Cesar Montano is "inclined to pursue his candidacy" despite son's tragic demise

IMAGE 0


Christian Angelo Manghilot (inset), son of actor and gubernatorial candidate Cesar Montano, is scheduled for cremation at 11 o'clock this morning, March 28.


Isang gabi bago i-cremate si Christian Angelo Manghilot, ang 23-year-old na anak ni Cesar Montano, hindi na pinayagan ang publiko na pumasok sa kanyang burol na ginawa sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Sa isang panayam ng ABS-CBN sa director na si Marilou Diaz-Abaya, inilarawan nito ang kalagayan ngayon ni Cesar. "He's a model of calm and surrender. Yung tinatawag nating tanggap, kasi parang wala nang sakit."

Si Angelo ay anak ni Cesar sa kanyang naunang asawa na si Marilyn Polinga na yumao noong 1993. Natagpuan si Christian na may gunshot wound sa ulo sa bahay nila sa Barangay Batasan Hills, Quezon City noong umaga ng Biyernes, March 26.

Noong araw na iyon din ang simula ng kampanya para sa mga local government officials kung kaya't nasa Bohol si Cesar nang mangyari ang insidente. Agad bumalik ng Manila si Cesar, ang kanyang asawa na si Sunshine Cruz, at ang kapatid ni Angelo na si Angela upang asikasuhin ang yumaong binata.

Nang tanungin si Direk Marilou kung itutuloy ni Cesar ang kanyang kampanya para sa pagkagobernador ng Bohol, sinabi niya, "Cesar is inclined to pursue his candidacy as homage to Angelo and to the youth."

Kinumpirma ng Arlington Memorial Chapels na sa 11 a.m., March 28, nakatakda nang i-cremate ang mga labi ni Christian Angelo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN