rubi dahil sa ganda ng pagkagagawa nila ng remake ng nasabing Mexican telenovela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ganda ng mga ginagawa nating mga teleserye, imposibleng hindi mag-rate, di ba? Sa paggawa ng ABS ng proyekto, garantisadong binusisi nang mabuti. At the same time, parang gusto mong higitan ang mga original na naunang ginawa."

CHARITY DRIVE. Tungkol naman sa KIDS Foundation, sinabi ni Diether na patuloy pa rin ang magaganda nilang mga proyekto para sa mga kabataan, gaya ng pagsasagawa nila ng medical and dental mission sa mga kababayan natin sa malalayong probinsiya.

"Mayroon kaming isasagawa na charity drive sa Bukidnon starting today till March 22, iniimbitahan ko ang lahat sa medical and dental mission namin. Charity treat ko ito before the schoolyear starts. May isinasagawa kaming distribution ng mga gamit sa eskuwelahan. At the same time, isinasabay nga namin ang medical and dental mission. Limang taon na naming ginagawa ito sa KIDS Foundation."

Ibinalita rin ni Diether sa PEP na may tinapos siyang isang indie film, ang Slow Fade, kung saan kapareha niya si Precious Lara Quigaman.

"Entry ito sa Cine Mabuhay," banggit niya. "An award-winning script under the direction of Rommel Sales, isang batikang cinematographer. This is his first directorial job and produced by Albert Martinez."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN