Ryan Agoncillo reveals funny anecdotes about wife Judy Ann Santos's pregnancy

IMAGE 0


"Sobrang lambing siya. Pero napapansin ko, napapadalas ang hampas at batok! Tapos ang bago niyang hobby ay pagtawanan ako. Paggising ko pa lang, paglabas na paglabas ko ng bahay, natatawa siya. Hindi ko alam kung ano yung nagawa ko, basta na lang siya natatawa," narrates Ryan Agoncillo about Judy Ann Santos, who is two months pregnant.


Mula nang sumikat ang talent show ng TV5 na Talentadong Pinoy, hosted by Ryan Agoncillo, ay marami nang naglabasang ibang talent shows na halos kapareho ng format nito, tulad ng Showtime at Pilipinas Got Talent na parehong napapanood ABS-CBN at Bitoy's ShoWWWtime at Diz Iz It ng GMA-7.

Sa guesting ni Ryan sa showbiz talk show ng TV5 na Juicy ay tinanong si Ryan kung ano sa tingin niya ang pagkakaiba ng Talentadong Pinoy sa ibang talent shows.

"Ito ang kauna-unahang talent show na lumabas. Tapos ang bida rito yung nga talentadong Pinoy talaga, wala nang iba," sagot ni Ryan.

Ibinalita rin ni Ryan na makakasama na nila sa Talentadong Pinoy si Ruffa Gutierrez bilang isa sa resident judges.

"Ruffa is joining us dahil siya ang pinakabago nating kapatid sa TV5. Nandiyan siya with us all the time," sabi niya.

Ang isa pang pagbabago sa Talentadong Pinoy, ayon kay Ryan, ay puwede nang mag-join ang isang grupo na may sampung miyembro, unlike before na lima lang ang maximum sa bawat grupo.

WORKING FOR THREE STATIONS. Hindi lang sa TV5 may show si Ryan, maging sa GMA-7 ay meron din. Isa siya sa bagong dagdag na host sa Eat Bulaga!. Katatapos lang din siyang mapanood sa comedy series na George and Cecil ng ABS-CBN, kasama ang misis niyang si Judy Ann Santos.

Si Ryan ang isa sa mga artista na puwedeng lumabas sa kahit saang istasyon. Paano ba naba-balance ni Ryan ang paglabas-labas niya sa tatlong istasyon?

"Unang-una yung genius dun sa opportunity na mag-work sa kahit anong station, nanggagaling 'yan sa management team ko. Sila yung mga nag-iisip ng diskarte. And sila rin yung may magandang bilin sa akin. Kasi ang bilin lang naman nila, as long as ginagawa mo yung trabaho mo nang higit pa sa expected sa 'yo and then mabuti kang makisama sa mga Dabarkads tulad dun sa Eat Bulaga!, mabuti yung pakikisama dun, so hindi nila ite-take against you na meron ka ring ibang pinagsisilbihang istasyon. Ganundin naman sa ABS, sa mga Kapamilya, maganda rin naman ang pakikitungo, lalo na sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And eto na, I signed up with TV5 already. It's a non-exclusive contract. Kasi ang nangyari, nag-offer yung both stations, yung ABS and yung GMA...maganda rin naman yung opportunities. Pero kinakailangan na bitawan ko yung Talentadong Pinoy which for me, hindi yata negotiable yun.

"So, yung TV5, their offer was even more generous dahil hindi nila ako pinag-quit ng Eat Bulaga! and also, merong nakalagay sa kontrata ko na kung sakaling kailanganin pa ako ng ABS for future project with my wife, puwede pa akong gumawa ng project," mahabang paliwanag ni Ryan.

JUDAY'S PREGNANCY. Buntis na ngayon si Juday. Ano ba ang ini-expect nilang maging baby, boy or girl?

"Well, yun nga yung pinag-uusapan namin nung isang gabi, kung gusto ba naming alamin yung kasarian with the ultrasound. Sa ngayon, she is pregnant two months and a week. So by the fourth or fifth month pa malalaman yung gender. Pero kung saka-sakali, gusto ko sana baby brother for Yohan. Kasi may baby girl na kami, so baby boy sana. Pero basta healthy, mapa-babae or lalaki, game!" excited na sabi ni Ryan.

Si Yohan ang adopted daughter nina Ryan at Juday.

Maarte bang magbuntis si Juday na gaya ng ibang buntis?

"Hindi naman siya maarte. Actually, magaan yung kanyang pagdadalang-tao. Pero ma-request lang siya. Gaya kagabi, nasa may Pasig na ako, e, pauwi na ako. Kaso nag-text [si Juday]. Kailangan daw niya ng certain pagkain at may brand. Bumalik ako from Pasig papunta ng North Edsa, naglakad-lakad ako, naghanap talaga ako. Hanggang umabot sa wala na kaming makitang branch na bukas. Pinuntahan mismo namin yung komisaryo. Sarado na yung branch. Yung manager naman, e, sabi ng kaibigan ko, 'Boss pagbigyan mo na, si Judy Ann Santos ang naghahanap. Hindi makakauwi si Ryan Agoncillo ng bahay.' So, tinawagan nung manager yung isang branch, pinabukas, nagpaluto. Pinuntahan ko na lang doon!" natatawang kuwento ni Ryan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kadalasan din sa babaeng naglilihi, yung iba ay malambing sa asawa, yung iba ay naiirita naman. Si Juday ba ay malambing o naiirita sa kanya?

"Sobrang lambing siya," sagot ni Ryan. "Pero napapansin ko napapadalas ang hampas at batok! Tapos ang bago niyang hobby ay pagtawanan ako. Paggising ko pa lang, paglabas na paglabas ko ng bahay, natatawa siya. Hindi ko alam kung ano yung nagawa ko, basta na lang siya natatawa."

Parehong artista sina Ryan at Juday. Kung sakali bang magkahilig din ang magiging baby nila paglaki nito sa pag-aartista, papayagan ba nila ito?

"Alam ninyo, isa rin 'yan sa mga napag-usapan namin ni Juday, especially with Yohan now growing up. Si Yohan kasi, marami na kaming tinanggihang commercials. Kasi kailangan siguro lahat ng elemento sa pag-shoot ng commercial, yung istorya, yung produkto, kailangan tama and yung timing doon sa bata. Tinanong namin si Yohan kung gusto niyang gumawa ng commercial. Ngayon, medyo shy pa siya. 'So, sige, huwag nating gawin,'" sabi ni Ryan.

FIRST WEDDING ANNIVERSARY. Sa April 28 ang first wedding anniversary nina Ryan at Juday. Paano nila ise-celebrate ang kanilang anibersaryo ngayong buntis si Juday?

"Well, hindi naman ipinagbabawal pa ng doktor yung mag-travel si Juday kasi hindi naman maselan yung pagbubuntis niya. So, it's really up to us...up to her kung gusto niyang mag-travel. Pero gusto pa rin niya, e. So, titingnan namin kung saan yung safe na puntahan na hindi siya mapapagod. As of now, it looks like...we'll be taking short trips around Asia. Or baka sa Amerika na lang kami magpunta kasi yung mga pamilya namin nandoon."

Kasama rin ba sa trip nila abroad si Yohan?

"Yun ang gusto namin," sagot ni Ryan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN