Cesar Montano a few days after his son's cremation: "I have to move on."

IMAGE 0


"But kung iisipin mo yung mga 'sana' na 'yan e, kung talagang mangyayari, if God didn't allow it to happen, hindi talaga mangyayari yun. And if God decided to take Angelo's life a month ago, nangyari yun," says Cesar Montano.


Last March 28, matapos i-cremate sa Arlington Memorial Chapel ang mga labi ng anak ni Cesar Montano na si Christian Angelo Manhilot, dumiretso ang mag-anak sa kanilang tahanan sa Quezon City.

Bukod sa naunang isahang pagpapahayag ni Cesar ng kanyang damdamin sa lahat ng media ukol sa pagkamatay ni Angelo, marami ang nagtangkang ma-interview ng one-on-one si Cesar. Pero pinili ng aktor na manahimik at panatilihing pribado ang pagdadalamhati ng kanilang pamilya.

Ngunit sa pinakaunang pagkatataon, na-interview The Buzz si Cesar sa telepono at ipinalabas ito last Sunday, April 4. Dito ay ibinuhos ng aktor ang kanyang saloobin sa pagkamatay ng anak.

"Pagdating namin dito, hindi pa rin ako makapaniwala, e, na wala na siya [Angelo]. May mga few days pa ako na hindi makapaniwala but I keep on talking about it para to convince myself na wala na nga si Angelo. Si Shine [Sunshine Cruz, Cesar's wife], from day one grabe yun, grabe talagang hagulgol talaga to-the-max dahil nga pag pinapagalitan ko minsan si Angelo, ang ano...ang takbuhan niya si Sunshine," madamdaming pahayag ni Cesar.

MOVING ON. Inamin ng aktor na puno pa rin ng emosyon ang kanyang bawat araw sa biglaang pagkawala sa kanyang piling ni Angelo.

"Yeah, every now and then pag naaalala ko na naman siya, nandudoon na naman. But I have to move on."

Sa panayam na ito, tila may konting kilabot namang hatid nang aminin ni Cesar na habang kausap niya ang The Buzz ang gamit niyang telepono ay ang teleponong huling gamit ni Angelo nang magpakamatay ito.

"Actually, itong kausap kita [The Buzz staff] ngayon, e, itong teleponong gamit ni Angelo, ito yung teleponong gamit ko ngayon para mag-usap tayong dalawa. Mismong kung saan si Angelo nakaano...nandirito ako ngayon, nakaupo rin ngayon," sabi niya.

SENSE OF REGRET. Sa pagpanaw ng kanyang anak, pinagsisisihan daw ni Cesar kung bakit hindi niya nagawang pigilan ang mapait na pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, to be quite honest, the most sincere answer to that is talagang napakarami. Sana ganito. Sana isinama ko na the day before. Sana isinama ko na kaagad siya sa pupuntahan ko doon sa Bohol. Sana nung last week pa, sana nakausap ko siya. Sana ganito.

"Well, in retrospect hindi lang ako ang naggaganun, mga pinsan niya, mga kabarkada niya. Pati si Angela [Angelo's sister], 'Sana sinagot ko siya nung nag-text siya sa akin na he needs somebody to talk to.' But kung iisipin mo yung mga 'sana' na 'yan e, kung talagang mangyayari, if God didn't allow it to happen, hindi talaga mangyayari yun. And if God decided to take Angelo's life a month ago, nangyari yun," sabi ni Cesar.

Sa ngayon, kasabay sa pagharap nila sa bagong kabanata ng kanilang buhay na wala si Angelo, ang dating silid ng anak ay unti-unti nang pinababago ni Cesar.

"Pag bagong paint, e, parang naging bago rin yung feeling this time. Kailangan ng mga bagong pananaw, bagong pakiramdam, bagong nakikita. We're trying to ease the pain, yung feeling natin para maiba naman. But definitely, si Angelo nandidiyan pa rin, nandidiyan pa rin sa puso namin."

HURTFUL ACCUSATION. Isang bagay lamang ang ikinasasama ng loob ni Cesar nang lumabas ang akusasayong ginagamit diumano niya ang pagkamatay ng anak para sa pulitika. Tumatakbo kasing governor ng Bohol ang aktor.

"Hindi nga ako nagsasalita. Ito nga yung unang-unang salita ko. Ang unang salita ko nga is, 'Please respect our grieving.' Kawalan po sa puso ko 'yan. Hindi ko po gagawin 'yan. That would be the least na maiisip ko para sa anak ko at para sa aming pamilya," saad niya.

At bilang panghuli ibinahagi rin ni Cesar na kamakailan lang dinalaw siya ni Angelo sa panaginip. At ang mensahe nito ay malinaw na tumatak sa kanyang puso at isipan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's a very, very clear dream. Ang first niyang tagubilin is, 'Please, pakisabi mo sa kanila ipag-pray ako. At okay lang ako dito. At yung pangatlo is lagi ko silang kasama.' So, yun. My appeal to all friends of Angelo, our friends also, yung mga nakikinig po, sana po tulungan n'yo akong ipagdasal si Angelo for his soul," pakiusap ni Cesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN