Friends defend Angel Locsin against "wild and lasenggera" issue

IMAGE 0


"I can vouch for it. I can bet everything that I have. Hindi siya lasenggera. She's not alcoholic. I know that for a fact. People close to her, people who know her, and her fans know that hindi siya ganun," says Luis Manzano about ex-girlfriend Angel Locsin (in photo).


Sa kabila ng magagandang mga balita tungkol sa kanyang career at charity works, hindi pa rin nakaliligtas sa mga mapanirang intriga si Angel Locsin tungkol sa kanyang pagkatao.

Naging sentro ng pagbabalita sa The Buzz last Sunday, March 21, ang tungkol sa usap-usapan ngayon na si Angel daw ay nagiging "wild" na. Sa mga lumabas na balita sa tabloid, naglayas diumano ang aktres. Madalas din daw itong nakikitang gumigimik at naglalasing.

Sa isang showbiz website, hindi ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabing lagi raw nakikita si Angel na umiinom sa iba't ibang bars, kasama ang kanyang mga kaibigan at ang vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. Umabot na raw sa puntong si Angel ay nilayasan na raw ng kanyang personal assistant dahil sa paglalasing nito.

Sa isang tabloid naman, pumutok ang isa pang isyu na si Angel diumano'y naglayas. Ayon sa artikulo, umalis daw sa bahay nang walang paalam si Angel noong March 15, sakay ng isang taxi. Sa airport daw dumiretso ang aktres para lumipad papuntang Hong Kong. Pero sa Twitter update ni Angel ng araw na 'yon, siya raw ay nasa bahay at kasalukuyang nagdye-general cleaning.

Sa isa pang tabloid, isang source daw ang nakapagsabi sa kolumnista na ang dahilan daw ng diumano'y paglalayas ni Angel ay ang hindi maayos na paghihiwalay nila ng dati niyang manager na si Becky Aguila.

Sa gitna ng mga mapanirang balitang ito at ng pananahimik ni Angel, walang tigil naman ang pagbuhos ng opinyon ng iba't ibang tao sa iba't ibang forum at social networking site sa Internet, kung saan halos lahat sumusuporta at nagtatanggol kay Angel.

Ayon sa ibang comments, normal lang daw na magkaroon ng ganitong paninira sa isang taong sikat at puno ng blessings katulad ni Angel. Ang iba naman ay pinagtatawanan na lang ang isyu at sinasabing wala na raw ibang maisip ang mga gustong manira kay Angel kaya kung anu-ano na lang ang ipinagkakalat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FRIENDS TO THE RESCUE. Ang mga kaibigan naman ng aktres sa showbiz ay mabilis na dinepensahan si Angel nang malaman ang isyu.

Cristine Reyes: "Actually, si Angel and si Bubbles [Paraiso], silang dalawa yung sobrang maalaga sa sarili nila. So, hindi ko alam kung bakit sila naiisyu ng ganun."

Valerie Concepcion: "Mabait si Angel. Dyusko, sa tinagal-tagal na magkakilala kami never ko naman siyang nakitang nalasing!"

Luis Manzano: "I can vouch for it. I can bet everything that I have. Hindi siya lasenggera. She's not alcoholic. I know that for a fact. People close to her, people who know her, and her fans know that hindi siya ganun."

Kung ang mga kaibigan at malalapit na tao kay Angel ay nagsalita na upang ipagtanggol siya, hanggang ngayon naman ay nananatiling tahimik si Angel tungkol sa mga bagong paratang sa kanya.

Bukas ang PEP sa kung anumang pahayag ni Angel tungkol sa mga panibagong isyu na ipinupukol sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN