Dennis Trillo and Jennylyn Mercado: "Yes, we are exclusively dating."

IMAGE 0


"Wala naman akong nakikitang masama kasi single naman si Jen at single naman ako ngayon. Matagal kaming hindi nakaranas na mag-date ng kahit sino dahil we are both busy. Nagkataon talaga na nagkasama kami at nagkasundo kami," says Dennis Trillo about Jennylyn Mercado.


"Yes, we are exclusively dating."

Ito ang parehong sagot nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo nang tanungin sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press tungkol sa namumuo nilang relasyon na nag-umpisa sa set ng GMA Sine Novela Gumapang Ka Sa Lusak.

Hindi na nga nakapag-deny sina Jennylyn at Dennis nang ma-corner sila ng iba't ibang TV crew sa backstage ng SMX Convention Center kung saan idinaos ang trade party ng GMA-7 kagabi, April 8. Matagal na kasing may mga bulung-bulungan tungkol sa kanilang dalawa hanggang sa makumpirma na nga dahil sa mga litrato nilang magka-holding hands habang namamasyal sa Hong Kong noong nakaraang Holy Week.

Nag-deny noong una si Jen bago pa man lumabas ang mga litrato nila ni Dennis sa isang tabloid. Sinabi niya sa mga nagtanong sa kanya na sa bahay lang daw siya nag-Holy Week kasama ang kanyang anak na si Alex Jazz. Nang tanungin naman si Dennis ay hindi raw ito sumasagot kung saan siya nag-spend ng Semana Santa.

Dahil nga sa lumabas na ang mga litrato, wala nang choice sina Jen at Dennis kundi aminin na they are "dating exclusively."

"Siya lang talaga," nakangiting sabi ni Dennis. "Kilala n'yo naman ako. Kapag may dine-date ako, iisang girl lang talaga. Hindi ako nagsasabay ng marami. I admit na si Jennylyn lang ang dine-date ko ngayon. We are exclusively dating."

Dagdag ng aktor, "Wala naman akong nakikitang masama kasi single naman si Jen at single naman ako ngayon. Matagal kaming hindi nakaranas na mag-date ng kahit sino dahil we are both busy. Nagkataon talaga na nagkasama kami at nagkasundo kami."

Bago na-link kay Jennylyn, nagkaroon ng relasyon si Dennis sa ilang celebrities tulad nina Cristine Reyes at Carlene Aguilar, kung kanino meron siyang isang anak. Huling na-link si Dennis kay Pauleen Luna na nakatambal niya sa Adik Sa 'Yo. Isang linggo nga lang daw ang itinagal ng relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jennylyn naman ay huling na-link romantically kay Patrick Garcia na siyang ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Before Patrick ay matagal niyang nakarelasyon si Mark Herras na huli niyang nakatambal sa drama series na Ikaw Sana.

SINGLE PARENTS, ONE HEART. Nang tanungin si Jennylyn kung bakit siya biglang pumayag na maka-date si Dennis, sinabi niyang may ilang bagay raw silang pinagkakasunduan. At pareho rin silang single parent kaya naka-relate sila sa isa't isa.

"Pareho kaming mahilig sa music, e," banggit ni Jennylyn. "Yun ang madalas naming pag-usapan sa set. Tapos, pareho kaming mahilig mag-biking. Yun kasi ang pinaka-exercise ko at yun din pala ang hilig niya.

"Pero siguro ang pagiging single parent namin ang naging common denominator naming dalawa. Pareho pang lalake ang mga anak namin kaya tuwing magkukuwentuhan kami sa set, tungkol sa kakulitan ng mga anak namin."

Sabi naman ni Dennis, humihingi raw siya ng tips kay Jen tungkol sa pag-alaga ng anak.

"Kapag kasi si Jen ang kausap mo, tungkol kay AJ [Alex Jazz] ang naikukuwento niya. Ako rin, tungkol naman kay Calix," ngiti ni Dennis. "Since older ng one year ang baby ko, nagtatanong si Jen ng parenting tips mula sa akin. Gano'n din ako sa kanya since mas nakakasama niya parati si AJ. Puro tungkol sa mga anak namin ang topic parati."

Dagdag naman ni Jen, bilib siya kay Dennis dahil napagsasabay nito ang trabaho at ang pag-alaga kay Calix.

"Multi-tasking nga raw siya," sabi ng young actress. "Kapag araw niya for Calix, kahit na may work siya, gumagawa siya ng paraan para makasama niya ang anak niya. Nakakatuwang isipin na very responsible siyang ama sa anak niya kahit na doble-doble ang trabaho niya. Nakakabilib ang tulad niyang lalake."

Ayon naman kay Dennis, si Jennylyn daw ang nagpapasaya sa kanya ngayon at kanyang inspirasyon. Sinagot naman iyon ni Jen na special daw si Dennis ngayon sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN