PART 1: Star-sighting in Boracay 2010

IMAGE 0


Bong Revilla continues his tradition of spending the Holy Week with his family in Boracay.


Kung dati-rati ay halos magningning ang pinong buhangin sa Boracay dahil sa mga bituin, sa taong ito, hindi ganoon ka-exciting ang star-sighting sa isa sa mga pinakasikat na Holy Week destination sa bansa.

Ang Discovery Shores Boracay Island sa Station ang nagmistulang place-to-be ng mga artista.

Ito ang naging pansamantalang tirahan ng buong pamilya ng actor-politician na si Bong Revilla, na kinalimutan muna ang pressure ng May 2010 elections para mag-relax kasama ang asawang si Lani Mercado at mga anak.

Nakita rin sa restaurant ng nasabing resort si Ejay Falcon, kasama ang mga kaibigan.

Maging ang mga Brazilians na sina Fabio Ide at Mariana del Rio ay nandoon din. Naging panata na ng huli ang lumipad patungong Bora tuwing Semana Santa.

Isa pang very visible personality ay si Borgy Manotoc, na enjoy na enjoy sa pagbibilad sa araw at paglalaro ng volleyball kasama ang mga kaibigan

Nasaan kaya ang mga artista? Maraming paparazzi ang nag-aabang sa paglabas nila kaya abangan na lang natin kung sino pa ang nagpunta sa Bora.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN