Enzo Pineda enjoys advantages of being co-managed by his father

IMAGE 0


"Para sa akin po, naipakita ko na po na nagka-GF ako. May mga crushes ako sa mga female celebrities. Nakikita ng tao na lumalabas ako na may kasamang kaibigang babae, so it shows, nakikita naman po," says Enzo Pineda in countering the rumor that's he's gay.


Kilala ang ama ng StarStruck V First Prince na si Enzo Pineda, si Mr. Eric Pineda, bilang business manager ni Manny Pacquiao. Bilang newcomer sa showbiz, may advantage ba 'yon or disadvantage sa career ni Enzo?

"For me, hindi naman po siya sa 'yon ang advantage ko... Advantage ko po yung I'm being co-managed by my father kasi, at least, natututukan din ako ng mga magulang ko. At siguro po, mas marami lang makukuhang endorsements dahil mas marami siyang kilala, yung father ko. So, yun na po yung bonus for that," sabi ni Enzo sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Tulad ng nabanggit ni Enzo, co-manager ng GMA Artist Center ang daddy niya pagdating sa kanyang career.

Ano ang feeling na ang manager niya ay tatay niya?

"Para sa akin, sa tatay ko po, very comfortable ako dahil ano, parang alam po nila kung ano ang gusto ko kasi anak po nila ako. So, kilala na po nila ako. At the same time, naaalagaan po nila ako nang husto kasi araw-araw nila akong nakikita. Naa-update ko po sila sa mga ginagawa ko and ako po yung natututukan nila lagi," sagot ng 19-year-old newcomer.

Natatawa pang sinabi ni Enzo na ang isa pang advantage na ama niya ang kanyang manager ay hindi raw ito kumukuha ng komisyon mula sa mga kinikita niya sa showbiz.

Speaking of earnings, so far, ano na ang mga nabili or naipundar na niya?

"More on clothes po," aniya. "Kasi lalo na sa Party Pilipinas, 'tsaka sa mga ibang shows po, kailangang every six months ka bago umulit ng damit. So, kailangan bili ka nang bili ng damit."

Wala pa raw siyang clothes sponsor kaya mostly damit ang pinagkakagastusan niya ngayon. "At saka po sapatos," dagdag ni Enzo. "Kasi hindi naman puwede na makita ka sa TV na 'yon lagi ang suot mo. Parang okay siguro na, 'Uy, ito kasi yung favorite shirt ko!' Pero baka naman may magtanong na bakit 'yon na lang lagi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GAY ISSUE. Hindi pa rin nawawala ang intriga tungkol sa pagkalalake ni Enzo, na nagsimula noong nasa StarStruck V pa siya. Paano hina-handle ni Ebzo ang gay issue sa kanya?

"Para sa akin, kilala ko naman po ang sarili ko so... and I have no, wala po akong masamang loob sa mga gay dahil I respect them. Very creative people sila and personally, kilala ko ang sarili ko and it will show naman. 'Tsaka yung sa StarStruck po, nung matapos ang StarStruck, wala na po yung issue na yun kaya masaya po ako dahil doon," saad niya.

Ano ang gagawin niya kapag nakaharap niya ang mga nagtsitsismis na bading siya?

"Para sa akin po, naipakita ko na po na nagka-GF ako. May mga crushes ako sa mga female celebrities. Nakikita ng tao na lumalabas ako na may kasamang kaibigang babae, so it shows, nakikita naman po," sabi ni Enzo.

May nanligaw na ba sa kanyang gay?

"A, wala po," nakangiting sagot niya. "Siguro ano lang po, kung may ganun, be friendly po pero may distansiya po."

May hindi kagandahang experience na ba si Enzo sa gay, like nahipuan na ba siya sa mga mall shows nila ng StarStruck winners?

"Actually, wala po. Kasi everybody naman na kinakamayan ko, hinihila yung kamay mo. Pero so far, 'yon lang po."

So, hindi pa niya naranasang matsansingan?

"Hindi naman po," sabi niya. "Marunong naman po kaming umiwas sa ganoon. Hindi naman sangga. Kung alam mo lang na may mangyayari, parang distansiya lang. Pero of course, mabait ka lang palagi sa kanila."

CHANGES AFTER STARSTRUCK. Kumusta na ang buhay niya pagkatapos ng StarStruck V?

"For me life now is...parang wala namang nagbago sa personality ko nung StarStruck before hanggang ngayon, wala po. Of course, confidence lang siguro dahil nasanay na po akong mag-perform, makipag-usap sa tao. Siguro po, 'yon po. Pero kung ano yung mga hilig ko dati, ganun pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sana... Yung mahirap po na...nawala yung [free] time, of course. Ngayon, minsan na lang po akong makapag-text sa mga kaibigan ko. So, pag may time talaga ako na free ako, pinupuntahan ko na lang ang mga kaibigan ko para spend time with them naman.

"Siyempre, iba naman po yung pinagsamahan namin dati ng mga kaibigan ko. And I'm very happy that I have mga friends na ganun, na kahit busy ako, sinusuportahan pa rin nila ako," saad ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN