Veteran comedian Palito dies at age 76

IMAGE 0


Veteran comedian Palito, Reynaldo Hipolito in real life, died today, April 12, at the age of 76 due to complications from lung problems.


Sumakabilang-buhay na kaninang 7:05 ng umaga, April 12, ang beteranong komedyanteng si Palito—o Reynaldo Hipolito sa tunay na buhay.

Binawian ng buhay ang komedyante habang naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa mga kumplikasyon sa sakit sa baga. Siya ay 76 taong gulang.

Naka-schedule pa nga sana si Palito para sa CT scan ng alas-otso ng umaga ngayong araw, pero binawian na siya ng buhay ng 7:05 a.m.

Nauna nang naibalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na isinugod sa Imus Family Hospital noong April 6 si Palito nang magreklamo ito ng pananakit ng sikmura. (CLICK HERE to read related story.)

Naibalita rin sa PEP na sinagot ni Sen. Bong Revilla ang lahat ng gastusin para sa pagpapaospital kay Palito.

Nakilala muna si Palito bilang sidekick noong 1970s. Nung 1980s, nakagawa siya ng mga pelikulang siya mismo ang bida, tulad ng Rambuto at No Blood, mga spoof ng mga pelikulang Rambo at First Blood ni American action star Sylvester Stallone.

Huling pelikula niya ang M.O.N.A.Y. (Misteyks Obda Nesyon Adres Yata) ni Mr. Shooli noong 2007 sa ilalim ng Onabru Films. Matapos noon ay wala nang pelikula pang nilabasan si Palito at naging drummer muli ng combo ng isang casino sa Maynila.

Bukod sa pagiging komedyante, isa ring musikero si Palito. Isa siyang sesyonista't drummer ng mga show bands noong '70s at '80s.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN