Joyce Bernal on directing kids in Wachamakulit: "Kailangan grabe ang tolerance mo, sagad!"

IMAGE 0


The director is used to handling drama kings and drama queens but may have met her match in the kiddie regulars of GMA-7's newest game show. "Mahirap!" she said. "Pinawisan ang kili-kili ko!"


Nililimitahan ni Direk Joyce Bernal ang pagtanggap ng mga TV assignments lately, especially kung serye ito. Pero di niya natanggihan ang bagong game show ng GMA-7, ang Wachamakulit, na mapapanood na sa Friday, April 16.

Panibagong pagsasama nila ito ni Eugene Domingo na siyang host.

"Well, para maiba naman. Actually, noong tinawagan nila ako, akala ko ang i-o-offer nila sa akin parang Claudine [drama anthology]... The most sa isang buwan, mga dalawang taping lang kami... baka isang araw na lang for a month, so, okey."

First time raw niyang magdirek ng isang kiddie show kaya, "pinawisan ang kili-kili ko! Mahirap!...

"Mga bata kasi, hindi mo puwedeng sabihin sa kanila kung ano ang ipapahula, kung ano ang iri-reveal. Kasi itsitsika 'yan sa mga contestants. On the game proper itself, bago pa kami sumalang, dun mo pa lang sasabihin 'yan. Kailangan perfect na! Kasi, kung hindi, mahuhulaan na ng matatanda."

FUN AND GAMES. May iba't ibang segments ang show na ang mga bata ang nagpapalaro sa mga adults, tulad ng Wach Dat kunsaan huhulaan ng contestants ang apat na bagay o ideya. Sa Tao Po, may mga batang mag-i-impersonate. Sa Kantaranta, huhulaan ang title ng song mula sa kiddie band ng show. 'Saka pa lang makakapasok ang contestants sa Feeling Clues na jackpot round kunsaan kasama na si Eugene ng mga bata na magsa-charade or mag-a-act out ng pinapahulaan.

May Bring Me rin na game.

"Sa Bring Me, sobrang gulo nun. Yung mga bata na yun... Si Uge ang nagpapa-bring me."

Good thing daw at mom na siya kaya puwede niyang i-handle ang kakulitan ng mga batang regulars na nagkakaedad apat hanggang 10.

"Naku, kailangan grabe ang tolerance mo, sagad! Kailangan 200 percent palagi ang tolerance mo. Challenge talaga. Iba siya, e. Di ba, kapag nagdirek ka, parang kaya mong i-control, ito iba talaga. Yung control, dapat nasa sistema talaga, nasa mechanics ng game."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ang anak ni Direk Joyce na si Liam sa mga batang nakapasa sa audition para sa show. Pero hanggang school break lang daw ang participation nito.

"Alam ni Liam yun, hanggang summer lang siya puwede. Nag-e-enjoy naman siya. Marami siyang friends. Yung friendship siguro ang pinakagusto niya. At saka, ayoko, e, eight pa lang," sey niya.

MOVIE PROJECTS. Dalawang movie rin ang dapat na ginagawa ni Direk ngayon. Ang Of All The Things nina Regine Velasquez at Aga Muhlach, at ang pelikula nina Robin Padilla and Toni Gonzaga para sa Star Cinema.

"Yung Aga namin... konti na lang, pero major scenes. Wala pa... wala pa kaming schedules. Hindi kami binigyan for April and May, so wala, wala, e."

Pero kinumpirma ni Direk na maipapalabas naman ito sa 2010.

"Yung Robin ko, nag-shoot na kami, second day na namin sa Tuesday. Si Robin kasi walang ginagawa, movie lang. So, dirediretso 'ko kay Robin."

Pero wala pang playdate dahil "yun ang hiningi ko sa Star... ayokong mangarag. Pumayag naman ang Star... Yun ang sinabi namin sa umpisa ni Robin, 'Walang playdate muna, ha.' But, we can never can tell."

ALCOHOLIC? Naging controversial ang director nang matsismis siya na "alcoholic" daw dahil sa pag-iinom nito noong nasa Boracay.

Hindi naman itinatanggi ng director na umiinom siya kapag walang trabaho or nagre-relax with friends.

"Wala naman. Siguro ang alcoholic, siguro hindi na nakakatrabaho... Ano talaga yun, bonding. Pinalabas ang KimmyDora run. After ng KimmyDora screening, dun na kami relax-relax."

Dugtong pa niya, "Siguro kung mag-a-alcoholic ako, titigil muna 'ko. Isasagad ko yun," natatawa niyang sabi.

KIMMYDORA 3. Kinamusta namin ang KimmyDora 3.

"Kapag lumabas po ang script, supposedly lalabas siya ng May, so pre-prod namin ng isang buwan... So, mga July siguro ang shoot."

Sino ang magiging leading men ni Uge? Hindi na ba sina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto nila, pero depende talaga sa script. Wala talagang kinalaman ang KimmyDora 1 sa KimmyDora 3, e. Pero yung dalawa gusto nila."

Posibleng may mga bagong leading men?

"Well, siguro yung mga bagong pinagnanasaan ni Uge. Mga pangarap niya. Ibibigay namin bilang matanda na siya," natatawang biro ni Direk.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN