Gian Magdangal promises to show Party Pilipinas viewers "what I never tried before"

IMAGE 0


"Minsan may maririnig kang comment, 'Mukha ka nang tatay.' Yung pagsabi nang ganun ng mga kaibigan ko made me conscious to look younger and offer new music and new performances sa audience," says Gian, one of the SOP regulars who made the cut to GMA-7's replaced noontime show.


Isa si Gian Magdangal sa na-absorb ng Party Pilipinas mula sa mga regular performers ng na-cancel nang SOP. Aminado si Gian na kinabahan din siya kung mare-retain siya or isa sa mawawala kapag Party Pilipinas na.

"Inisip ko talaga na... since yung mga bagong sinabi nila kakatapos din nung StarStruck. Ang dami na namang bago at saka, kumuha rin sila ng bagong lalaking artista, si Mark Bautista. At saka, alam ko na may mga aalis. Si Jan Nieto, wala na rito. Si Cris Cayzer, wala na rin dito. So, inisip ko, 'Ako kaya, iki-keep nila kaya 'ko?'

"E, minsan may maririnig kang comment, 'Mukha ka nang tatay.' Although siyempre, tatay na 'ko, pero, yung pagsabi nang ganun ng mga kaibigan ko made me conscious to look younger and offer new music and new performances sa audience.

"Kaya noong malaman ko na-retain pa rin ako, sobrang natuwa ako. I have a new contract at saka they still trust me."

SOMETHING NEW. Kaya he's doing his best daw to show the viewers that he also has something new to offer.

"Sabi ko, I'm not getting any younger. It's my third year here now, getting on my fourth year. Sabi ko, dapat may maiba naman sa akin para may maipakita naman akong iba. So, well, one, what I never tried before. Now, I'm trying to be more fit, more conscious about how I look. Para magaan ang pakiramdam. Para feeling 21 pa rin," natatawa niyang sabi.

Bagamat majority pa rin ng kasama sa Party Pilipinas ay galing sa SOP, may nakikita ba siyang pagkakaiba ng dalawang programa?

"Para sa akin, iba ang feeling. Unang-una, maraming bago. Performing on a new stage. Maganda yung bagong stage at saka yung feel, iba yung feeling. And when we were performing Party Pilipinas, parang dun nagsi-sink in na, 'Oo nga, iba na, Party Pilipinas na 'to.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PARTY ON, PILIPINAS. After their pilot episode at ang nai-tape na nilang second episiode last Tuesday sa Araneta Coliseum na mapapanood ngayong Linggo, positive raw siyang mas kayang makipagsabayan ng show kahit dalawa na ang katapat nito sa Linggo.

"I feel na kaya kasi unang-una, ang daming bago, ang daming stars. And if I were a viewer, I'll look, 'Ano bang bago? Sino bang bago?' So, kung bagong look, bagong name ang hahanapin mo, sino ba ang bago? That's one thing we have a lot to offer. Ang daming talents, ang daming puwedeng mangyari.

"Tapos, isa pang puwedeng ipanglaban, yung new look ng stage, new staff and new cast. Ang theme talaga niya, new show na."

MEETING GIRLFRIEND'S MOM. Maganda rin ang takbo ng relationship nila ng one-named entertainer na si Sheree. Walang problema daw kay Gian kung nagpapaseksi ang dating Viva Hot Babe, as long as alam ng girlfriend ang limitation nito, lalo pa't ina siya ng anak nilang si Gian Haley.

Wala pa raw silang balak na bigyan ng kapatid si Haley na magtu-two years old sa Mayo.

"Wag muna nating sundan," natatawang sabi ni Gian. "If ever man na magkaroon ng pangalawa, ang gusto namin, magpakasal muna. Yun talaga ang nasa isip namin. Siyempre, we're taking our relationship one step at a time. We're going strong. It's really something that we're happy about. But right now, nag-iipon kami, try naming maging stable yung buhay namin. At saka, we're trying to keep healthy lang.

"Pinag-uusapan naman namin [ang pagpapakasal], but it's more on right now... I want to meet her mom. We want to go to the States. Kasi, yung mommy niya, hindi pa makauwi rito. Siguro inaayos pa ang papeles. So, gusto naming bisitahin yung mommy niya sa States. "

Parang mamanhikan muna siya?

"Parang ganun nga. That's one of the major things to do before taking any relationship in a more serious level. Of course, to get the blessing of the relatives and, of course, the mom."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN