Drew Arellano to share interesting facts and trivia in new show AHA!

IMAGE 0


TV host and triathlete Drew Arellano will host the new GMA-7 show, AHA! this coming April 4, Sunday. "It's an edutainment show," Drew introduced his new show. "It's a show that features interesting trivia, facts, and a lot more. It's educational and at the same time, entertaining." The show will also feature Drew's adventurous and athletic side as he attempts to break a world record.


Kilala bilang makulit pero charming na Unang Hirit at Balikbayan host, may bagong show si Drew Arellano sa Kapuso network na tila swak na swak sa personalidad niya.

Ito ang AHA! "It's an edutainment show," pakilala muna ni Drew sa kanyang bagong show nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 24, sa press conference na inihanda para sa kanya sa Crustasia, Trinoma mall, Quezon City. "It's a show that features interesting trivia, facts, and a lot more. It's educational and at the same time, entertaining."

Kilala bilang adventurous biyahero, handa si Drew na pumunta kung saan-saan at subukan ang kahit na ano, for the sake of learning and fun. "I've always been like that, I like discovering things. I love traveling and trying out all sort of things. I love talking to locals. Ganun nga ang trabaho ko sa Unang Hirit, di ba? And that's what I do in Balikbayan, too, for five years. So I think, this show, it's also a mixture of traveling and discovering."

Higit pa sa pagdidiskubre, pagbibigay ng mga impormasyon at pagbibiyahe sa mga interesting na lugar, magpapakita rin ng pagiging adbenturero at athletic ni Drew.

"For example, for the second episode, kasi, it's inter-connected, e. In the first episode kasi, we'll feature cloud seeding and for the intro of the second episode, we'll shoot with me jumping off the plane, skydiving and then when I land, I'll say my spiels. 'Tapos pag mali, ulit uli. Malaki budget namin, e," patawa ni Drew. But seriously, kahit na first time gagawin ni Drew ang skydiving, handa naman daw siyang i-take ang challenge na ito dahil na rin sa pagiging fit niya.

Isang tri-athlete kasi si Drew. Sa sport niyang triathlon, tatlong sport disciplines ang ginagawa to compete: biking, running and swimming. "We'll also feature this sport in the show. Especially, running. Well, running now is the new badminton. Everybody is into running. Piolo Pascual is into running, Edu [Manzano] is running, Manny Villar is running," tuluy-tuloy na biro pa ni Drew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BREAKING A RECORD. Dapat daw abangan sa AHA! ang pagbi-break ni Drew ng isang record. "Ay...baka i-feature pa ito ng Pinoy Records, baka pati kabila [ABS-CBN] kunin pa. Baka imbitahin pa naming ang Guiness World Record for this! Basta, I will attempt to break a record! I will risk my life for this. I might suffocate."

Nalaman later on ng PEP mula sa executive producer ng show at program manager na si Joy Marcelo na ia-attempt ni Drew na magsuot ng pinakamaraming T-shirts, all at the same time. "The current record is around 183 or 185 shirts yata. So, Drew will wear more than that," pahayag ni Ms. Joy.

Tinanong ng PEP si Ms. Joy kung bakit si Drew ang napili nilang nag-iisang host ng show. "Well, it's about time for him to have his solo show in GMA. He's been with Unang Hirit for a lot of years now. And he's very athletic, he's your English-Tagalog boy na ambilis maka-pickup. We believe in him, the News and Public Affairs [Department] believes in him.

"We think it's high time to give him his own show. He's very smart, aside from being good looking. He's also your kuya, your ulirang anak, your barkada. Because he's very friendly, he knows how to talk to people, especially kids, and walang matatakot sa kanyang makipag-usap at matuto, because he's very approachable. We believe it's easy to learn from him."

COMPARISON TO KUYA KIM. Sa napipintong bagong pagpapakilala ngayon kay Drew bilang "your all-around credible info guy," hindi mapipigil na maikumpara siya sa "trivia guy" naman ng kabila na si Kuya Kim Atienza. Ano nga ba ang edge niya rito?

"I'm young and athletic!" biro muna ni Drew na sinang-ayunan naman ng mga naroroong press dahil totoo namang mas bata nga si Drew kay Kuya Kim at athletic nga. "But seriously, I am a fan of Kuya Kim. I watch him. He's like... the new Ernie Baron!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But you know, I know I'm gonna be compared with him, and it's an honor. Pero I'll try to be different and do my best to be my own. I guess, yun nga, my edge over him is that I am younger and athletic," sagot ng boyfriend ni Iya Villania.

SETTLING DOWN WITH IYA. Naitanong din kay Drew kung may balak na ba sila ni Iya na lumagay na sa tahimik.

"In the future, siyempre. I also have plans of settling down. Pero sa ngayon, hindi pa kasi nagpo-propose si Iya, e. Wala pa akong natatanggap," patawa uli ni Drew. Pero seryoso raw talaga siya sa plano niya to settle down.

Pero magkakaroon ba sila ni Iya ng announcement o bibiglain na lang nila ang lahat na kasal na pala sila.

"Yun nga, wala pang proposal from Iya. Ha-ha-ha! Pero seriously, we'll get there," bitin na pahayag na lang ng binata.

For the show's first episode, kabilang sa mga ipi-feature nila ay ang El NiƱo phenomenon at kung saang lugar itinala ang pinakamainit na temperatura, ang evolution ng swimsuits, ang katotohanan tungkol sa ice cream, at kung sino ang pinakaunang Pinay na lumabas sa Playboy magazine.

Abangan ang lahat ng iyan sa in-announce ng GMA News and Public Affairs bilang "the most info-loaded show in television" na AHA! Ipalalabas ito sa darating na April 4, 10:30 a.m. sa GMA-7.

CLICK HERE to watch video clip of his interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN