ELECTION WATCH: VP candidate Edu Manzano unaffected by pre-election surveys.

by Nerisa Almo
Mar 24, 2010
"I don't believe in surveys. It's just a guide. Pero maraming instances in the past which have proven na hindi ganun ka-accurate 'yong mga sinasabi sa surveys," stated Edu Manzano about the pre-election survey results, which showed he only placed fifth among the eight vice presidential candidates in the coming May 2010 elections.

"I don't believe in surveys. It's just a guide."

Ito ang naging opinyon ng actor-TV host at ngayo'y tumatakbo bilang pangalawang pangulo na si Edu Manzano tungkol sa mga lumalabas na election surveys.

Ayon sa pinakahuling pre-election survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Pebrero 21-25, nanatili sa ika-limang puwesto ang dating Pilipinas, Game KNB? host. Ang mga nauna sa kanya, ayon sa pagkakasunod-sunod, ay sina Senator Mar Roxas III, ex-Senator Loren Legarda, Makati Mayor Jejomar Binay, at dating chairman ng Metro Manila Development Authority na si Bayani Fernando.

Ganito rin ang naging resulta ng Business World-Social Weather Stations pre-election survey na isinagawa noong Pebrero 24-28.

Sa kabila nito, hindi naman ito masyadong iniisip ng dating vice mayor ng Makati. Para sa kanya, "It's only surveys, and surveys can change. Ang tao na-survey kahapon, maaaring bukas iba na ang naiisip. Ganun ka-volatile ang survey, e."

Nabanggit din ni Edu na may mga pagkakataon na sa mga nakaraang eleksyon na "hindi ganun ka-accurate 'yong mga sinasabi sa surveys."

Continue reading below ↓

Sa halip na magpaapekto sa mga ganitong surveys, nais na lamang daw pagtuunan ng pansin ni Edu ang kanyang pangangampanya sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

BETWEEN FORA & FORAYS. Ang kanyang puspusang pangangampanya naman ang ibinigay na dahilan ni Edu kung bakit hindi niya nagagawang lumahok sa ilang mga pampublikong debate, lalo na sa telebisyon at radyo.

Aniya, mas binibigyan nila ng pansin ang pagpunta sa iba't ibang rehiyon ng bansa upang personal na makausap ang ating mga kababayan.

"'Yong iba diyan, walang access sa mga pahayagan, tabloid or broadsheets, at umaasa lamang sa mga local leader. So, this is a better opportunity para namin mai-forgo ang aming mga kampanya, platforms, at ang aming mga programs," paliwanag ng dating chairperson ng Optical Media Board.

Dagdag pa ni Edu, "Well, sometimes kasi kailangan mong timbangin, e. Minsan, ang mga local leaders inaasahan mo talaga na tutulong sa iyong kandidatura—siya 'yong gagastos at tutulong mag-ayos ng mga tao. Kailangan mo talagang pagbigyan.

Continue reading below ↓

"While the debates are important, pagdating sa mga region, pagdating sa mga probinsiya, these debates will not address their primary concerns. I mean, they want to talk to you nang harap-harapan. Gusto ka nilang tanungin kung paano mo sila matutulungan. Hindi nila nakukuha sa panonood ng mga debates. So, sometimes it's a very tricky situation. Kailangan kong tingnan kung saan mas matimbang."

Mahalaga rin umano na alamin kung ano ang mas bibigyang importansiya lalo pa't magsisimula na rin ang kampanya para sa lokal na eleksyon.

"'Yong iba naman, papasok na kasi 'yong local elections, e. So, marami na kaming napangakuan na local politicians na kami ay dadalo. So, it's either you disappoint the network or you disappoint the local leaders," ani Edu.

Kinuha rin ni Edu ang oportunidad na ito upang linawin na wala na wala pa talagang pormal na pampublikong debate ang nagaganap. Aniya, "I think we should correct 'yong sinsabing 'debate.' I have yet to say debate on television. Wala pang debate, these are forums lang."

Continue reading below ↓

Diin pa ng aktor, "The debates or the so-called debates have not actually helped anybody's kandidatura, e. Wala kang makikitang pumitik pataas."

ON TV ADS AND RADIO SPOTS. Kapansin-pansin na isa rin ang Gilbert "Gibo" Teodoro-Edu Manzano tandem sa mga tambalan na tatakbo bilang pangulo at pangalawang pangulo na madalang ang patalastas sa telebisyon at radyo.

Hindi tulad ng ibang nagnanais maging lider ng bansa, mas pinili ng Lakas-Kampi-CMD na bawasan ang kanilang mga commercial. Inulit ni Edu na mas mainam pa rin ang personal na pagbisita sa iba't ibang rehiyon ng bansa.

"Based on our regional surveys, it's more effective," aniya. "Maraming probinsiya talaga hanggang ngayon na isa o dalawang istasyon lang ang malinaw. Most of the time, it's radio naman talaga. Pero doon sa sinasabi nga na regional surveys and provincial surveys, mas masasabing accurate 'yan, e. Kasi, magkakaiba ang concern ng mga probinsiya. Every region has its own areas that they want addressed, e.

Continue reading below ↓

"Not only that. Nile-leave ko rin sa mga experts, na sinasabi nila na ang mga tao, may 'ad fatigue' na ngayon, pagod na. Kaya hindi nakakatulong 'yong buhos ng pera into commercials. Hindi gumagalaw ang numbers nila, ganun pa rin."

Hindi rin alintana ni Edu kung punahin sila ng mga tao sa hindi masyadong paggastos para sa kanilang pangangampanya.

Ayon kay Edu, "We're very, very comfortable na, sige, batikusin n'yo kami for not spending money on commercials, kulang kami sa radio spots. Sabi nga nila, it's a matter of message and timing. So, bibigay lang namin ang mensahe namin. May ilang mga commercial diyan na pinagkagastusan na pumalpak. Imbes na nakatulong, nakasama pa sa mga candidates.

"So, we're revisiting 'yong mga nagawa naming commercials and even mga radio spots. 'Yan ba ay madaling intindihin ng mga tao, nasasagot ang mga hinihingi ng tao, problema...?"

Sa ngayon, naniniwala si Edu na nagkaroon na ng pagbabago sa bilang ng mga taong naniniwala sa kanilang dalawa ni Gibo. Aniya, "We'd like to believe na nag-i-improve. I mean, nakikita namin sa mga lugar at taong aming pinupuntahan. At the same time, malapit nang magsimula 'yong local campaign, kung saan 'yong local leaders namin ang nagsasabi kung sino ang dapat iboto."

Continue reading below ↓

CLICK HERE to read more election-related articles.

Read Next
Read More Stories About
Edu Manzano
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I don't believe in surveys. It's just a guide. Pero maraming instances in the past which have proven na hindi ganun ka-accurate 'yong mga sinasabi sa surveys," stated Edu Manzano about the pre-election survey results, which showed he only placed fifth among the eight vice presidential candidates in the coming May 2010 elections.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results