Edu Manzano explains why son Luis is unable to join him in campaign sorties

IMAGE 0


"Not for anything else, Luis works six days a week, yung taping. Kaya hindi ganun kadaling hilahin and it's also by choice. Hindi pa naman kailangan. Hindi nga ibig sabihin na maraming endorsers ay nakakapag-translate into votes 'yan," says Edu Manzano about his son Luis. Edu is running for vice president in the 2010 elections.


Bagamat nakikita mo na ang kakaibang kaseryosohan at determinasyon ng actor-TV host na si Edu Manzano, na tumatakbo bilang vice president ngayong 2010 elections, nakakatuwa pa ring makausap dahil he always finds ways to make the conversation light and fun.

Contrary sa balitang hindi sila masyadong nangangampanya ni Gibo Teodoro, ang ka-tandem ni Edu bilang presidential candidate under the administration party, sinabi ni Edu na halos wala silang bakanteng araw o kahit oras man lang dahil sa paglilibot nila sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

LUIS HAS YET TO JOIN HIS SORTIES. Ayon pa kay Edu, sa mga pangangampanya na ginagawa nila ay wala silang bitbit na celebrity o artista na mag-e-endorse sa kanila ni Gibo. Kahit ang anak niyang si Luis Manzano ay hindi pa raw niya nakakasama sa pangangampanya.

"No, hindi na nga namin isinasama. Alam mo minsan, kapag sumasama ka sa mga ganung klase... Yung mga rally, puwede. Pero yung mga pagbibisita sa mga markets, nakakabagal lang," paliwanag ni Edu sa ipinatawag na press conference para sa kanya sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato noong Martes ng tanghali, March 23.

Nabanggit ni Edu na nakakasama niya minsan ang anak ni Senator Bong Revilla na si Jolo. Magka-tiket kasi sina Edu at Bong sa ilalim ng Lakas-Kampi-CMD. Pero mabilis namang ipinaliwanag ni Edu ang sitwasyon ng kanyang anak na si Luis.

"Not for anything else, Luis works six days a week, yung taping. Kaya hindi ganun kadaling hilahin and it's also by choice. Hindi pa naman kailangan. Hindi nga ibig sabihin na maraming endorsers ay nakakapag-translate into votes 'yan. Kaya kami ni Gibo, ang ginagawa namin, we put a premium dun sa personal na interaction," saad niya.

Naitanong din kay Edu kung ano ang reaction niya na sa TV ads ni Ralph Recto, na tumatakbo namang senador sa ilalim ng Liberal Party, ay kasama si Luis. Nagpaalam ba si Luis sa kanya tungkol sa paglabas nito sa campaign ad ng kanyang stepfather?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, never akong tinanong," pag-amin ni Edu. "And also at the same time, next month, magti-treinta anyos na si Luis...or 29 years old rather. I believe, he makes his own decision already. So, hindi na kailangang humingi ng permiso."

Napag-usapan din ang tungkol sa condo unit niya sa Renaissance na ibinigay na raw niya kay Luis. Natawa si Edu dahil tila nagustuhan nga raw ni Luis ang condo niya.

"No, hindi pa naman ibinibigay pero he is free to use it for as long as he wants," sabi niya. "Actually, ang nangyari kasi sa akin, first time kong pumunta sa isang bahay na walang garden. I guess, yung pagka-probinsiyano sa akin. Malaki ang unit, 250 square unit yung condo. I'm still the same old self na naghahanap ng garden.

"So, noong nakakita ako sa aking bagong nilipatan, hiningi ni Luis sa akin [yung condo]. Kung puwede diyan muna raw siya habang ang bahay sa Greenmeadows, e, being subjected to renovation. Lately nga, biglang tumahimik, e. So, may kutob ako na baka hindi na niya lalayasan ang bahay ko!" natatawa niyang sabi.

"Actually, all of my children will be taken care of," pahabol pa ng dating vice mayor ng Makati at OMB chairman.

VICE-PRESIDENTIAL FORUM. Sinagot din ni Edu ang tungkol sa hindi niya pagdalo sa naganap na vice-presidential forum sa ABS-CBN, ang Harapan, noong Linggo ng gabi, March 21.

"I was in Dagupan, Pangasinan, Tarlac," paliwanag ni Edu. "Matagal nang nakaplano talaga yung sked na yun. At saka unang-una, hindi nga yun debate. Pangalawa, it wasn't even a forum. Actually, it was nga pambabato ng mga bricks...siraan. In a way, marami rin ang tumawag sa akin at nagsabing, 'Mabuti na lang hindi ka nagpunta.'

"Well if you noticed, talagang nire-raise namin yung level of campaign ni Gibo. If you noticed, never ho kaming nanira. But you know, when you are in the province kasi, kung tutuusin, walang impact sa probinsiya yun [forum]. In the province, gusto nilang malaman, 'Paano mo iaangat ang aming kalidad ng buhay? Paano ang aming mga problema sa probinsiya?' Like in Pangasinan, 'Edu, paano ang aming agrikultura?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, for them, hindi nakaka-address sa kanilang mga concerns ang mga forums. They want an honest-to-goodness answer to their problem. So that's why ini-encourage namin ang mga tao na magtanong. For me, ang kumikita lang naman diyan [sa mga forum] is yung TV station dahil nakakabenta ng advertising spot. Kahit maging circus 'yan, nakakabenta pa rin. At the end of the day, ang TV station lang ang nakikinabang," pahayag niya.

May nagsasabi naman na kaya raw siya tinatabangan dahil wala naman daw silang nakikitang suporta tulad ng ipinangako sa kanila ni Gibo?

"Wala naman kasing ipinangako, e," diin ni Edu. "Yung usapan namin from the very beginning, yung sinasabing ground forces. Yun ang naging problema namin. Kasi, dahil palagi kaming nag-i-schedule ng sunud-sunod, minsan nade-delay, lalong lumalaki ang gastos namin. Nagkakaroon ng domino effect na yung nahuhuli, galit na galit na yun dahil pinaghintay siya. Pati yung mga tao na dapat nasa venue dahil gabi na, umuuwi na."

May kakulangan ba sila pagdating sa financial aspect?

"Ay, yung financial, problema nila yun, e. Pati yung mga posters, flyers, wala kaming gastos dun. Yun ang usapan from the beginning," sabi niya.

If elected, ang cabinet position daw siguro na gugustuhin niya ay ang Department of Science and Technology (DOST).

"Ang growth engine kasi natin, science and technology. At saka yun din ang background ko, e, engineering," sabi niya.

NOT BACKING OUT. Kailan lang, umingay rin ang balitang plano na raw ni Edu na mag-backout sa kanyang kandidatura bilang vice president. Pero itinanggi niya na may ganoong plano.

"Hindi totoo yun," aniya. "Never. As a matter of fact, noon ngang lumabas yung balita na yun, kasama ko si Adel Tamano, Susan Ople, Ralph Recto...nandun kami sa Hong Kong.

"I don't see... Well, that was an invention of media—yung sinasabing pag-aatras. Almost halfway na kami, tuluy-tuloy na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin during the press conference ang ilang concerns na naririnig mula sa taumbayan. May nagsasabi kasi na kung siya man o si Gibo ang gustong iboto ng mga tao, huwag na lang dahil matatalo rin sila at sayang lang ang boto.

Ano ang masasabi ni Edu tungkol sa bagay na ito?

"Alam n'yo po, 'yan ang dapat nating alisin sa ating pag-iisip at sa ating sistema. You don't vote for a person because you know he's going to win. You vote for an individual that you feel, we feel, partly part of the plan, vision, determination, integrity and competence para isulong ang ating bansa. It cannot be a waste of vote. On the contrary, kung ayaw mo nga sa kandidato na ito at dito ka sa sinasabi mong hindi magaling pero mananalo... Minsan kasi, sa isang kandidato, pera talaga para manalo sa isang election," sabi niya.

QUITTING SHOWBIZ. Sa naturang presscon, kinumpirma rin ni Edu na win or lose this coming elections, posibleng hindi na niya balikan ang kanyang showbiz career.

"Actually, kung titingnan mo, unti-unti na akong lumalayo. In 2003, I made my last movie, ang Tanging Yaman. Hindi na ako muling gumawa. Inspite of yung mga offer. In 2007, itinigil ko na ang mga teleserye. All of these, in line with the Optical Media Board. So, tinigil ko na ang movies, mga teleserye. Tinanggap ko lang ang Game KNB? because it was always after office hours. Taping pa, so kontrolado. At yung time management, mas madali.

"I'm turning 55 this year and I cannot imagine myself at 55, doing the 'Papaya' and shouting, 'Pilipinas, game ka na ba?' What I'd like to do after is in current affairs. I would like to do like a National Geographic-type of show or Discovery of the Philippines na ako ang nagho-host. Out of showbiz arena, mas malalim ng konti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Win or lose, I want to do something different, yung ibang genre naman," sabi ni Edu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN