Grieving Francine Prieto talks about last moments with her mom

IMAGE 0


"At least sa ngayon po, tahimik na po siya. Happy na po siya. Nakita ko naman po sa mukha niya na happy naman po siya," said TV host Francine Prieto, whose mother, Amelia Falcon, died of ovarian cancer last March 26 at the age of 54.


Nakapanayam kahapon, March 27, ni Butch Francisco ang naulila na sa ina na si Francine Prieto para sa Startalk. Naganap ang interview sa Arlington Memorial Chapels kunsaan kasalukuyang nakaburol ang mommy ni Francine na si Amelia Falcon.

Hindi lingid sa kaalalam ng marami ang ginawang pakikipaglaban ni Francine at ng kanyang ina para gumaling ang huli sa ovarian cancer mula nang ma-diagnose ito noong May 2009.

Tinanong ni Butch si Francine, na namumugto pa ang mga mata, kung kumusta na siya ngayon, considering halos one year din ang pinagdaanan nilang hirap?

"Hindi na nga umabot. Wala pang one year, yun, nagpaalam na siya. Dati, sinasabi ko na hindi pa siya ready. Pero nitong mga nakaraan, pumunta po sa amin yung presidente po ng Adamson University dahil taga-Adamson po ako. Si Father Greg [Rev. Fr. Gregorio L. BaƱaga Jr., C.M.], ini-anoint po niya si Mommy. Hindi naman po dahil sa mamamatay na siya, ini-anoint niya lang. Tapos, pinapunta rin po si Father Suarez [Fr. Fernando Suarez, C.C.], yung healing priest.

"Ang Mommy ko po, humingi po siya ng confession, dun po sa hospital, so, parang pinaghahandaan niya rin."

NO PREMONITION. Wala raw siyang nakitang senyales na mamamayapa na ang ina.

"Wala po... kasi nga, dumarami na naman yung fluid niya sa lungs. Dinala po namin siya sa hospital dahil ang tigas-tigas ng tiyan niya, ang sakit-sakit, na more than one month na po kaya siya dinala sa hospital.

"Ang tanging paraan na nga lang po para mawala yung fluid niya sa lung, yung 'pigtail,' yung catheter sa lung. Yun lang ang inilagay sa kanya, dun na po siya bumigay. Ang bilis ng pangyayari."

Sa kanyang Facebook account ay parang sinisisi niya ang naturang procedure.

"Naiinis ako sa kanya dahil ang tigas ng ulo niya. Actually, dapat noong isang araw pa po yun ginawa. Sabi ko sa kanya, 'Mommy, huwag ka nang magpalagay ng ganun kasi delikado,' ganyan-ganyan... E, sabi niya nahihirapan daw siya. So, nagtatalo kaming dalawa. Pina-cancel ko yung pagpapalagay kasi baka mam'ya ano ang mangyari kay Mommy, ako ang sisihin. Kasi nga, hindi kami nagkakaunawaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Finally nga, nakapagpa-schedule nga kahapon, yun yung nagbigay sa kanya. Yun ang dahilan kung bakit siya nawala."

Kuwento pa rin ni Francine, "Actually, nakita ko po siya kahapon, alam ko na naghihirap na siya. Alam ko, darami ang fluid niya, hindi na siya makakahinga. Pero nang makita ko siya kahapon, nahirapan pa siya nang sobra bago siya mawala. Yun po ang masakit, e.

"Sana hindi na lang nangyari yun, sana hindi na lang siya nagising, mas okey pa."

MOTHER'S LAST "SEND." Nakapag-usap pa ba sila ng mommy niya?

"Tinext ko lang po siya kahapon. Sabi ko, 'Mommy, good luck po sa operation n'yo, I love you.' Yun lang po ang tinext ko sa kanya."

Hindi na raw sila nakapag-usap pa nang personal. Ang huli nilang pag-uusap ay noong nagtatalo sila tungkol sa catheter.

"Actually, yung last message niya, hanggang ngayon, nasa Sent item pa rin niya. Nakalagay run na, 'Nagpapasalamat ako na binigyan ako ng Diyos ng anak na katulad mo,' blah, blah, blah... 'tapos may sermon nang kasama... Yun na ang last message ng Mommy ko sa akin."

Hindi na niya ito na-embrace?

"Na-embrace ko po siya, wala na siya. Kasi, hindi na po siya ma-revive."

HEARTFELT THANKS. Mag-isa lang ba si Francine ngayon na nag-aasikaso sa pagpapalibing ng ina?

"Hindi naman po, kasama ko naman po ang mga kapatid ko. Tulong-tulong naman po kami. At yung mga nagbigay po ng mga donation po talaga, isang beses lang po nakapag-chemo ang mommy ko, hindi na po niya natapos kasi, iniwan na nga niya tayo. Pero sabi ko nga, sa lahat pa rin po na mga tumulong, siyempre, gusto ko pa rin pong pasalamatan sila."

Nais pang sabihin ni Francine, "Sa lahat po ng mga tumulong, mula pa po noong una, mula pa noong last year, maraming-maraming salamat po. Sa mga nagdasal, sa mga bumisita kay Mommy, nag-share po ng pagmamahal, concerns. Sa lahat na po ng nakiramay, maraming-maraming salamat po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sa mga tumulong na po talaga, maraming-maraming salamat po. Alam n'yo po, ang laki-laking bagay po ng nagawa ninyo sa pamilya ko. Salamat po, binigyan n'yo siya ng another chance, pero hindi na po niya kinaya. Nagpaalam na siya sa atin at sana , saan man siya naroroon ngayon, sana , happy na siya."

Hindi man daw gumaling ang kanyang ina, "at least sa ngayon po, tahimik na po siya. Happy na po siya. Nakita ko naman po sa mukha niya na happy naman po siya."

Ngayong lubos na silang ulila, si Francine na raw, bilang panganay, ang tumatayong nanay at tatay sa mga kapatid niya.

SISTERS LET BYGONES BE. Pati ang nakairingan niyang kapatid na si Sheila ay kasama ng pamilya ngayon sa oras ng kanilang pagdadalamhati.

"Nandito po siya, tumutulong din po siya, kasama po niya ang boyfriend niya. Actually, ikakasal na po yun sa June. Nandito po siya, kasama po naming tumutulong pati po best friend ko at mga kaibigan ko, tumutulong sa akin."

Okey na sila ng kapatid niya?

"Okey naman po... I mean, hindi naman po namin kailangan pang mag-usap. Ang sa akin naman po, para sa pamilya, wala naman pong problema. Hindi naman po namin inilalagay run kung anuman ang samaan ng loob namin."

Sinabi noon ni Francine na ibebenta niya ang bahay nila para may pantustos sa chemotherapy ng ina. Itutuloy pa ba niya ito?

"Ibebenta ko pa rin po kasi, lalo na ngayon na tatatlo na lang kami. So, kailangan ko pong ibenta at kumuha ng mas maliit na lang po."

MESSAGE TO MOMMY. Naisip si Butch Francisco na since ang last communication nilang mag-ina ay through text messages lamang, baka raw yung mga hindi nasabi ni Francine sa kanyang mommy ay gusto niyang sabihin ngayon.

Sabi ni Francine:

"Mommy, kung nasaan ka man, kung naririnig mo 'ko ngayon, sorry po sa lahat ng kasalanan ko sa inyo. Alam n'yo naman po na gusto ko lang na gumaling kayo. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sacrifice n'yo po para po sa aming magkakapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko po kung gaano n'yo kami kamahal. Kung gaano n'yo kami bine-baby lahat kahit malalaki na kami. Maraming-maraming salamat po, Mommy, mahal na mahal ka po namin. Sana po, kahit wala ka na sa amin, sana po, bantayan n'yo pa rin kami. Sana po, kayo na po ang magsilbing guardian angel namin, kasama po ni Daddy."

"Thank you po, Mommy, talaga, mahal na mahal namin kayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN