Edu Manzano's brother dies of aneurysm

IMAGE 0


The older brother of vice-presidential candidate Edu Manzano (in photo), Adrian Manzano, passed away last April 5 due to aneurysm. He was 64.


Aneursym ang ikinamatay ni Adrian Manzano, ang 64-year-old brother ng actor at vice-presidential candidate na si Edu Manzano.

Sumakabilang-buhay si Adrian noong April 5 sa Los Angeles, California. Ang pagpanaw ni Adrian ang dahilan ng mabilis na desisyon ni Edu na iwan muna ang pangangampanya para makita ang kanyang kapatid sa huling pagkakataon.

Nangangampanya si Edu sa Davao nang malaman niya ang malungkot na balita tungkol sa kanyang kapatid.

"From the time I waited for the forum to start to the three hours that I was sitting, I couldn't push away thoughts of my brother. And it goes without saying that I love my brother," ang pahayag ni Edu na ipinadala niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ten years older si Adrian kay Edu at malapit sila sa isa't isa.

"Dick" ang tawag ni Edu kay Adrian na tumutulong sa kanyang kandidatura kahit nasa ibang bansa ito.

Si Adrian ang campaign manager ni Edu sa California. Sinusuportahan ni Adrian ang lahat ng mga proyekto at paniniwala ng kanyang nakababatang kapatid.

Hindi pa masabi ni Edu kung kailan niya ipagpapatuloy ang kanyang mga campaign sortie.

"It depends on the plans and decisions of Dick's immediate family and his children, so we will be guided accordingly," sabi niya sa PEP.

Nangako si Edu na babalik agad siya sa Pilipinas para ipagpatuloy ang pangangampanya para sa partido nila ng kanyang running mate na si Gilberto "Gibo" Teodoro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN