ELECTION WATCH: Dingdong Dantes and Ayos Na launch "Prinsipyo Ko, Walang Presyo; Boto Ko Para Sa Pagbabago"

by Rose Garcia
Apr 13, 2010
"Ang main course ko are people na naniniwala rin sa prinsipyong walang presyo. Hindi ko sinasabing sa iba, nagpapa-presyo, e, hindi mabuti ang ginagawa nila. Ang ini-encourage ko, yung mga naniniwala sa prinsipyo, walang presyo," says Dingdong Dantes.

Pinangunahan ng aktor na si Dingdong Dantes ang launching ng Prinsipyo Ko, Walang Presyo; Boto Ko Para Sa Pagbabago, ang bagong adovacy ng Ayos Na (Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino), bilang national convenor ng kilusan. Ginanap ang event sa King Bee Chinese restaurant sa E. Rodriguez Ave., Quezon City kagabi, April 12.

Kasama ni Dingdong ang mga kabataan mula sa iba't ibang lugar at ang mga may-ari ng Sterling at MyPhone. Nandun din at nagsalita ang head ng fans club ng aktor.

Ayon kay Dingdong, magkakaroon ng Araw ng Prinsipyo sa May 1 na gaganapin sa Manila. Dito rin ilu-launch ang Boses ng Kabataan Competition na ang grand finals ay gaganapin sa August 21. Ine-expect ni Dingdong na makakasama rin nila sa naturang event ang iba pang celebrities na naniniwala sa kanilang adhikain na hindi nabibili ang prinsipyo.

"Itong Prinsipyo Ko...Walang Presyo ay napag-usapan lang namin hanggang sa lumawak nang lumawak. Hanggang sa napunta sa usapan ang MyPhone dahil naniniwala sila sa prinsipyo at tamang-tama sa adhikain nila para ipagpatuloy ang legacy nina Ninoy at Cory Aquino.That's why nagpapasalamat ako sa kanilang support.

Continue reading below ↓

"And then, yung Yes Pinoy Foundation, ang foundation na itinayo rin namin last year, nagkaroon po kami ng tie-up with Sterling Paper, kung saan ang Sterling ang nagbibigay sa atin ng full scholar at maraming donation for the foundation. Bukod dun, they are also providing for the hotlines at tawagan lang nila yun para malaman nila how to be part of Prinsipyo Ko, Walang Presyo," saad ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

DINGDONG'S PRINCIPLE. Nasubukan na ba ang prinsiyo ni Dingdong sa buong panahon ng pagiging artista niya?

"Oo naman," sagot niya. "Pero halimbawa mag-eendorso ka, hindi ka naman kukuha ng isang bagay na hindi mo pinaniniwalaan. In fact, ang kuwento diyan, yung MyPhone ang isa sa mga unang-unang kumuha sa akin as endorser. Natapos na ang kontrata namin, but still, we established a close relationship beyond the contract. Ngayon nga, ginagawa namin ito, pero wala nang usapan sa kontrata or endorser ka, hindi na siya ganun. It goes also with the other companies na ine-endorse ko."

Continue reading below ↓

Naniniwala ba siyang sa hanay nilang mga artista, marami pa rin ang nag-e-endorse ng isang kandidato dahil sa pera at hindi dahil sa sariling paniniwala lamang?

"Mahirap naman lahatin, e," sagot ni Dingdong. "Hindi ko naman puwedeng kuwestiyunin ang prinsipyo nila. Maaaring ang importante sa kanila ng mga oras na yun ay ang panandaliang satisfaction or yung gains na makukuha nilang talaga will really help their lives. Malaki ang maitutulong noon sa buhay nila at hindi naman natin maiaalis yun sa kanila, at hindi ko kinukuwestiyon yun.

"Ang main course ko are people na naniniwala rin sa prinsipyong walang presyo. Hindi ko sinasabing sa iba, nagpapa-presyo, e, hindi mabuti ang ginagawa nila. Ang ini-encourage ko, yung mga naniniwala sa prinsipyo, walang presyo," diin niya.

NOYNOY'S ALLEGED PSYCHOLOGICAL PROBLEM. Hiningan din si Dingdong ng kanyang opinion sa bagong isyung ikinakabit sa sinusuportahan niyang kandidato na si Sen. Noynoy Aquino. Ito ay ang sinasabing pagkakaroon nito ng psychological problem. (CLICK HERE to read related story.)

Continue reading below ↓

"Alam n'yo, ako, I believe the document can really speak," sabi ni Dingdong. "At kahit anong saliksik ang gawin nila, kahit anong research, malalaman nila ang katotohanan. At pati yung mga taong may hawak ng katotohanan, nagsalita na rin na hindi siya totoo."

Dagdag niya, "It's sad na kailangan pang dumating sa ganung kababang paninira just to put a good man down. I believe you can never put a good man down."

Tinanong din si Dingdong tungkol sa pagsigaw ni Baby James ng "Vee-yar!" sa isang campaign sortie imbes na ang pangalan ng kanyang uncle ang sabihin niya. (CLICK HERE to read related story.)

"Yun naman, in fairness naman, hindi ko siya napanood so I really don't want to comment about it. Siyempre, hindi ko napanood, e. Although, naririnig ko ang mga kuwento," saad ni Dingdong.

WHY DINGDONG SUPPORTS AQUINO. Marami pa rin ang nagtatanong hanggang ngayon kay Dingdong: "Why do you support Noynoy Aquino without expecting anything in return when your fellow celebrities are making millions for endorsing other presidential candidates?"

Continue reading below ↓

"Ako kasi, naniniwala ako na minsan lang natin magagawa ito. That we will be a part of a national event na talagang may say ang kabataan. At ako, being part of entertainment industry, I wanna be part of it para walang regret later on," sagot niya.

Hindi na rin nakatanggi si Dingdong nang tanungin siya nang diretsahan kung totoo nga bang naglalabas na rin siya ng sarili niyang pera.

"Minsan," nangiti nitong sagot. "Pero okey naman. Significant amount lang din naman na alam kong hindi rin naman ako mababalda. But I know na kung anuman yun, it will really be supplemental sa advocacy na yun."

Ito ang dahilan, ayon sa ilang entertainment press na nasa presscon, kung bakit proud na proud sa kanya si Kris Aquino, dahil wala siyang dine-demand. In fact, madalas din siyang banggitin ni Kris sa pasasalamat nito.

"Thank you rin, maraming salamat din for trusting us," sambit niya. "I'm sure naman, maraming initiative, maraming ibang grupo na gumawa ng something like this. But because ako, I'm kind of privileged na may mga sumusuporta at naniniwala. That's why I'm thankful that they trust me enough and, of course, for Kris that she trusts me enough.

Continue reading below ↓

"Of course, we will also need her for some time. And yung presence niya, kakaiba. Of course, automatically, sinasabi niyang 'I'll be there.'"

What about Sen. Noynoy Aquino, nakikita ba niyang naa-appreciate nito ang lahat ng ginagawa niya?

"Oo naman. We are in communication. Kasi, nagre-report din kami. Siyempre, binuo namin yung movement. So, ito ang gagawin namin dapat. Ito ang gagawin namin para sa inyo. So, siyempre, may progress report," saad ni Dingdong.

CLICK HERE to read more election-related stories.

Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes, Noynoy Aquino
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang main course ko are people na naniniwala rin sa prinsipyong walang presyo. Hindi ko sinasabing sa iba, nagpapa-presyo, e, hindi mabuti ang ginagawa nila. Ang ini-encourage ko, yung mga naniniwala sa prinsipyo, walang presyo," says Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results